Thinking...

May 19, 2008

chair.

Naguguluhan ako.

Ang hirap pumili ng schedule!!! Ang hirap pumili ng prof. Akala ko malaki ang maitutulong sa akin ng pagre-research sa internet ng mga info tungkol sa mga pinagpipilian ko. Kaya lang napansin kong hindi rin mapagkakatiwalaan ang opinyon ng iba. Nandiyan ang mga forums, mga blogs, at kung ano-ano pa. Sali-saliwa ang mga sinasabi nila. Kesyo masama ang ugali nito, tapos mababang magbigay ng grade. Wala raw tinuturo sa klase. Sasabihin naman ng isa hindi raw, magaling naman daw. Blah blah blah...Malay ko ba kung totoo ang mga sinasabi nila. Malay ko ba kung pareho kami ng mga taste pagdating sa mga teachers. Hay, sa kahuli-hulihan, imbes na nakatulong ang pagre-research, lalo pa itong nagpalito sa isipan ko. Huhuhu...

Paano ba yan? E mahihirap na ang mga subjects na kukunin ko: SA21, HI18 (Western history ang kukunin ko, ayoko ng Asian e), TH121 (Oh God, help me po), at Fil14 (depende sa prof kung madali o mahirap). At may major subjects na ako: FA 101 (Intro to Aesthetics; history ba ng art ang ituturo rito o yung mismong art?) at FA 105 (Intro to Lit and Creative Writing; natutulala ako sa katotohanang ito).

As usual, excited ako na natatakot. Maliit ang chance na magiging kaklase ko sa ibang mga subjects yung mga kaibigan ko at mga ibang kakilala. Pero at least magsasama-sama ang mga CW majors sa FA101 at FA105. (Kung may mga umalis sa Creative Writing, may mga lumipat naman. Nakita ko sa listahan ng mga random numbers. =D)

Come what may...Surprise me!

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger