THE PURPLE PARTY
Pumunta kami kanina sa Pasig para sa first birthday celebration ng pinsan kong si Julianna. So ayun, puro mga bata at mga mukhang pamilyar na di-pamilyar ang mga nakita ko.
Ang sabi nila Purple Party, so akala ko required na naka-purple. Kaya naman naka-purple kaming tatlo nina mama at Ali. So ok, pagdating dun hindi naman pala required. Yung mismong may birthday nga hindi naka-purple. Ok lang naman sa akin. Ang hindi ko ma-take e dahil pala kay Barney kung bakit Purple Party yun.
OK, survive naman dahil sa Pugad Baboy na nandun. Tumatawa ako mag-isa habang nakaupo sa sulok ng sofa.
OK din pala yung chocolate cake tapos sundan mo ng San Mig light. Inisip ko nga na ok din yun sa debut ko. Yun lang ang handa. Survival of the Fittest. Tapos ako lang pala mag-isa. Ayos, di ba?
Inisip din pala ni mama yung debut ko kanina. Sabi niya bagay yung temang rock sa akin. Magpapagawa raw siya ng mga shirts na may print ng barahang alas (para sa nickname ko na Ace). Pwede rin daw mag-rent ng banda. Yun daw ay kung may pera siya.
Pero kahit na may pera siya, ayokong maghanda. Natatakot ako kasi baka walang pumunta. Tsaka baka ako mismo ang KJ, di ako mahilig sa mga party e. Tapos yung tema pa na rock, baka hindi ko mapangatawanan tutal mainstream lang naman ako. Baka lumabas pang posero ako. Ayoko nga. Tsaka di ko makita ang point ng debut. As if naman papayagan na nila akong magka-BF pag 18 na ako. At balak ko nga ring makipag-deal sa kanila: hindi kami maghahanda pero gusto ko ng digicam. Terorista ba? XD
Hindi, basta ok na sa akin na mag-banana split ako sa school (yung 85 pesos sa caf up). Oks na yun. Tsaka mas mahalaga sa akin yung may makakaalala ng birthday ko. Yun yung na-miss ko nung isang taon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento