Hindi sapat ang isang basa.
bakasyon
by rachel marra
Katatapos lang naming manood ng Code Geass season 2. Hindi pa rin ako maka-get over, kaya kahit na sobrang dami kong gustong sabihin tungkol dito e hindi ko masabi. Galing, sobra. Ang tindi. Kapag lahat ng astig pinagsama-sama mo (Death Note, Gundam Seed, V for Vendetta, Claymore, The Happening, etc.), eto na yun.
Bishounen. :)
Back to reality...
Dahil masisipag kayong mga bata - di tulad ko, alam kong may maipapasa kayo rito. May call for contributions ang Heights para sa special issue. GUILTY PLEASURES ang tema para sa lahat ng pieces, mapa-artwork man o literary. I-send sa heights.english@gmail.com kung Ingles, sa heights.filipino@gmail.com kung Filipino. Para sa mga artworks, i-send sa art.heights@gmail.com o dalhin sa Publications Room, MVP 202. (Wag kalimutang isama ang iyong pangalan, taon at kurso.)
+++
Wanted: Musa. =p
+++
Sabi ng SMART...
25 Million made the right choice.
25 Million cannot be wrong.
Make that 24999999. GLOBE na ako!
drooping
Dis 23, 2008 by rachel marra
+
May bulubundukin ba sa Denmark? Nanaginip ako. Nagbakasyon daw kami sa Denmark. Naka-sasakyan lang daw kami. Maraming puno, may ilog sa bundok. Nasa tuktok ng bundok ang bahay na tutuluyan namin. Mahangin, malamig.
Hindi ko pinapangarap na makapunta sa Denmark. Pero tatandaan kong maigi ang panaginip kong ito. Balang-araw, malay ko ba.
++
Sabik ako sa kasama. Ayokong mag-isa.
'Eto ang hirap pag di na nasisikatan ng araw.
+++
Naiiyak na ako kanina. Gusto kong humiga sa gitna ng Bel Field at magpalunod sa putik at ambon. Pero nakakahiya kasi maraming tao.
Mag-isa lang ako kahit na nariyan sila sa paligid ko. Ibang klaseng pag-iisa.
++++
Ngayon lang uli ako nagkaganito. Kalungkutang walang dahilan. Kalungkutang humihingi ng paliwanag.
Pasensya na, wala akong maibibigay na paliwanag.

bauninam!*
Dis 22, 2008 by rachel marra
Ikaw. Oo, ikaw.
Bumisita ka. Hindi ko muli inaasahan. Kailan ka nga ba huling bumisita? Oktubre noong isang taon. Kailan nga ba tayo huling nagkita? Noong birthday ng pinsan mo noong Hunyo. Magpipitong buwan na pala. Pagkatapos nun, wala na. Ni "ha" ni "ho," ni blankong text message wala.
Nakaupo tayo sa sopa habang isinasalaysay mo sa akin ang nangyari. Sabi mo, hindi ka na masaya. Na hindi mo siya mahiwalayan kasi bukod sa may nangyari na sa inyo, hindi mo kaya.
(Ikaw ang lalake, pero ikaw ang nag-aalala.)
Nasa magkabilang dulo tayo ng sopa, magkatabi ngunit may napakalaking puwang. Alam kong makatutulong sana ang isang yakap pero pasensiya na, hindi ko kaya. Gusto ko sanang kunin ang iyong kamay para itapat sa aking puso. Walang takot kong sasabihin ko sa iyo na narito ako.
Ngunit hindi ko ugali ang magsinungaling. Wala ako roon. Wala ka rin doon. Walang sopa. Puro puwang lamang.
Bibisita ka na nga lang, mambubulabog ka pa ng tulog.

new look
by rachel marra
yep yep
at kasalukuyan pa akong nagti-tinker ng kung anik-anik sa blog na ito.
Ngayon ko lang na-discover at na-explore ang xhtml. Astig haha, hanggang html lang ako dati e. Kaya bago ang layout at kakaiba ang blog lists.
Nahihirapan pa rin akong mag-link ng blogs mula sa Multiply. Panakit ulo haha. Kung alam nyo, pa-share naman ng kaalaman.

bakasyon na!
Dis 21, 2008 by rachel marra
at nga pala....
Calling all artists! Heights and APART will be conducting an art exhibit, with the theme "Obsessions" on Feb. 16, 2009. Artworks of any medium (oil, digital, watercolor, mixed media), as well as sculptures and the likes may be submitted. Only 30 artworks will be featured so hurry and submit your works to the Heights room (MVP 202) on or before Jan. 17!

dahil nananalig tayo sa mga bagay na inaasahan nating magpapaalala sa atin kung ano tayo
Dis 14, 2008 by rachel marra
Raindrops on roses and girls in white dresses
by rachel marra
+
Oo, baka nabalitaan n'yo na. Lumabas na ang 2nd regular issue ng Heights. Maganda, pwamis. Tuwang-tuwa talaga ako sa cover (hindi dahil may pagka-Twilight siya). Ngayon ko lang din napansin na akma yung kulay ng cover sa tula ni Ali na Ebony and Ivory.
Sa Lunes, bukas, abangan n'yo na sa mga stands.
++
Salamat sa mga sumama sa Pizza Hut: sina Micha, Anna, Iggy, EJ, JC, Mike, Walt, at Brandz. Masarap talaga ang pizza pag libre. Pero mas masarap ang pizza kapag ikaw ang nanlibre haha. (Pasensya na tig-iisang baso lang ng Pepsi ang nakaya ko, tapos hindi pa ako marunong mag-host ng mga ganiyang eat-out.)
+++
Sa totoo lang, wala naman akong ibang gagawin dito kundi magpasalamat. Hayaan n'yo akong maging emosyonal. Salamat sa pagpunta ninyo. Salamat kay Walt para dun sa Turkish woven bookmark at sa Farker Fen, at sa pagiging kaibigan (ang drama talaga haha). Salamat kay EJ kasi kung hindi siya Globe, hindi malalaman ng iba (Smart kasi ako e). Salamat sa coding, dahil kung hindi coding si Iggy baka hindi siya pumunta. Salamat kay JC - in advance - para sa librong Para Kay B ni Ricky Lee. Salamat kay Mike, kasi nakahabol siya. Salamat kay Anna, dahil hindi niya ako pinatay haha. Salamat nga rin pala kina Anna at Micha, para sa surprise cake (aw, thanks so much!). Salamat kay Brandz, kasi nakapunta siya at hindi natuloy yung Theo thingy niya. Salamat nga rin pala kay Iggy, sa pagkain kahit na nahihirapan ka.
++++
Kasalukuyan ko palang na ina-upload ang mga pics. ;)
+++++
Ayun, hindi pa ako pagod magpasalamat! Pero sobrang dami nila kaya special mention na lang:
kina Mommy, Daddy, Kuya, Allison, at Lolo Fred. Sa Cake, sa Barbecue, sa Pininyahan, sa budget pang-Pizza Hut, sa suporta, sa pagtitiwala, sa napakaganda kong apelido, sa napakaganda kong middle name, sa heritage, sa 17 years kong buhay at sa mga darating pa.
sa mga bumati sa akin sa Friendster: Russel, Rachel B., at Joyce.
sa mga nag-text: Ybonne, Gel, Mike, Anna, Jong, Mich, Walt, Tita Gizelle at Tito Anthony, Lolo Pilo at Lola Estela, Tita Norma, Carlo, Nessie, Fressie, at Noh.
sa mga nag-iwan ng pabati sa guestbook ko rito: Mike, Miggy, Pin, at EJ.
sa mga bumati thru YM: Fourth and Marcy.
sa mga tumawag: Tito Joland at Kira (thanks talaga Kira, di ko yun inaasahan!)
sa mga pumunta kahapon: maraming maraming maraming salamat kina Noh at Nessie. Natanggap na nga nila yung unang kalahati ng Christmas gift ko.
++++++
Alam mo ba, ang panaginip ko nung madaling-araw ng birthday ko: naka-mini skirt daw ako. (WTH)
+++++++
Hindi ako depressed, di tulad nung birthday ko last year. Nung isang taon kasi, dalawa lang ang klase ko buong maghapon. Freecut pa yung isa. Aksidente kong nabambo sa ulo yung partner ko sa Wushu. Mabibilang lang sa daliri yung mga bumati at nakaalala. Sigh.
++++++++
"18 na ako," sabay tingin sa mga kalangitang binudburan ng mga bituing pinaghihinanakitan. Isang bugtong-hininga na walang makalulutas.

Maniniwala ka ba
Dis 2, 2008 by rachel marra
Alam mo ba, sinapak ko yung partner ko kanina sa fencing. Ipag-parry 4 ba naman kasi ako nang magkasunod. Imposible naman yun, di ba? Kasi kapag parry 4, pinoprotektahan mo yung outer upper mo. Kapag parry 6, yung inner upper naman. Alangan namang atakihin nang magkasunod yung outer upper mo hindi ba? Kaya hindi dapat ginagawa nang magkasunod ang parry 4 o maging ang parry 6. Kaya nga rin may repose di ba? Pero ang totoo, hindi mo alam. Hindi mo alam na hindi ito totoo. Ngayon alam mo na. Pero alam mo na ba talaga?
Ginagawa kong once-a-week habit na lamang ang blogging. Para sa linggong ito, espesyal ang sinulat ko. Napakalalim ng insight ko dun. Sobrang pinagpuyatan ko yun nung Linggo ng gabi. Nag-isip ako ng mga magagandang topic at ng mga bagong pangyayari sa buhay ko (mahirap yun ah!). Dumaan din yun sa tatlong editing, wala pa yung mga final polishing at revising. Tuwang-tuwa nga ako sa naisulat ko. Napakadalang kasi na malaman yung mga blog entry ko. Sayang nga e. Kasi hindi ito yun.
Lahat ng gusto kong i-blog, naikuwento ko na kanina sa guidance interview ko. Oo, LAHAT. Sa sobrang daldal ko, hindi ata na-convince yung councilor na may problema ako sa communication skills at sa pag-establish ng stable connection sa mga taong nasa paligid ko.
+++
TENSE SHIFTING EXERCISE
"Four."
Hiniwa ko ang hangin sa kanang direksiyon gamit ang aking foil.
"Four."
Ha? Paano yun? Takang-taka ako. Bumalik ako sa en garde position at ginawa uli ang parry four.
Binagsak niya ang glove.
Inextend ko ang aking kanang braso: isang repose. Kahit anong pilit ang ginawa ko, hindi ko talaga nagawang i-pin ang glove gamit ang aking foil.
Ngumiti siya ng isang ngiting nanlilibak.
Nandilim ang aking paningin. Ibinagsak ko ang aking foil sa sahig - na lumikha ng matinis na alingawngaw sa buong covered courts. Nangatigil ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang mga ginagawa at nilalaro. Tinitigan ko ang aking partner.
Pinapanood na kami ng lahat ng tao sa loob ng covered courts, maging ang mga guwardiya at mga janitor. Pinameywangan ako ng partner ko habang sinasabing "Kahit anong pilit mong mag-ensayo ng tense shifting, hindi mo yun makukuha! Bwahahahaha!"
Sinasapak ko na siya. Kasi ayokong ibuko niya sa buong mundo (covered courts) na sa simula pa lang, nagkamali na ako. Hindi pala dapat unang punto de bista ang ginamit ko.
Nagmamakaawa na siya ngayon. Maniniwala ba ako?

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)