Weekend Blog 1
Set 20, 2008 by rachel marra
THE GUIDANCE INTERVIEW INCIDENT
Nung August pa dapat ako tapos sa guidance interview ko, pero nag-resign yung guidance counsilor na na-assign sa akin. Kaya nagpa-resched ako. Nitong Huwebes dapat ang interview ko, pero ewan ko kung tanga lang talaga ako o niloloko ako ng clerk sa guidance office dahil ang nakalagay na oras ng interview ko ay 130-230 samantalang 4-5pm naman ang nakalagay sa calendar ko sa cellphone ko at pati na rin sa planner ko. Imposible naman na 130 ang oras na kinuha ko kasi may klase ako sa oras na yun. Sinabi ko yun sa clerk, at syempre ang naging dating nun e tanga siya at mali ang oras na nilagay niya sa logbook. E alangan namang ako ang tanga. Major katangahan naman kung totoong 130 ang oras na pinili ko. At naaalala ko pa kung paano ko isinet sa calendar sa cellphone ko ang schedule ng interview doon mismo sa harapan ng clerk habang sinusulat niya ang pangalan ko sa logbook.
Pumunta ako sa OAA at talagang muntik na akong umiyak. Kasi naman, hello? Naging responsable ako, tapos baka mawala ang scholarship ko dahil sa pagiging iresponsable ng ibang tao. Nananadya yung clerk na yun, e. Ako pa ang palalabasin niyang mali. Alam ko kung ano ang katumbas ng isang interview na yun - scholarship ko. Sinabihan pa niya ako na dapat June pa lang inayos ko na yung sched ko. Balikan ko nga siya. Sabi ko sa kaniya talaga namang June pa ako nag-sched, at hindi ko kasalanan na nag-resign yung guidance counsilor na yun kung sino man siya.
Buti na lang pumayag yung si Ate Tin ng OAA na hanggang October 11 ang deadline ng service card ko.
Bumalik ako sa guidance office at nagpa-resched under sa listahan ng mga juniors imbes sa mga sophomores (wala na raw free slots sa sophomores). Gumaan naman ang loob ko. Pero ako kasi yung tipo ng tao na nagpapatawad pero di nakalilimot, kaya in good terms uli kami ni Ate Clerk, basta ba maayos ang kahihinatnan nitong pangalawang rescheduling ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento