Weekend Blog 4

Set 21, 2008


THE almost PERFECT DAY

Friday, Sept. 19

1. Nakasabay ko si Nessie sa FX papuntang Katipunan. Nagkuwentuhan kami tungkol sa eskuwela, sa crushes namin dati, at sa kung ano-ano pa. Humingi rin siya ng kopya ng Heights kasi ibinalita ko sa kaniya na Fil staff na ako tsaka may nai-publish na ako. Matagal nang alam ni Nessie na pangarap ko ang makapasok sa Heights. May kopya nga rin siya ng isang folio ng Heights, di ko lang matandaan kung alin doon.

2. Aesthetics lang ang klase ko. Haha. Pareho kami ni Carla.

3. Hindi natuloy ang written exam sa Aesthetics. nagquiz bee lang kami at ang grupo namin ang itinanghal na pinakamagandang grupo sa klaseng FA101 A! Damn, ang galing ni Iggy! Tama siya sa lahat samantalang ako isa sa tatlo lang ang tama kong sagot!

4. Ginanahan akong gumawa ng reviewer sa FA101 dahil sa pagkapanalo ng grupo namin sa quiz bee.

5. Sumama sina Fourth, Jamie, at Iggy sa book launch ng Heights!

6. May free food nga sa book launch ng Heights!

7. Hardbound ang kopya ko ng Heights double issue!

8. Ayos pala yung porma ko. Hindi kasi ako nakita ni mama nung umalis ako ng bahay, kaya pag-uwi ko nagulat siya sa itsura ko na hindi ko alam kung maayos nga o hindi. Sabi niya ok raw. Hehe, oo na, flattered na kung flattered.

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger