ay sus aisis

Nob 3, 2008

Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-enlist sa writing seminar ko sa fiction. Nagulo tuloy ang hapon ko. Kasi naman, kasi naman, kasi naman. Gahol na nga kasi puro tira-tira na lang ang pinagpilian ko (last batch kasi ako), sabay may glitch pa na nangyari. Naubos ang adrenaline ko sa kaka-panic (down pa rin ang pakiramdam ko). Pero sabi naman ni Xander maaayos din yun sa manual registration. Pero hassle talaga e. Kasi nga, kaya nagkaroon ng advisement bago pa man ang enlistment, para walang mangyayaring ganitong kaguluhan.


Block section pa rin sa Fa 102, Psy101 at Eco. No choice ako sa Sci10 section DD. Fencing ang PE ko (naubusan ako ng slots sa Muay Tha). May Ma12 ako ngayong sem. Section AD pa rin ang NSTP ko. Hopefully, ma-enlist talaga ako sa FA106, writing seminar - fiction. O kung hindi man fiction, maski Poetry.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger