bauninam!*

Dis 22, 2008

Ikaw. Oo, ikaw.

Bumisita ka. Hindi ko muli inaasahan. Kailan ka nga ba huling bumisita? Oktubre noong isang taon. Kailan nga ba tayo huling nagkita? Noong birthday ng pinsan mo noong Hunyo. Magpipitong buwan na pala. Pagkatapos nun, wala na. Ni "ha" ni "ho," ni blankong text message wala.

Nakaupo tayo sa sopa habang isinasalaysay mo sa akin ang nangyari. Sabi mo, hindi ka na masaya. Na hindi mo siya mahiwalayan kasi bukod sa may nangyari na sa inyo, hindi mo kaya.

(Ikaw ang lalake, pero ikaw ang nag-aalala.)

Nasa magkabilang dulo tayo ng sopa, magkatabi ngunit may napakalaking puwang. Alam kong makatutulong sana ang isang yakap pero pasensiya na, hindi ko kaya. Gusto ko sanang kunin ang iyong kamay para itapat sa aking puso. Walang takot kong sasabihin ko sa iyo na narito ako.

Ngunit hindi ko ugali ang magsinungaling. Wala ako roon. Wala ka rin doon. Walang sopa. Puro puwang lamang.

Bibisita ka na nga lang, mambubulabog ka pa ng tulog.

Ikaw. Oo, ikaw.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger