Nung Miyerkules, sumakay ako ng FX pa-Katipunan mula sa amin. Pagdating sa Ampid may sumakay na lalake. Kamukha siya ni Russel, yung valedictorian namin nung high school. Pero hindi e, sabi ko sa sarili ko. Matangkad 'to e. Pandak si Russel. Talagang tinitigan ko siya, pero ang awkward dun tinitigan din niya ako. E di lalo akong nagduda na, "Teka baka si Russel nga ito. Baka tumangkad na lang bigla, kasi nung huling pagkikita namin (sa UP, noong Agosto pa ata yun) mas matangkad pa rin ako sa kanya." Ang dalas kasing mangyari na nakakalimot ako ng mga mukha.
Ang weird talaga kasi parang pareho kami ng feeling na parang magkakilala na kami. Baka schoolmate ko siya o ano sa Roosevelt. Baka lagi na kaming nagkakasabay sa FX o jeep. Ay ewan. Yun siguro ang isa sa mga pinaka-awkward na 20 minutes ng buhay ko.
2
May writing exercise kami sa Bagwisan. Kailangan ang unang linya ng tula ay "ang ibig kong sabihin" o di kaya'y "dumating ang aking pinangangambahan." Eto yung sa akin - na sa tuwing babalikan ko e may pinapalitan ako (hindi ko pa sigurado kung ito na talaga ang final):
Noong Pumiglas Ako Mula Sa Iyong Mga Bisig
Ang ibig kong sabihin,
ipakilala mo sa akin ang pangungulila.
Hindi na nakasasabay ang aking mga paa
sa saliw ng musikang ating nililikha:
nakapapagod din ang maging masaya.
Ang ibig ko ng sabihin,
nangangamba akong maubusan ng maaaring itula.
Hindi saklaw ng mahigpit mong yakap
ang mga imahen at talinhaga tungkol sa kawalan:
wala pang luhang natitikman ang aking mga papel.
Ang ibig kong sabihin,
sarili ko lamang ang aking iniisip.
Hindi ko inalam kung ano ang iyong nais.
Subalit wala ka ring pinagkaiba sa akin:
narito ako ngayon at nakakulong sa iyong mga bisig.
Sigurado na. FA 106 - fiction - ang writing seminar ko. Hay salamat.
4
Ang haba ng pila kanina sa cashier, buti na lang naroon si Eunice sa likod ng babaeng nasa likod ko. May nakakuwentuhan ako. Ang tagal na kasi naming hindi nakakapag-usap nang maayos kasi last sem tuwing magkikita kami lagi kaming haggard, nagmamadali, o bad trip kaya hanggang batian na lang o saglit na pagra-rant.
Marami-rami rin kaming napag-usapan at na-share sa isa't isa. Hehe ayos lang kahit na may audience, kapag naman medyo private na yung topic namin, nagbubulungan na lang kami (sana hindi narinig nung babae sa likod ko/sa harap ni Eunice!).
5
Noong Miyerkules ay Guy Fawkes Day. First time kong pumasok sa Mag:net cafe. Hindi ko akalaing makakapasok ako dun hehe. First time kong makakain ng Mag:net fries. XD
6
Kanina hindi kami nakadalo sa libing ni Lola Fe. Paano naman kasi napakahaba ng pila sa cashier. Hindi na kami humabol kasi may pamanhiin na masama ang humabol sa libing kasi para mong hinahabol ang patay/kamatayan. Nakakakilabot.
7
First time ko kanina sa SM Marikina. At lumabas ang pagiging material girl ko kasi pumasok kami sa Surplus Shop at tumingin ng mga jacket. At may nakita akong style ng jacket na matagal ko nang pangarap: yung parang pang-Nazi army, hindi maluwag, de butones na metal, parang mandarin yung kuwelyo, magaan lang ang tela pero panglamig talaga (kumbaga style and comfort combined), puwedeng beige o brown o dark beige o light brown.
Kaya lang una: mahal. Pangalawa: hindi kasiya sa kin. Buti na lang mahal kundi manghihinayang talaga ako.
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento