Weekend Blog 2

Set 20, 2008

LOADED

1. Fil14 - last group project at paper. may tatlo pang lessons na hahabulin.

Gusto ko ang klase ko ng Fil14, pero nahihirapan na ako. Paano naman kasi may group project pa, at ang nabunot ko pang topic para sa grupo namin ay Encantadia. E pucha naman, anong alam ko dun bukod sa pagganap dun ni Ping Medina? Tapos may paper pa tungkol sa Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan - na hindi ko pa masisimulan kasi sa Martes pa ibibigay ang "thesis statement."

Tungkol sa tatlong lessons, hindi naman talaga yung lessons ang problema ko kundi yung mga readings. Nakakatamad kunin (bilhin), kasi baka hindi ko rin naman basahin.

2. Theo Orals

Sa Miyerkules na ang Theo orals ko kasama si Jamie at hindi pa ako nag-aaral. Hindi pa nga kami nag-uusap tungkol sa practice na gagawin namin bilang paghahanda sa orals. Baka tanungin ako ni Sir: Are you committing apostasy? Kapag sumagot ako ng "No," baka banatan niya ako ng "Are you sure? Look at your lifestyle. I can't see why Ateneans are so pretentious. Aminin mo na ang totoo nang hindi tayo naglolokohan dito" with a Filipino accent that is mysteriously like Sam Milby's kahit na hindi naman dapat.

3. Creative Writing - drama, portfolio

May drama kaming due sa Martes, pero isang scene lang yun. Irerevise ko pa yung synopsis ko kasi hindi tugma sa kinalabasan ng script. Ayos lang,pero parang ginaya ko lang yung play na Bulong-bulongan sa Sangandaan ni Ramon C. Jocson. Well, hindi naman ginaya. Naging similar lang. Sa totoo lang ang iniisip kong play nung sinulat ko yung synopsis ay yung Death of Memory ni Glenn Mas. All-time favorite ko yan.



Family Pic. Left to right: Fourth and Jamie (the twins), Gel (the Atsy), Ako (the single mom), Miggy (si Manong), at si Ybonne (kapatid din nila). Itong pamilyang ito ay parehong blessing at sumpa. Blessing kasi mas nagkaka-bonding kami. Sumpa kasi naghahanap sila ng daddy.

Para naman sa portfolio, pumayag si Sir Brion na mag-group (family) consultation kami. Natatakot/nahihiya kasi kami na lumapit kay Sir nang mag-isa. Ngayon, kailangan kong i-revise yung mga kailangang i-revise (lahat naman e!). Madugo-dugo 'to.

4. Written test sa Aesthetics

Buti na lang talaga quiz bee lang yung nangyari nung Biyernes. Akala namin yung exam na talaga. Tapos nanalo pa yung grupo namin! Naman! Kami ang itinanghal na "the most beautiful group in class."

Marami pa akong hindi alam. Sobra. Kaya nagsimula uli akong gumawa ng reviewer nung Biyernes ng hapon. Awa ng Diyos at tapos na ako. Kailangan na lang na kabisaduhin. Tapos magbabasa pa ako ng libro at aaralin yung mga powerpoint presentations ng mga grupong nag-report sa dalawang klase ng FA 101.

5. Demo sa TaiChi

Yes naman, exempted na ako sa finals ng TaiChi! Yun nga lang, magde-demo ako sa Sept. 28 (sa siang linggo na pala yun!). Kailangan kong pumasok nang mas maaga sa Lunes para makapag-practice kasama ng iba pang magde-demo. Mga 7:45 lang naman ng umaga.

6. Reflection paper sa History.

Hindi ko pa pinapanood yung pelikula na kailangang panoorin, si Matt Daimon kasi ang bida. Ayoko sa kanya. Tsaka ang perception ko sa pelikula ay boring, di tulad ng pelikulang ginamit namin sa nakaraang reflection paper, The Last King of Scotland.

7. Homeworks sa Bagwisan

Naman, hindi ako makahanap ng isang teorista/manunulat na kontento ako sa depinisyon nila ng tula/panulaan.

8. SA Paper

Parang wala na kaming balak na magsimula dito. XD

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger