Si Yael sa Wheel of Fortune

Ene 25, 2008

Nagbabasa ako ng mga tula kagabi mula sa isang libro ng modern English poetry, nang mapanood ko ang patalastas ng Wheel of Fortune sa channel 2. Hehe, sina Teddy ng Rocksteddy, _________ ng Itchyworms [di ko alam ang pangalan e], at Yael ng Spongecola daw ang maglalaro. At halos inaway ko ang nakababatang kapatid ko para lang ilipat niya uli sa channel 2 ang istasyon dahil tapos na daw ang Naruto at naghahanap pa daw siya ng ibang cartoons na mapapanood...

***

Konting paglilinaw lang:

Hindi ako panatiko ni Yael. Gusto ko ang Spongecola. Gusto ko ang mga kanta nila dahil magaganda ang mga ito, hindi dahil guwapo ang bokalista nila, o dahil Atenista sila, o dahil nakikiuso lang ako.

***

The hell!!???!!!

Grabeh naman, kung ako ang naglalaro doon, matagal ko nang nakuha yung jackpot [wag niyong sabihin sa kin na dapat sumali ako]. Unang round: Inisip muna namin sa bahay kung Filipino o English yung song lyrics...at yun na nga, nahulaan ko. Maswerte sana si Yael e, akala nga namin ni Kuya gumagawa siya ng strategy para dumami yung pera niya [yun bang kahit alam mo na yung sagot, huhula at huhula ka pa rin ng letter para dumami ang pera mo], yun pala, hindi niya alam! Biruin mo ba namang bumili ng vowel, at sa lahat-lahat pa ng vowel, A pa! [kung Filipino, A. Kung English, E. E medyo obvious na na English yung pinahuhulaang song lyrics dahil sa dami ng letters na nahulaan na ni Yael.].

***

Yael, may sasabihin ako sa yo: "I needed someone like you in my life."

"Yan ang sagot, bopols!" [kuya ko yan.]

***

Pero kahit na ganoon ang nangyari, siya pa rin naman ang nanalo sa huli. 70 000 pesos, isang sem ko na rin yun! Kung pwede lang maging iskolar under ni Yael. Joke. Biro lang...

At isa pa yun...sa huling round. Solo ni Yael.

Fictional Character daw dudes. Wheel of Fortune, the Filipino edition 'to. At na naman, sana may 400 000 pesos na ako ngayon, dahil nahulaan ko. Sinisigawan ko na si Yael sa tv kahit na alam kong taped na yung game show at hinding-hindi niya ako maririnig: "Ano ba? Yosi Kadiri! YOSI KADIRI!"

Tinanong siya ni Kris Aquino matapos hindi mahulaan ang sagot: "Do you smoke?" Sabi ni Yael, "Not really." Anong ibig sabihin nun?


At napansin kong binabaan ni Kris ang pitch niya sa pagsabi ng "Wheel/ of Fortune!!!"

***

Isa ngang banat ng Gemini diyan dude...thanks.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger