can't think of a title
Ene 31, 2008 by rachel marra
That's what my brother told me when I told him why my blog name is "can't think of a name." Simple. 'Cause I can't think of a name.
Just a while ago [maybe 45 seconds or more], I was about to give up in making up a really nice title for my reflection paper in Lit14 [about the lit night: One night Only]. I was about to type "can't think of a title." And then...snap! A title came out of nowhere! [sigh...]
I'm running out of creative juices...[no! that can't be!!! you'll be needing more of it for your whole life!!!]
I would really need a hug right now...
Anyway, I am hoping to post my reflection paper here AFTER I PASS IT TOMORROW, because I can really reflect on the poetry readings, and I'd like to share my reflections...One Night Only was my first poetry reading experience ever [aside from the poetry readings done in my Lit14 class (of course, we read poetry in my Lit14 class. Duh...)and Fil12 class (wherein Mr. Edgar Samar reads poetry before our class starts)], and I'm really looking forward to attending more poetry readings. Free admission, please...
Magandang Umaga Ace!!!
Ene 28, 2008 by rachel marra
Napakaganda ng umaga mo.
Maaga kang nagising pero late ka nang lumabas ng bahay.
Marami ngang mga pampublikong sasakyan: mga fx at jeep,
Lahat naman puno na.
Napakaganda ng umaga mo.
Habang naghihintay ka sa ilalim ng waiting shed
(na hindi mo alam kung bakit mas gusto ng mga taong
maghintay ng masasakyan sa labas ng waiting shed),
Pinaglaruan mo ang iyong puting panyo.
At sa isang maling galaw ng isang daliri,
Nag-dive ang maputing panyo sa maitim na tubig
Na naipon sa gutter (gutter nga ba ang tawag doon?)
Sa gilid ng kalsada.
Napakaganda ng umaga mo.
Nakasakay ka na sa isang jeep.
Naalala mo lang bigla ang bilin ng mama mo:
Wag kang sasakay sa patok, hindi ka naman nila pananagutan
Sakali mang maaaksidente kayo.
Wala lang, naalala mo lang
Kasi luma ang sinakyan mong jeep
(para namang may pagpipilian ka pa?).
Napakaganda ng umaga mo.
Pagpasok mo sa jeep, muntik ka nang madapa.
Sumabit kasi ang paa mo sa paper bag
Ng isang estudyante ng Matyo (St. Matthew's).
Blue magic pa ang tatak.
Napakaganda ng umaga mo.
Wala kang barya, di tulad ng nakagawian.
Buo ang iyong pera, siguro nama'y may panukli na.
"Bayad po. Isang Katipunan, galing Sta. Ana..."
Ang sabi mo, pero malakas pa ang radyo sa boses mong parang pang-ipis.
Napakaganda ng umaga mo.
"Saan 'to?" sabi ng driver.
Ngunit umaalingawngaw ang "Dulce, dulce, dulce..."
"Tira, tira dulce!" Naharaya (isang bagong salita,
Hindi ko pa alam kung tama ang paggamit ko)
Mo na na sumasayaw ang UD4 sa ASAP.
"Isa pong Katipunan, galing Sta. Ana.."
Sagot ng ipis.
Napakaganda ng umaga mo.
Kulang ang sukli, sinubok mong imental math
Kahit na alam mong may pagkatanga ka rito.
Pilit mong sinigawan ang driver
Pero mas makulit ang UD4.
Susuko ka na sana, pero naalala mo sila.
Silang mga pasahero na handang makipagpatayan
Para sa pisong kulang sa isinukli.
Sa isip mo: "Barya kong otso, ipaglalaban ko!"
Napakaganda ng umaga mo.
Buti na lang may nagmagandang loob.
Siya ang sumigaw para sa iyo.
Galit siya. Hindi mo alam kung kanino o kung saan.
Sa driver ba na nagsasamantala,
Sa iyo na boses ipis,
O sa wristwatch niya na kanina pa niya sinusulyapan?
Napakaganda ng umaga mo.
Napakaganda ng umaga mo.
Hinila mo ang tali, at umilaw ang bombilya sa may driver.
Katumbas ng isang "Para."
At bumaba.
"Magandang umaga, Ace!!!"
Sabi ng Katipunan.
Simula ng mga bagay-bagay....
Ene 27, 2008 by rachel marra
-taken from Journal 2 of 2 journals of Ace Marra. Journal entry #8, December 22, 2008. 11:10 pm.
Si Yael sa Wheel of Fortune
Ene 25, 2008 by rachel marra
***
Konting paglilinaw lang:
Hindi ako panatiko ni Yael. Gusto ko ang Spongecola. Gusto ko ang mga kanta nila dahil magaganda ang mga ito, hindi dahil guwapo ang bokalista nila, o dahil Atenista sila, o dahil nakikiuso lang ako.
***
The hell!!???!!!
Grabeh naman, kung ako ang naglalaro doon, matagal ko nang nakuha yung jackpot [wag niyong sabihin sa kin na dapat sumali ako]. Unang round: Inisip muna namin sa bahay kung Filipino o English yung song lyrics...at yun na nga, nahulaan ko. Maswerte sana si Yael e, akala nga namin ni Kuya gumagawa siya ng strategy para dumami yung pera niya [yun bang kahit alam mo na yung sagot, huhula at huhula ka pa rin ng letter para dumami ang pera mo], yun pala, hindi niya alam! Biruin mo ba namang bumili ng vowel, at sa lahat-lahat pa ng vowel, A pa! [kung Filipino, A. Kung English, E. E medyo obvious na na English yung pinahuhulaang song lyrics dahil sa dami ng letters na nahulaan na ni Yael.].
***
Yael, may sasabihin ako sa yo: "I needed someone like you in my life."
"Yan ang sagot, bopols!" [kuya ko yan.]
***
Pero kahit na ganoon ang nangyari, siya pa rin naman ang nanalo sa huli. 70 000 pesos, isang sem ko na rin yun! Kung pwede lang maging iskolar under ni Yael. Joke. Biro lang...
At isa pa yun...sa huling round. Solo ni Yael.
Fictional Character daw dudes. Wheel of Fortune, the Filipino edition 'to. At na naman, sana may 400 000 pesos na ako ngayon, dahil nahulaan ko. Sinisigawan ko na si Yael sa tv kahit na alam kong taped na yung game show at hinding-hindi niya ako maririnig: "Ano ba? Yosi Kadiri! YOSI KADIRI!"
Tinanong siya ni Kris Aquino matapos hindi mahulaan ang sagot: "Do you smoke?" Sabi ni Yael, "Not really." Anong ibig sabihin nun?
At napansin kong binabaan ni Kris ang pitch niya sa pagsabi ng "Wheel/ of Fortune!!!"
***
Isa ngang banat ng Gemini diyan dude...thanks.
You!
Ene 24, 2008 by rachel marra
hehe, gawa niyan ni Shrimp*.
*names have been changed to protect the individual
wala lang, minamadali na niya kasi akong ipost to....
resulta yan ng pagrereview para sa math long test. nasa mateo ricci kami at 'nag-aaral.'
spot the different ha!
Kuwentuhang-Kape at iba pa...
Ene 23, 2008 by rachel marra
Malamig ang hangin at hindi ganoon kainit ang araw. Sana araw-araw laging ganito...
###
Ang sabi ng instructor namin sa Environmental Science 10, ang mga ipis ang isa sa mga pinakamatandang organismo sa mundo. Ang sabi din niya, kung sakaling magkakaroon ng nuclear fall-out, may posibilidad na sila na lang na mga ipis ang mabubuhay, at mag-e-evolve pa raw.
Napansin niyo ba na nagiging immune ang mga ipis sa brand ng insecticide na ginagamit mo habang tumatagal? Hindi naman sa hindi na sila tinatablan, nahihilo na lang sila tapos mag-a-amok pa, lilipad-lipad...ano pa ang silbi ng insecticide kung papaluin mo lang din pala yung ipis ng tsinelas para mapatay mo.
Naisip ko itong coevolution na nagaganap sa pagitan ng mga ipis at insecticide [hanggat tinatapangan nang tinatapangan ng mga scientist ang timpla ng mga kemikal sa insecticide, nag-e-evolve ang mga ipis/mga susunod na henerasyon ng mga ipis para maging immune sa lason ng insecticide] dahil sa pag-inom ko ng kape.
Dati kasi hindi na ako nakatutulog sa isang tasang kape. Noong first sem yun. Sa kalagitnaan ng first sem, lumipat na ako sa mug. Malakas pa rin ang daloy ng caffeine kaya talagang sabog ako hanggang umaga. Pero ngayong second sem, wala nang epekto ang isang mug ng kape sa akin. At kaya hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadalaw ng antok ay dahil isa't kalahating mug ng kape ang ininom ko. Para nga akong ipis...kung sila nagiging immune sa kemikal, ako naman nagiging immune sa caffeine.
Kaya din siguro nagiging nerbiyosa na ako...at madalas pagpawisan ang mga palad...at bumibilis ang tibok ng puso...lumalalim ang hininga...
Hindi naman siguro, nagkataon lang siguro na uminom ako ng maraming kape at mamaya ko na malalaman ang score ko sa Math Midterms ko...
Pero nasaan ang kuwentong-kape dyan?
###
Sabay kami ni kuya na uminom ng kape. Pangalawang mug ko na, siya una pa lang. Pero espesyal ang kape niya kasi kung talagang magpupuyat siya, nilalagyan niya ng konting alak yung mug niya. At kagabi nilagyan niya nga ng alak ang kape niya...
Nandoon lang kami sa hapag-kainan, umiinom ng kape at nagpapahinga. Ako, nagpapahinga dahil sa puspusan kong paggawa ng second draft ng argumentative research paper at kasabay nun ay ang pag-iisip ng matinong text para sa Filipino. Si kuya naman, nagpapahinga dahil sa kaniyang subject from hell kaya every week is hell week [subject from hell = accounting; buti na lang hindi ko na pag-aaralan yan] at katatapos lang ng exam nila kagabi.
Kung ano-ano lang ang napagkuwentuhanan namin. Mga Filipino teachers, ang Filipino Department, ang mga teachers mula sa ibang department, mga magsyotang nagme-make-out sa kung saan mang lugar sa campus, yung naeskandalong magsyota dahil nahuli ng isang sekyu na may ginagawang milagro sa isa sa mga SEC buildings, mga blogs, ang strategic locations ng mga smocket sa campus, ang kagandahan ng pagsira sa ilang smockets, mga naninigarilyong mga estudyante, mga naninigarilyong guro, friendster, yung kantang suicidal na Gloomy Sunday, isang tula tungkol sa mga bituin, ang pagbabasa ng tula, ang kaibahan ng idinudulot na inspirasiyon ng kalungkutan/pagiging mag-isa sa paghahanap ng kahulugan sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay, atbp...
Oo, medyo naging emo kami [lagi namang emo ang kuya ko e, impluwensiya ko noong fourth year high school, pero ipinagpapatuloy niya hanggang ngayon]...
Hanggang sa naubos na ang kape ko...balik uli sa papel at bolpen.
###
Nasa kwarto ako gumagawa ng draft para sa argumentative research paper ko, kasi hindi ko talaga magawa kapag may magulo sa paligid. Hindi ko nga masimulan, wala akong maisip na magandang intro. Nang mapagtripan ko ang mga langgam na nasa pader. Pinagmamasdan ko lang sila, naaalala ko tuloy yung text ng isa kong kaibigan tungkol sa mga ants:
Buti pa ang mga ants, nakakapagcommunicate. Sana tayo maging tulad nila, nakakapaglakad sa walls!
May naaalala din akong sinabi naman ng isang blockmate, na masarap daw guluhin ang mga ants kapag busy sila sa paglalakad sa walls na tila single file lang. Burahin daw gamit ng laway yung isang point ng linya para mabuwag yung martsa nila at magkagulo. Oo, ginawa ko. Sa una natutuwa pa ako kasi nagkakagulo na sila. Pero ilang minuto lang ang nakalipas, balik uli sila sa pila. Busy na naman sila.
Iniisip ko, parang may kulang. Nakukulangan ako sa pangyayaring iyon. Parang bitin. Walang thrill. Hinihintay ko sigurong magpatayan yung mga langgam. Human instinct. Masama bang maghanap ng human instinct sa mga langgam?
Hindi naman sila sumasagot. Busy na naman sila.
At ako, wala pang nailalaman sa notebook kong puno ng bura.
###
Noong gabi bago ng Math Midterms, hinahalungkat ko yung isa kong kabinet na puno ng mga papel: mga activities, homeworks, scratch papers, mga libro, at mga drawing. Naghahanap kasi ako ng mga homeworks at activities sa Math11 para mapag-aralan naman. Pero, pagkakataon nga naman, o sinasadya kong mas pagtuunan ng pansin yung notebook na yun kaysa sa paghahanap ng review materials.
Halos tatlong taon na iyong notebook na yun. Naninilaw na ang mga dahon. Iba na rin ang kulay ng mga tinta sa ibabaw ng papel. Pero marami pang mga dahon ang bakante. Blangko. Nawawalan ng silbi. Ano nga ba ang mga nakasulat doon?
Lyrics ng Can't Cry Hard Enough. Minsan naiiyak pa rin ako tuwing kakantahin ko iyan.
Mga text jokes and inspirational messages na hindi ko naman akalaing nawawalan din ng halaga kung hindi mo na maalala kung sino ang nagpadala sa yo.
Isa na naman sa aking mga basag na tula. Pero noong panahong yun, desidido pa rin akong tahakin ang Fine Arts sa UP Diliman. Hindi ko naman akalaing seseryosohin ko ang pagsusulat, ang pagtatangka, at pangangahas.
Isang bitin na 'nobela.' Noong binuklat ko itong notebook na ito, tsaka ko lang uli naalala na nagtangka na pala akong sumulat ng nobela noon.
Isang bitin na salita: Evanescence. Ginagaya ko yung lettering ng 'evanescence' mula sa album cover nila. Hindi pala ganoon kalapad yung papel, kaya hindi nagkasya.
Mga Math equations sa likuran.
May sariling buhay yata yung notebook.
Kaya balik uli ako sa paghahanap ng Math reviewers ko. Pero sa muli kong paghahanap sa kabinet kong parang may mini-forest sa loob ng bawat palapag, mayroon akong ibang hinihintay na makita. Isang bagay, na mas makatutulong sa akin kaysa sa Math reviewers.
"It was a sacrilege"
Ene 21, 2008 by rachel marra
I thought we were going to have a freecut in Lit because our teacher was already late, but not that late to consider a freecut. Darn...While we were waiting for her, I was anxiously trying to memorize things - one thing I really hated to do - and I was already becoming hysterical [actually, all of us were already hysterical].
ME: Bakit hindi pa siya dumadating? Pinatatagal niya ang paghihirap ko! [with matching both hands on chest, like having a heart attack]
SEATMATE: Chill ka lang...
Sample questions:
- write 3 lines from Shakespeare's Sonnet 130 [I only wrote "if hairs be wires, hers would be black wires"]
- write 3 lines from Soledad by Angela C. Manalang-Gloria [I only remembered the line/phrase "It was a sacrilege."]
- BONUS: What is special today? [Supposed to be EDSA2, but I answered EDSA1. Ignorant child, I am.]
I always hated reviewing something [memorizing would be more appropriate than reviewing] because it's the worst part of the examination. The examination doesn't start in the classroom when the teacher says "Get 2 sheets of one whole paper," it starts within yourself when the teacher announces the pointers to review and the date of the exam, and is ongoing while you're in the actual process of reviewing, until you pass the paper to the teacher when the time's up in the day of the "written or oral" examination. You actually test yourself. I've been through that for the nth time, and I still fail myself for that every nth time.
What awaits me? [I died for the nth time last Friday [Fry Day, as I call it] because of the Math Long Test wherein I really gave my best shot [or so I thought], and I'll die again tonight because of the Math Midterms.]
Random things that made me cry
Ene 17, 2008 by rachel marra
Kasabay ng pag-alala kung kailan ako huling umiyak, inalala ko na rin iyong mga bagay na nagpaiyak na rin sa akin. Masarap lang alalahanin, kahit minsan kinukurot pa rin ang puso ko.
[in no particular order...]
- drum set - isang drum set na 60 000 pesos. oo, umiyak ako sa kamahalan ng presyo. isa kasi sa mga frustration ko ang matutong tumugtog ng drums, at nang malaman ko mula sa aking kuya at mama na mayroon silang nakita na magandang drum set, at iyon na nga, 60000 pesos, mas mahal pa sa pang-isang taon na tuition ko noong high school [nangyari ito noong malapit nang mag-Pasko noong third year ako]. hindi naman nila nilinaw na meron ding 10000 pesos na drum set.
- Top Ten - oo, iniyakan ko din iyang pesteng Top Ten [kung sino man ang nag-imbento ng Top Ten, lagot kayo sa kin...] noong elementary at high school. Grade 2 ako noong unang beses akong hindi nakasama sa top five, iyon bang isinasama sa graduation ceremonies tuwing Marso. Noong Grade 6, nagalit sa akin ang mama ko kasi naging Top 6 ako [naglalaro lang ako noon sa top 3, 4, o 5] at lalo siyang nadismaya sa akin nang maging top 9 ako sa huling grading period. Noong first year high school, umiyak ako noong first grading period kasi umasa ako na kasama ako sa top ten, pero hindi ako nakasama [Best in Values Education naman ako]. Second year high school, 3rd grading period nang maging top ten ako...at nakakahiya kasi umiyak ako sa stage sa sobrang kagalakan. Third year high school, 3rd at 4th grading period, hindi na muli ako nakasama sa top ten. Iniyakan ko pa rin yun. At noong 4th year high school, wala na akong pakialam sa Top Ten. At hindi na rin ako nagtiwala rito kailanman.
- 2nd placer sa cheering competition- sumasayaw ako. Noon. Namimiss ko na nga e. Third year high school, Junior Knights. Naging 2nd placer kami at talagang inaasahan namin iyon. Napaiyak ako sa tuwa. :) Pero noong fourth year, Blazing Dragons, umiyak kami kasi 2nd placer lang kami. Lahat umiyak, mga babae, mga lalake - kahit na yung mga lifters namin. Kasi pinaghirapan naming lahat yun, tapos 2nd place lang? Pero tapos na iyon, dapat nang limutin kahit na may mga lamat nang nalikha.
- Pagtatanggol sa Rizal 07 [http://profiles.friendster.com/rizal07kami] - hinding-hindi ko makalilimutan iyong komprontasyon na iyon. Halos humagulgol na ako sa klase para maipagtanggol sila at para matapos na ang gulo at di-pagkakaunawaan [bilang presidente ng klase; may kinalaman sa cheering competition]. Pero wala ding silbi ang mga luha at uhog ko, kasi hindi naman naayos. Ang lamat sa isang baso ay mananatiling lamat, kaya minsan wala na ring kahulugan kung ayusin pa ito dahil lalo lang lumalaki hanggang sa tuluyan nang mabasag ang baso.
- Graduation - syempre naman. Apat na taon din iyon, at alam kong magiging malayo ako sa kanila. [iba pa rin syempre yung nagkikita sa klase at nag-uusap nang harap-harapan, hindi sa ym o sa friendster, at iyon bang pare-pareho iyong mga kwento. lahat nakaka-relate, hindi tulad ngayon na iba-iba na ang mga tinatahak naming landas.]
- Birthday ko - tulad nga ng sinabi ko kanina, umiyak ako noong nakaraang birthday ko, sa may chapel sa campus. Nakakalungkot lang kasi, hindi ako nag-iisa, pero nag-iisa pa rin ako. Noong birthday ko naman noong 2006, sinorpresa ako ng isang malapit na kaibigan. Binigyan niya ako ng cake. Noong 2004 naman, field trip din namin iyon. Binigyan niya ako ng birthday card at bracelet. Pero hindi ako doon naiyak. Sa sobrang pagod ko kasi noon, naiwan ko yung bagpack ko sa loob ng bus [dalawa ang bag ko noon, isang bagpack at isang shoulder bag. Nandoon yung iba kong mga damit, mp3 player ng daddy ko, notebook, ballpen, etc.,] at namalayan ko lang na wala ang bagpack ko noong nasa loob na ako ng tricycle. Pagdating sa bahay, ayon...napagalitan. Sobra ang iyak ko noon. Ginawa ko na lahat e, hinabol ko iyong bus, nagtanong-tanong na rin ako sa mga guro ko at ibang estudyante. HIndi ako pinatahimik ng sobrang katahimikan ng mga magulang ko noong gabing iyon...At kinabukasan, buti na lang may mabait akong kaklase na nakita ang bag ko at inuwi niya muna sa kanila.
- ACET - noong kumuha ako ng ACET, alam kong wala na akong pag-asa pero kahit papaano mayroon pa rin akong katiting na kagustuhan at pag-asa na makakalagpas ako. Aminado na ako, kahit sa mama ko. Noong tinanong niya ako kung gusto kong pumasa sa ACET, hindi ko napigilang maluha at sabihing "oo." Nadamay pa nga ang kuya ko [1st year college siya noong sa Ateneo] kasi hindi daw niya ako tinulungang mag-aral para sa ACET [pero ang totoo naman ay ayoko talagang mag-aral para sa mga college entrance examinations tulad ng UPCAT, USTET, at ACET, kahit na gusto kong pumasa]. Pero, noong nalaman ko naman na pumasa ako, hehe, naiyak naman ako habang nakangiti.
- Pagbabasa - Marami nang libro ang umantig sa puso ko, pero ang di ko malilimutan ay ang The Little Prince. Noong binasa ko kasi ito, masasabi kong mayroon akong depression o sobrang lalim na kalungkutan. Inilagay ko ang sarili ko sa lugar ng fox [when one allows himself to be tamed, he then takes the risk of crying a bit], at saktong-sakto. Pati mga tula, Tagalog/Filipino man o English, ay iniiyakan ko din lalo na kapag magaling ang nagbabasa [kung babasahin para sa akin]. Hindi rin nakaliligtas ang mga sanaysay, short stories, plays, etc.
- Mga Kanta - sabihin na nating emo, pero hindi. Normal lang yan sa tao.
- Kamatayan - o mas akma kung sasabihin kong pagiging mag-isa o ang maiwan. Ang simpatiya ko ay nasa mga taong iniwan/naiwan, dahil masahol pa ang mabuhay mag-isa sa gitna ng karagatan ng mga taong walang pakialam sa iyo kaysa ang mamatay.
- Love...or so I thought
- "I'm sorry" - kapag mayroon akong napakalaking kasalanan, mahirap ang mag-sorry. Pwede kong sabihin na mataas ang pride ko, pero kapag humingi ako ng patawad, totoo iyon.
- "I love you" o "mahal kita" - sa mga magulang at mga kapatid at mga kaibigan [siguro maging sa kung sinumang makakasama ko habangbuhay, kung meron mang nakatakda]. Napakahirap sa aking sabihin iyan, kasi totoo at mula talaga sa kaibuturan ng aking puso...at may libre pang luha at uhog.
- Faith/Paniniwala - napakalakas na pwersa ang paniniwala/faith sa Maykapal [hindi sa relihiyon].
- "UP Manila, UST, Ateneo, o Miriam?" - oo, ipinasa ko lahat ng iyan, pero alangan namang mag-aral ako sa apat na colleges nang sabay-sabay. Napakatinding desisyon...sobra at grabe. Palagay ko naman tama ang desisyon ko...
- Nocturne Video - iyong video ng pictures ng blazing dragons noong mismong araw ng cheering [noong naging 2nd placer kami] na Nocturne ng Spongecola ang background music.
- Maalaala Mo Kaya? - haha
- Mga Pelikula - A Walk to Remember: sobra ang pag-iyak ko diyan. At marami pang iba...
- Pagkakaibigan - sabi nga ng isa ko pang malapit na kaibigan noong high school, "Magkaproblema na ako sa pag-ibig, wag lang sa mga kaibigan ko."
Paikli yata nang paikli habang tumatagal ang mga paliwanag...o pangangatwiran.
mindfulness and a lot more
Ene 16, 2008 by rachel marra
maaga akong natapos di tulad noong nakaraang Huwebes, na inabot ako ng ala-singko ng hapon.
kaya lang ayoko pang umuwi kaya tumungo ako sa Filipiniana section ng library at nagbasa ng isang makapal na tesis. ngayon ko nga lang nalaman na kapag nay THE sa umpisa ang call number ng libro, tesis pala yun. sa ngayon, page 133 na ako...halos KALAHATI na iyon. haha, ganito ang power-tripping ko ngayon. magbasa ng isang makapal na tesis. pero interesado talaga ako doon sa tesis na iyon, hindi ko lang inakala na ganoon pala kakapal at kalalim iyon.
so, isa sa mga pangunahing gawain ko ngayon [bukod sa academic requirements ko] ay tapusing basahin ang tesis na iyon, at tapusin ding basahin ang Ouran High School Host Club manga [last year ko pa ng 1st sem sinimulan iyon, ngayon nasa chapter 25, page 26 pa lang ako].