Marami tayong mga bagay na nalilimutan. Nalilimutan, hindi kinakalimutan. Hindi naman natin gusto yun hindi ba - yung makalimot nang di sinasadya? Pero di yun maiiwasan, kasi tao lang tayo – hindi sapat ang ating kapasidad (mapa-mental man o emosyonal).
Kaya nga tayo nagsusulat, para may babalikan tayo isang araw. Kasi masaya yung may binabalikan, may inuuwian. Alam mong may pinanggalingan ka. Alam mong may pagbabago. Nagkakaroon ka ng seguridad na oo, tao ka na nabubuhay. Hindi ka likha ng imahinasyon ng kung sino man. Oo, may mga taong dumaan sa buhay mo na piniling hindi manatili. At maaalala mong may nananatili. At matatakot ka sa pag-iisa.
Marami pa akong gustong ipaalam sa iyo, pero ikaw lang naman ang kahahantungan nito. Wag na lang.
Atsaka ako ang bida dito, puwede ba?
+++
Pangalawang linggo pa lang, pakiramdam ko harassed na ako. Mula sa mga pila para sa pagpapakopya ng mga readings kina Ate Alma and her fellow photocopy people (lalo na sa library), sa paghahanap ng mga libro para ngayong semestre, sa mga requirements, sa mga nagbabadyang group works, sa Math12, sa Eco102 at sa pagko-commute. Harassed pero masaya naman. Buti nga yun e, simula pa lang hyped na ako.
Regular schedule na ako ngayon kasi tapos na ang trabaho ko sa LS Bookstore. Labindalawang oras ang bilang ko sa service hours ko, at may bayad pa akong hihintayin. Noong nakaraang semestre apat na shifts lang ang nakuha ko, pero ngayon marami-rami na. Yay! Veteran na ako ni Sir Mallari! Marami akong mga nakilala, karamihan sa kanila mga scholar din. Nandiyan si
Kilala ko na nga rin pala yung seatmate ko sa Math12. Laking pasasalamat ko na nagkaroon siya ng kusa na kausapin ako, kung hindi habambuhay ko siyang di makakausap at makikilala. Siya si Migs (ang dami ko nang kakilala na Miguel ang pangalan), first year at Humanities ang course.
Simula nga pala ngayon, kapag may bago akong kakilala itatala ko sila rito. Madali kasi akong makalimot.
Hindi siguro nakaya ni Migs na sobrang tahimik ng katabi niya haha. May pagka-madaldal kasi siya pero hindi yung tipong nakakagambala sa pakikinig ko sa prof. Nakakatulong pa nga siya e. Madalas tatanungin niya ako kung paano nakuha yung ganiyang number, kung tama ba yung dinerive niyang formula, at kung bakit ang tamad ko. Kapag naman hindi pa klase, tinatanong niya ako kung ano ang ginagawa sa kursong Creative Writing at kung ano-anong trabaho ang makukuha sa IS, sa ID, at sa Humanities. Nagreklamo rin siya sa akin minsan, na yung mga blockmates niya lagi na lang puro buhay/life at mga libro ang pinag-uusapan. Nagsasawa na raw siya. Medyo nawindang ako nung sinabi niya sa kin yun. Sa kursong Humanities at nasa ilalim ng
+++
Liham para sa aking guro sa Math12
Miss, baka pwedeng i-skip na natin itong chapter tungkol sa interest, credit, loans, at balances? Tsaka kung gustong bumili ni Justin ng isang home theater system, bakit ako pa ang hihingan niya ng advice kung alin ang mas magandang deal pagdating sa installment buying? May sarili naman siguro siyang calculator, ano. At seryosong advice: kung hindi niya kayang i-full payment in cash, e di wag siyang bumili! Tapos. Ayaw niya pala ng mga additional finance charges e. Kung naiwala naman ni Kristine ang credit card niya, kasalanan na niya yun. Hindi ko toka na alamin kung magkano ang utang niya base sa mga resibo niya. Pumunta na lang kaya siya sa bangko. E ano ngayon kung lolokohin siya run? Kasama na yun sa unwritten contract na sinang-ayunan niya sa mismong araw na nagpasiya siyang magkaroon ng credit card. Willing siyang magpaloko, in short. At Miss, hindi ko pa naman magagamit itong karunungan na ito. Wala pa kasi akong sariling suweldo.
Miss, ano po ang pointers para sa unang long test?
+++
Dumaan nga pala ang mga kaarawan ng bunso naming si Allison at ng mga kaibigan kong sina Jamie at Gel. Happy Birthday uli!!!
+++
Noong Biyernes nga pala naganap ang Poetry in Motion. Hanep talaga, napakasayang karanasan kasi unang beses kong maging kasapi sa isang malaking kaganapan sa Heights at hindi lang ako basta tagapanood. Napuno ng mga dakila ang MVP Colayco Pavilion. May mga taga-UGAT mula sa UP, mga Thomasians, mga La Sallians ng Malate Literary Folio, mga Marians, at syempre mga Atenista.
Hindi ko napanood si Vim Nadera pero masuwerte pa rin ako kasi naabutan ko si Sir Yol matapos naming sunduin sina Kevin dela Cruz, Ate Chai, and company ng UGAT sa Bo’s. Dear Xerex uli ang tinanghal ni Sir Yol pero iba pa rin ang tama. Naroon din sina Kookie Tuazon at Raul Roco Jr. Si Gelo Suarez ang astig grabe. Marami pang nagtanghal (kasama na rin ang mga host na sina Victor at Ali), pero hindi ko sila napanood lahat. Naging serbidora rin kasi ako e.
At eto pa, yung microphone ko ginamit ng mga dakila! Ipapa-frame ko na nga e, hehe nabasbasan na kasi ng mga iba’t ibang mga makata/performers.
Nakakain na nga rin pala ako ng sushi. Kakaiba. Sorry, pero hindi ko gaanong nagustuhan. Hindi ako sanay sa ganung klaseng blending ng mga lasa.
+++
Naghahanap ako ng regularidad – ng stability. Mahirap yung laging umaasa sa pagbabakasakali.
Naghalungkat ako ng mga issues ng Guidon sa cabinet ko kasi kailangan kong maghanap ng isang article na nagpapakita ng isang human behavior para sa Psy101. Syempre, habang naghahalungkat, nagbasa rin ako. Nabasa ko ito sa On the Record:
“Kung kaya mong magsipilyo isang beses [sa] isang araw, ba’t yung umupo para magsulat ng 10 minutes ‘di mo magawa?”
-Mikael de Lara Co, Palanca Awardee, stressing the nees for discipline in writing.
Aray.
Oo nga naman, Rachel. Ba’t di mo magawa?
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento