i just wanna get this out.
Nob 25, 2008 by rachel marra
head hurts SO MUCH. have to use "reading glasses" to endure this bright monitor: have to finish a paper in Psych101, a homework in the same subject, a pamphlet for our FA102 fund raising activity...what else?
numbers and numbers and numbers of number problems.
needs sleep. lots of it.
and i.
crave for an ethan stiefel.
disorder
Nob 23, 2008 by rachel marra
Wah.
Nobyembre 23, 2008. 12:15 nu
by rachel marra
Marami tayong mga bagay na nalilimutan. Nalilimutan, hindi kinakalimutan. Hindi naman natin gusto yun hindi ba - yung makalimot nang di sinasadya? Pero di yun maiiwasan, kasi tao lang tayo – hindi sapat ang ating kapasidad (mapa-mental man o emosyonal).
Kaya nga tayo nagsusulat, para may babalikan tayo isang araw. Kasi masaya yung may binabalikan, may inuuwian. Alam mong may pinanggalingan ka. Alam mong may pagbabago. Nagkakaroon ka ng seguridad na oo, tao ka na nabubuhay. Hindi ka likha ng imahinasyon ng kung sino man. Oo, may mga taong dumaan sa buhay mo na piniling hindi manatili. At maaalala mong may nananatili. At matatakot ka sa pag-iisa.
Marami pa akong gustong ipaalam sa iyo, pero ikaw lang naman ang kahahantungan nito. Wag na lang.
Atsaka ako ang bida dito, puwede ba?
+++
Pangalawang linggo pa lang, pakiramdam ko harassed na ako. Mula sa mga pila para sa pagpapakopya ng mga readings kina Ate Alma and her fellow photocopy people (lalo na sa library), sa paghahanap ng mga libro para ngayong semestre, sa mga requirements, sa mga nagbabadyang group works, sa Math12, sa Eco102 at sa pagko-commute. Harassed pero masaya naman. Buti nga yun e, simula pa lang hyped na ako.
Regular schedule na ako ngayon kasi tapos na ang trabaho ko sa LS Bookstore. Labindalawang oras ang bilang ko sa service hours ko, at may bayad pa akong hihintayin. Noong nakaraang semestre apat na shifts lang ang nakuha ko, pero ngayon marami-rami na. Yay! Veteran na ako ni Sir Mallari! Marami akong mga nakilala, karamihan sa kanila mga scholar din. Nandiyan si
Kilala ko na nga rin pala yung seatmate ko sa Math12. Laking pasasalamat ko na nagkaroon siya ng kusa na kausapin ako, kung hindi habambuhay ko siyang di makakausap at makikilala. Siya si Migs (ang dami ko nang kakilala na Miguel ang pangalan), first year at Humanities ang course.
Simula nga pala ngayon, kapag may bago akong kakilala itatala ko sila rito. Madali kasi akong makalimot.
Hindi siguro nakaya ni Migs na sobrang tahimik ng katabi niya haha. May pagka-madaldal kasi siya pero hindi yung tipong nakakagambala sa pakikinig ko sa prof. Nakakatulong pa nga siya e. Madalas tatanungin niya ako kung paano nakuha yung ganiyang number, kung tama ba yung dinerive niyang formula, at kung bakit ang tamad ko. Kapag naman hindi pa klase, tinatanong niya ako kung ano ang ginagawa sa kursong Creative Writing at kung ano-anong trabaho ang makukuha sa IS, sa ID, at sa Humanities. Nagreklamo rin siya sa akin minsan, na yung mga blockmates niya lagi na lang puro buhay/life at mga libro ang pinag-uusapan. Nagsasawa na raw siya. Medyo nawindang ako nung sinabi niya sa kin yun. Sa kursong Humanities at nasa ilalim ng
+++
Liham para sa aking guro sa Math12
Miss, baka pwedeng i-skip na natin itong chapter tungkol sa interest, credit, loans, at balances? Tsaka kung gustong bumili ni Justin ng isang home theater system, bakit ako pa ang hihingan niya ng advice kung alin ang mas magandang deal pagdating sa installment buying? May sarili naman siguro siyang calculator, ano. At seryosong advice: kung hindi niya kayang i-full payment in cash, e di wag siyang bumili! Tapos. Ayaw niya pala ng mga additional finance charges e. Kung naiwala naman ni Kristine ang credit card niya, kasalanan na niya yun. Hindi ko toka na alamin kung magkano ang utang niya base sa mga resibo niya. Pumunta na lang kaya siya sa bangko. E ano ngayon kung lolokohin siya run? Kasama na yun sa unwritten contract na sinang-ayunan niya sa mismong araw na nagpasiya siyang magkaroon ng credit card. Willing siyang magpaloko, in short. At Miss, hindi ko pa naman magagamit itong karunungan na ito. Wala pa kasi akong sariling suweldo.
Miss, ano po ang pointers para sa unang long test?
+++
Dumaan nga pala ang mga kaarawan ng bunso naming si Allison at ng mga kaibigan kong sina Jamie at Gel. Happy Birthday uli!!!
+++
Noong Biyernes nga pala naganap ang Poetry in Motion. Hanep talaga, napakasayang karanasan kasi unang beses kong maging kasapi sa isang malaking kaganapan sa Heights at hindi lang ako basta tagapanood. Napuno ng mga dakila ang MVP Colayco Pavilion. May mga taga-UGAT mula sa UP, mga Thomasians, mga La Sallians ng Malate Literary Folio, mga Marians, at syempre mga Atenista.
Hindi ko napanood si Vim Nadera pero masuwerte pa rin ako kasi naabutan ko si Sir Yol matapos naming sunduin sina Kevin dela Cruz, Ate Chai, and company ng UGAT sa Bo’s. Dear Xerex uli ang tinanghal ni Sir Yol pero iba pa rin ang tama. Naroon din sina Kookie Tuazon at Raul Roco Jr. Si Gelo Suarez ang astig grabe. Marami pang nagtanghal (kasama na rin ang mga host na sina Victor at Ali), pero hindi ko sila napanood lahat. Naging serbidora rin kasi ako e.
At eto pa, yung microphone ko ginamit ng mga dakila! Ipapa-frame ko na nga e, hehe nabasbasan na kasi ng mga iba’t ibang mga makata/performers.
Nakakain na nga rin pala ako ng sushi. Kakaiba. Sorry, pero hindi ko gaanong nagustuhan. Hindi ako sanay sa ganung klaseng blending ng mga lasa.
+++
Naghahanap ako ng regularidad – ng stability. Mahirap yung laging umaasa sa pagbabakasakali.
Naghalungkat ako ng mga issues ng Guidon sa cabinet ko kasi kailangan kong maghanap ng isang article na nagpapakita ng isang human behavior para sa Psy101. Syempre, habang naghahalungkat, nagbasa rin ako. Nabasa ko ito sa On the Record:
“Kung kaya mong magsipilyo isang beses [sa] isang araw, ba’t yung umupo para magsulat ng 10 minutes ‘di mo magawa?”
-Mikael de Lara Co, Palanca Awardee, stressing the nees for discipline in writing.
Aray.
Oo nga naman, Rachel. Ba’t di mo magawa?
matapos ang isang linggo
Nob 16, 2008 by rachel marra
+++
I. Each blogger starts with 10 random facts/habits about themselves
II. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their 10 things and post these rules.
III. At the end of your blog, you need to choose 10 people to get tagged and list their names.
IV. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged.
+++
1. I AM A MASTERMIND.
Ayon sa MBTI (Myer Briggs something something) na nakuha ko kahapon, sa apat na temperaments (artisans, idealists, guardians, rationals), isa raw akong RATIONAL. At sa ilalim nito, isa akong Mastermind. Medyo hindi magandang pakinggan kasi parang namumuno ako ng mga holdapan sa mga bangko. O ng mga kabulastugan sa eskuwelahan.
Eto raw ang mga strengths ko:
- strategic thinker
- not easily bothered by criticisms or indifference (depende. ewan.)
- prefer to do things their own way (pero minsan dependent din ako sa mga procedures)
- focus (weh?)
- driven (talaga? di halata)
Weaknesses:
- difficulty working with others (see # 2)
- unrealistic high standards. (OMG. so ibig sabihin high standard na yung 'at least a B' sa 'expected grade' ko sa Eco102.)
- may find others' feelings as illogical and, thus, invalid. (hindi ko pansin, pero palagay ko hindi naman)
- may be too engrossed with the future that they miss out on the important details of the present. (see # 4)
2. I AM TAKING UP MATH 12.
At kumusta naman yun. Nag-iisa lang ako. At sa harap ako nakaupo. Langhap na langhap ko yung amoy ng whiteboard marker. Tinawag akong 'ate' nung seatmate ko. Mga freshies silang lahat at pakiramdam ko matatalino sila sa Math (wow, it kinda rhymes. parang rap lang a). Palagay ko hindi sila galing sa SOH. At biruin mo yun, may groupworks.
3. IYAKIN AKO
Lahat iniiyakan ko. Nobela, play, pelikula, anime, cartoons, tula, kanta, music video, atbp. Kahapon nga, umiyak ako sa play na Mga Gerilya sa Powell Street. Ang ganda kasi e. Tsaka nakakaiyak naman talaga.
4. NAKALIMUTAN KONG MAGBAYAD SA FX NUNG BIYERNES.
Naalala ko lang nung nakababa na ako. Syet, first time yun. Nakakainis kasi yung traffic sa Ampid. Yun bang heavy traffic na ang dahilan e dahil marami lang talagang sasakyan. Nakatulog ako sa may Mercury Drug. Paggising ko nasa palengke pa lang kami ng Ampid. Siguro nakalimutan kong magbayad kasi masyado akong nabanas sa traffic.
5. MAHAL KO SI V.
Adik ako sa V for Vendetta.
6.NGAYON LANG ULI AKO MAGSUSULAT NG BLOG ENTRY MATAPOS ANG ISANG LINGGO.
Eksakto, oo. Galing di ba? Breaking the habit e. Blogging is my opium. =p
7. MAY BLOGGER AKO.
Yap. Nagkro-cross-post din ako dun.
8. HINDI TALAGA AKO NAGBABASA NG MGA TULA.
Dati, nilalaktawan ko yung mga tula sa mga textbook ko sa Filipino.
9. NAHIHIRAPAN AKONG MATULOG NANG MAAGA.
Kaya nahihirapan akong gumising nang maaga.
10. KARAMIHAN NG MGA GAMIT KO, EARTHY ANG COLORS.
Tulad ng green, brown, at yellow.
+++
Saka na yung mga tag-tag. Basta may mai-publish lang akong entry ngayon. Bagong linggo na uli bukas e.
hello
Nob 8, 2008 by rachel marra
dahil malapit nang magpasukan.
Simula sa Lunes bawal na ang Multiply, Friendster, at Blogger dito sa bahay. Oo, pipilitin nila na maging seryoso ako. Magpapapilit naman ako. Dapat lang, kailangan e. =p
2
dahil hindi ka nagpakita.
Kung ganon, ayaw na rin kitang makita. Kahit kailan.
3
dahil birthday ng lolo ko ngayon.
Ang daming pagkain. Tsaka buti naman pumunta si Tito Ped at nabigyan ko siya ng kopya ng Heights. Ang cute daw ng tula ko haha, ang ikli kasi. Kung hindi pa tinawanan ni Tito yung tula ko, hindi pa yun mababasa ni Daddy. Naglalaro pa rin daw siya ng table tennis sa Ateneo. Nakakalaro pa rin niya si Sean Co - na nakilala ko nung Orsem08. Pati nga rin daw si Rosar Crisostomo, Theology prof, nakakalaro rin niya. Biruin mo yun?
4
dahil magkikita-kita uli tayo sa Lunes.
Naka, Inglesan uli. Tsaka asaran. Tulad ng dati, ako na naman ang kawawa.
My NaNoWriMo = Fail
Nob 7, 2008 by rachel marra
rare finds
by rachel marra
Nung Miyerkules, sumakay ako ng FX pa-Katipunan mula sa amin. Pagdating sa Ampid may sumakay na lalake. Kamukha siya ni Russel, yung valedictorian namin nung high school. Pero hindi e, sabi ko sa sarili ko. Matangkad 'to e. Pandak si Russel. Talagang tinitigan ko siya, pero ang awkward dun tinitigan din niya ako. E di lalo akong nagduda na, "Teka baka si Russel nga ito. Baka tumangkad na lang bigla, kasi nung huling pagkikita namin (sa UP, noong Agosto pa ata yun) mas matangkad pa rin ako sa kanya." Ang dalas kasing mangyari na nakakalimot ako ng mga mukha.
Ang weird talaga kasi parang pareho kami ng feeling na parang magkakilala na kami. Baka schoolmate ko siya o ano sa Roosevelt. Baka lagi na kaming nagkakasabay sa FX o jeep. Ay ewan. Yun siguro ang isa sa mga pinaka-awkward na 20 minutes ng buhay ko.
2
May writing exercise kami sa Bagwisan. Kailangan ang unang linya ng tula ay "ang ibig kong sabihin" o di kaya'y "dumating ang aking pinangangambahan." Eto yung sa akin - na sa tuwing babalikan ko e may pinapalitan ako (hindi ko pa sigurado kung ito na talaga ang final):
Noong Pumiglas Ako Mula Sa Iyong Mga Bisig
Ang ibig kong sabihin,
ipakilala mo sa akin ang pangungulila.
Hindi na nakasasabay ang aking mga paa
sa saliw ng musikang ating nililikha:
nakapapagod din ang maging masaya.
Ang ibig ko ng sabihin,
nangangamba akong maubusan ng maaaring itula.
Hindi saklaw ng mahigpit mong yakap
ang mga imahen at talinhaga tungkol sa kawalan:
wala pang luhang natitikman ang aking mga papel.
Ang ibig kong sabihin,
sarili ko lamang ang aking iniisip.
Hindi ko inalam kung ano ang iyong nais.
Subalit wala ka ring pinagkaiba sa akin:
narito ako ngayon at nakakulong sa iyong mga bisig.
Sigurado na. FA 106 - fiction - ang writing seminar ko. Hay salamat.
4
Ang haba ng pila kanina sa cashier, buti na lang naroon si Eunice sa likod ng babaeng nasa likod ko. May nakakuwentuhan ako. Ang tagal na kasi naming hindi nakakapag-usap nang maayos kasi last sem tuwing magkikita kami lagi kaming haggard, nagmamadali, o bad trip kaya hanggang batian na lang o saglit na pagra-rant.
Marami-rami rin kaming napag-usapan at na-share sa isa't isa. Hehe ayos lang kahit na may audience, kapag naman medyo private na yung topic namin, nagbubulungan na lang kami (sana hindi narinig nung babae sa likod ko/sa harap ni Eunice!).
5
Noong Miyerkules ay Guy Fawkes Day. First time kong pumasok sa Mag:net cafe. Hindi ko akalaing makakapasok ako dun hehe. First time kong makakain ng Mag:net fries. XD
6
Kanina hindi kami nakadalo sa libing ni Lola Fe. Paano naman kasi napakahaba ng pila sa cashier. Hindi na kami humabol kasi may pamanhiin na masama ang humabol sa libing kasi para mong hinahabol ang patay/kamatayan. Nakakakilabot.
7
First time ko kanina sa SM Marikina. At lumabas ang pagiging material girl ko kasi pumasok kami sa Surplus Shop at tumingin ng mga jacket. At may nakita akong style ng jacket na matagal ko nang pangarap: yung parang pang-Nazi army, hindi maluwag, de butones na metal, parang mandarin yung kuwelyo, magaan lang ang tela pero panglamig talaga (kumbaga style and comfort combined), puwedeng beige o brown o dark beige o light brown.
Kaya lang una: mahal. Pangalawa: hindi kasiya sa kin. Buti na lang mahal kundi manghihinayang talaga ako.
name game - from magicalfallenstar =D
Nob 6, 2008 by rachel marra
Kanina, nagkita kami ni Blaise (SA 21 classmate) sa Faura. Tapos nagkuwentuhan kami. Nung aalis na ako, tinanong niya ako kung ano ang pangalan ko.
***
- Michael - Oo. Si Mike Orlino Established Writer. Tsaka si Michael Furio mula elementary. Yung iba nakalimutan ko na.
- Matthew - wala.
- Jacob - hmmmm....Jacob Black? Hindi, hindi. Meron akong naging kaklase noon na Jacob pero di ko na matandaan.
- Christopher - si Chris Reyes. block e.
- Nicholas - si Santa Claus lang e.
- Joshua - kaklase ko nung Kinder.
- Tyler - sosyal naman niyan. wala.
- Daniel - yung syota ni Hello Kitty? ewan ko, pero wala akong matandaan.
- Jonathan - Valencerina, pinsan ko. Tapos yung kaklase ko pa nung prep.
- Andrew - wala e.
- Brandon - Si Brandz Dollente Established Writer p're.
- Zachary - Nabasa ko yung article niya sa Guidon, yung tungkol sa sleep deprivation for 72 hours.
- Joseph - Si JC Established Writer and Reader. Tsaka yung pinsan ko na Valenserina. - Austin - wala.
- Anthony - Tito ko. Tapos yung kaklase ng kuya ko nung high school.
- John - Susmeo. Iisa-isahin ko pa ba 'to?
- James - Valencerina - pinsan ko na adik sa Jonas Brothers.
- David - sorry, sina Archuleta at Cook lang ang kilala ko.
- Ryan - Si Russel Ryan Naval.
- Justin - wala
- William - wala
- Alexander - the great. wala.
- Robert - Si Tapel.
- Christian - Si Laroco. Tsaka yung English blockmate ko.
- Steven - wala
- Brian - isang Kevin Brian, isang Kevin Bryan. May Mel Brian din.
- Eric - John Eric, elementary 'to.
- Kevin - yung sa Brian.
- Thomas - yung bestfriend ko na si Thomas More. joke.
- Dylan - ang alam ko may bata dito sa kalye namin na Dylan e.
- Aaron - May Aaron at Ahron - parehong from elementary.
- Cody - nge.
- Benjamin - wala.
- Jose - meron yan.
- Jordan - pinsan ko na nasa Pangasinan.
- Samuel - wala.
- Sean - Uy, si Sean Co ng Table Tennis team.
- Caleb - fictional character ba 'to? haha.
- Nathan - yung leader namin sa SOHlove - NSTP.
- Jim - ala.
- Adam - Sandler? LEVINE? wish ko lang!
- Richard - si sir Chinilla o si sir Capague?
- Jason - Si Patrick Jason Jorge!
- Devin - wala
- Mark - English blockmate.
- Conner - susyal naman.
- Noah - sark
- Hunter - yep. from elem. yung hinagisan ko ng deskchair.
- Cameron - Diaz
- Jesse - McCartney.
- Jared -
- Charles - English blockmate
- Timothy -
- Patrick - Si Jorge, si Tzupat.
- Corey - wara.
- Logan - Hulk Hogan haha.
- Ian - English blockmate
- Gabriel - from elementary.
- Dakota - Fanning?
- Marc - Acosta. At marami pang iba.
- Trevor - tremble.
- Juan - wala yata akong kilala na Juan bukod kay Juan Tamad.
- Jeremy - wala.
- Alex - wala.
- Lukas - malakas? wala.
- Peter - Petrelli? hehe
- Carlos - sayang may S.
- Chase - ge, habol.
- Miguel - Si Miggy at si Iggy.
- Jeffrey - wala.
- Travis -
- Nathaniel -
- Antonio -
- Isaiah -
- Garrett -
- Alejandro -
- Jesus -
- Taylor -
- Angel - konting dagdag lang. Si Gellie, si Gel, Si Angelica.
- Dalton -
- Kenneth - yung bestfriend ko nung grades 2 at 3.
- Adrian - Adriel meron.
- Bradley -
- Edward - hehe si Cullen lang e.
- Elijah - wood.
- Blake -
- Jake - Dolosa.
- Raymond - marasigan. oo meron, nung elem.
- Seth - hehe, yung bestfriend ni Edward Cullen.
- Alec - wala.
- Colton -
- Dustin - hoffman.
- Ethan - hawk.
- Jorge - Uy, si Patrick Jason Jorge.
- Ricardo - si sir Chinilla o si Sir Capague?
- Colin -
- Gregory -
- Wesley -
- Ron - Tito ko.
Emma -
Madison -
Olivia - Si Ava Santos.
Hannah - Si Ate Hannah na logcom ng block E nung Orsem2007
Abigail - Guarnes.
Isabella - swan.
Ashley - simpson.
Samantha - kaklase ng kuya ko nung elem.
Elizabeth - Si Ma'am Veri!!!
Alexis - Si Janine, pati rin pala si Maripi.
Sarah - block e.
Grace - leader namin sa TaiChi.
Alyssa - Robin. English blockmate.
Sophia -
Lauren - Ty, nung Botany.
Brianna -
Kayla -
Natalie - portman
Anna - Gultiano, Morato, Golez.
Jessica -
Taylor -
Chloe -
Hailey - ganito ba yung spelling nung sa Paramore?
Ava - si Olivia Santos.
Jasmine - Yung tumakbo dati sa student council na nakasabay ko sa USTET.
Maxine -
Victoria -
Ella -
Mia -
Morgan -
Julia - Gulia
Kaitlyn -
Rachel - haha ako 'to e. marami akong kautkayo: yung pinsan ko, tita ko, si Rachel Baldisimo, Irae Jardin, yung kapatid ni Maripi, yung nakilala ko nung Orsem2008, etc.
Katherine - Velasquez.
Megan - block e, pero iba ata ang spelling.
Alexandra -
Jennifer - yung aso namin dati na namatay.
Destiny -
Allison - bunso namin. saka si Ali Sangalang.
Erika - kaklase ng kuya ko nung high school.
Haley -
Mackenzie - Father McKenzie?
Brooke -
Maria - Si Danelyn, si Irae rin.
Nicole - inaanak ko haha.
Makayla -
Trinity -
Kylie -
Kaylee -
Paige -
Lily -
Faith -
Zoe -
Stephanie - Toledo. Nasan na kaya siya?
Jenna -
Andrea - Si aya, block e.
Riley -
Katelyn -
Angelina - baby sweet.
Kimberly -
Madeline - genevive! genevive!
Mary - marami 'to.
Leah -
Lillian -
Michelle - si Mich.
Amanda -
Sara -
Sofia -
Alexa -
Rebecca -
Gabrielle -
Caroline -
Patricia - Brozo.
Vanessa -
Gabriella -
Avery -
Marissa - Tita ko.
Ariana -
Audrey -
Jada -
Evelyn -
Jocelyn -
Maya -
Arianna -
Isabel -
Amber -
Melanie -
Diana -
Danielle -
Sierra - Sierra Madre? Sierra Leone? Wala e.
Leslie - Yu. English and NSTP blockmate
Aaliyah -
Erin - yung sa School Rumble haha.
Amelia -
Molly -
Claire - syempre si Binibining Claire Marie Fabro.
Bailey -
Melissa - si miss Missy.
Camille - Bunao. English blockmate
Angela - Aragon. si Yanna
Mikee -
Blair - hmmm...English blockmate ko ata.
Bea - yep, blockmate.
ay sus aisis
Nob 3, 2008 by rachel marra
Block section pa rin sa Fa 102, Psy101 at Eco. No choice ako sa Sci10 section DD. Fencing ang PE ko (naubusan ako ng slots sa Muay Tha). May Ma12 ako ngayong sem. Section AD pa rin ang NSTP ko. Hopefully, ma-enlist talaga ako sa FA106, writing seminar - fiction. O kung hindi man fiction, maski Poetry.