Long weekend 2 (Book Sale Freak)

Hun 9, 2008

Nagbabasa ako ng New Moon kagabi sa Cavite (Oo, dinala ko talaga yung files ko sa Cavite para matapos ko na yung tatlong libro ni Stephenie Meyer na na-download ko sa internet), nang magtanong ang bunso kong kapatid kung kailang kami uuwi dito sa San Mateo. Sabi ninmama, baka gabi kinabukasan. Gabi ng Lunes. Sa isip ko, ok lang. May oras pa para maghanda ng gamit para sa unang araw ng pasukan. Habang nagbabasa ako, nilista ko sa isipan ko yung mga dapat kong ihanda. Sabay sinabi ko sa sarili ko, shet! wala akong gamit na ihahanda!

Kaya kaninang umaga ay nag-late shopping kami sa National Bookstore sa Robinson's Place sa Imus. Notebooks, ballpens, refill pages, etc...Essentials lang. Kaya lang, nung nasa pila na ang mama ko para magbayad, napagtripan ko lang na mag-browse ng mga libro. Nakita ko yung New Moon ni Stephenie Meyer. Ganun pala kakapal yun. Hindi ko pansin yung dami ng pages dahil sa Notepad ako nagbabasa. Nagduda tuloy ako. Sana hindi peke yung na-download kong Twilight series. (Tapos ko na yung New Moon, tatapusin ko na mamaya yung Eclipse). At wow naman, kasi may sale pala ng mga libro!

Hindi ako nakapagpigil kanina.

  • Tending to Grace by Kimberly Newton Frusco
  • Magic Seeds by V.S. Naipaul
  • The Picture of Dorian Gray by Oscar Wilde
  • For a Night of Love by Emile Zola
Kahit hindi sale, binili rin namin ang mga 'to:

  • Holy Bible. (Tig-isa kami ni kuya)
  • Parman by David Hontiveros.
Wooh. Pasukan na naman. Kailan ko kaya mababasa 'tong mga libro?

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger