Long weekend

Hun 9, 2008

Orsem's over. Hay, copy that. What an experience...Maglilista uli ako:

  • Met new people/friends. Syempre yung mga Comm people at ibang LogCom volunteers.
  • Been surrounded by total strangers...
  • Nakaranas gumamit ng two-way radio. Cool talaga, haha.
  • Nag-panic dahil sa mga nawawalang freshies, mga nahihimatay na freshies, mga nawawalang gamit, mahinang frequency sa Bellarmine at Leong Hall, etc.
  • Nagkaroon ng crash course tungkol sa pag-ibig (at sa mga babae at lalaki at sa mga aso at pusa) care of Mike the philosopher - na pangarap iligtas ang Pilipinas (seryoso siya dun, at hindi yun nakakatawa. kasi naman, sinabi ko rin dati na ililigtas ko ang Humanidades).
  • Nagkaroon ng "happy crush" (Kay Mike ko rin natutunan yang term na yan).
  • Kumain ng Chickenjoy na walang gravy, nagkamay kasi walang kubyertos, kumain ng Burger Steak na nag-uumapaw sa malapot na gravy, at kumain ng Burger Steak na walang gravy.
  • Pumila sa 7/11 booth for 15 minutes para sa isang Slurpy.
  • Ate chocolate chip cookies topped with marsmallows. Impluwensiya ni Adriel.
  • Orsem night!!!
Haha...dapat magkaroon ng bukod na listahan para sa Orsem night. Here it goes:

  • I only heard Spongecola from afar. Papunta pa lang ako sa CovCourts nung patapos na yung performance nila. At least narinig ko uli si Yael na nag-scream.
  • Fastpitch. Ang tagal ko na silang di naririnig.
  • Pedicab! Wooo...ang cute talagang sumayaw nung bokalista. Ay, sus!
  • Parokya ni Edgar. Haha, ang galing nila...saludo ako. Legend forever.
  • ChicoSci. Uso yata sa kanila ang nagpapahaba ng buhok. Payatot pa rin sila. Haha, ayos lang, pero thrilled pa rin ako sa presence nila.
  • Callalily. Hindi ko na sila napanood nang mabuti, busy na ako nun. Naghahanda na kasi ang mga LogCom para sa basaan. Pero parang napansin kong tumaba si Kean. =D
  • URBANDUB!!! Lahat ng mga naunang banda, pinanood ko lang mula sa malayo. Paano ba naman, ang daming freshies. Hinayaan ko na silang mag-enjoy, kaya hindi na ako sumingit. Pero, nung Urbandub na...shet! Wala na akong pakialam! Hahahaha....Gabby Alipe, ang galing mo! Mangiyakngiyak na ako nung kinakanta nila yung First of Summer. Panaginip ba 'to? Wooohhh!!!! Sigaw ako nang sigaw! Muntik na akong magka-sore throat kakasigaw. Huhu...I love Urbandub. Nakita ko rin sila sa wakas. Napakinggan nang live. Yung dating pinakikinggan ko lang sa CD player at radyo, nakita ko na at napakinggan nang personal.
Masarap maging volunteer! Bakit? Dahil sa basaan! Weee.....TNT versus Log! Ang saya, kaya lang konti lang ang kakilala ko...hehe, pero masaya naman. Next year kaya? Hmmm...magvo-volunteer uli ako? Tingnan natin. =D

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger