gusto kong humiga sa damuhan, damhin ang mamasa-masang singaw ng lupa.
gusto kong umupo sa isang abandonadong waiting shed na suot ang pangginaw ko kahit na nagliliyab sa init ang araw.
gusto kong magpagulong-gulong sa dalampasigan at magpabudbod sa puting buhangin na pinalapot ng tubig-dagat.
gusto kong lumayo, pero bibitbitin ko siya para may kasama ako.
pero hindi pwede kasi hindi siya sasama.
kapag hindi siya sasama wala nang halaga ang lahat ng pagpapakalayo.
+++
Pagod. Wala pa akong disenteng tulog. Marami pang dapat gawin.
Astig yung orals sa Aesthetics. Ginaganahan tuloy akong mag-aral para sa written.
Ang tagal mapirmahan ng Comelec ang service card ko. Kailangan ko na yun sa Thursday bago ang guidance interview ko.
Sa Thursday Kabalbalan talk ni Sir Yol Jamendang. Required kaming magdala ng sabit sa talk, haha buti na lang willing si Gel. Kaya lang 5 pa ako makakapunta kasi 5 pa matatapos ang interview ko.
Sa Friday naman yung book launch ng Heights. Pupunta kami nina Fourth, Miggy, at Jamie. Libre ang food kasi, yun ang catch!
Hay, bakit wala pa akong tulog? Kasi hinapit ko yung creative nonfiction ko. Pucha, pakiramdam ko talaga hindi ko yun nagawa nang mabuti. May mali kasi. Ewan ko. Pakiramdam ko mas maganda pa yung iba kong blog entry. Basta. Parang pilit yug nonfic ko. Huhu...kapag iyon naibalik na sa akin, ibabaon ko yun. Kahit saan. Basta baong-baon.
At pucha. Kung ipagpapatuloy nilang i-partner ako sa dude na 'to, magiging desperada akong maghanap ng boyfriend basta wag lang siya. Or worse, baka tuluyan na akong maging homosexual.
Konting background lang sa dude na 'to: maangas 'to grabe. di nararapat mabuhay.
Sabi ko sa 'yo konti lang yung background niya e.
Talaga. Kahit na hindi totoo yung mga tukso nila sa akin, yung thought mismo kasi damaging. Traumatic. Ewww...
Kung kanina may willing pumatol sa kin e di sana may boyfriend na ako ngayon. Haha, basta wag lang siya!!!
Si Gel naman tumawag sa kaibigan niya, kasi sineryoso niya ako! na gusto ko na ng BF basta wag lang yung dude! Foreign pa yung irereto sa akin! May choices pa ako! Kung Canadian or what! 29 years old! Ang tanda! Ayoko ng foreign! Ayaw!
Nabigla naman ako kay Gel, natakot tuloy ako dun sa mismong ideya na magkaka-BF na ako. Sobrang sudden. Fast food fiction? Fast food reality?
Hay, ang gulo.
Basta.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento