kaninang hapon, nagbabad lang ako sa library. hindi ko gaano dama ang lamig dahil busy ang utak ko, hindi ko siguro nabigyang pansin ang kalamigan sa library dahil sa pagbabasa [mas mainam gamitin ang salitang 'iniiscan'] ng mga librong kinakailangan ko para sa papel ko sa English. mabuti naman, kasi hindi naman ako naghahapit, walang pakiramdam na pinagpapawisan ka habang hinihintay mo ang pagkakataon mo sa photocopying machine [na ang pinapho-photocopy ng mga nauna sa iyo ay halos singkapal na ng notebook mo].
maaga akong natapos di tulad noong nakaraang Huwebes, na inabot ako ng ala-singko ng hapon.
kaya lang ayoko pang umuwi kaya tumungo ako sa Filipiniana section ng library at nagbasa ng isang makapal na tesis. ngayon ko nga lang nalaman na kapag nay THE sa umpisa ang call number ng libro, tesis pala yun. sa ngayon, page 133 na ako...halos KALAHATI na iyon. haha, ganito ang power-tripping ko ngayon. magbasa ng isang makapal na tesis. pero interesado talaga ako doon sa tesis na iyon, hindi ko lang inakala na ganoon pala kakapal at kalalim iyon.
so, isa sa mga pangunahing gawain ko ngayon [bukod sa academic requirements ko] ay tapusing basahin ang tesis na iyon, at tapusin ding basahin ang Ouran High School Host Club manga [last year ko pa ng 1st sem sinimulan iyon, ngayon nasa chapter 25, page 26 pa lang ako].
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento