"Go ahead, Batibot."
"10:101"
"Sino?"
"Si Mikee Lee...over."
- Ang ibig sabihin ng 10:101 sa code ng mga Comm. ay may artista.
- Tapos ko na ang Twilight ni Stephenie Meyer. Saka ko na masisimulan yung dalawang susunod na libro.
- Kahit na dinala ko yung The Summons ni John Grisham para hindi ako mainip, iisang chapter lang ang nabasa ko. Mas komportable kasing tumunganga sa mga freshies, maghintay ng 10:101, makinig sa mga tuksuhan at jokes sa two-way radios, at maghintay ng mga announcements tungkol sa mga nawawalang freshies.
- Mas gwapo si Mikee Lee sa personal kaysa sa t.v.
- May post ako sa Bellarmine bukas, at PIC (Person-in-charge) ako kung sakaling hindi babaguhin yung posts. Hindi aabot ang signal ng two-way radios sa Nest mula sa Bellarmine, kamusta naman yun?
- Muntik ko nang makalimutan, pagod nga pala ako.
- Day 2 na bukas. Sana maayos uli...
- The guy badly reminds me of Edward Cullen. I'm still dazzled.
"Break Nest. This is Batibot."
"Go ahead, Batibot."
"10:101"
"Sino?"
"We saw Father Nebres!"
"Hahahaha..."
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento