Malapit nang matapos ang summer pero wala pa akong nagagawa na kahit anong major. By major, I mean like actually writing something good (I was thinking of writing a/some fictional work/s)...Pero ano lang ba ang mga naisulat ko? As usual, senseless blog entries sa Multiply. At journal entries. Hay...
Summer accomplishments (in random order):
1. Nabasa ko ang The Five People you meet in Heaven ni Mitch Albom. Pinaiyak ako nito.
2. Nabasa ko ang The Alchemist ni Paolo Coelho. Malalim. Kapag nakabili na ako ng sarili kong kopya nito, babasahin ko 'to nang paulit-ulit hanggang sa maintindihan ko. Basta sa ngayon, ang alam ko lang lahat tayo ay may mga pangarap na dapat nating abutin, dahil iyon ang nakatadhana.
3. Nabasa ko ang The Carpetbaggers ni Harold Robbins. Makapal na nobela, pero sulit. Sadyang malulungkot ang mga tao, ano? Hindi tayo nakokontento. Nabubulag tayo sa mga materyal na bagay. Nasisilaw sa kinang ng mga brilyante't ginto...pero sa kahulihulihan, pag-ibig lang ang pupuno sa lahat ng puwang ng ating mga buhay.
4. Nabasa ko ang Lamok sa loob ng Kulambo ni Benjamin P. Pascual. Na dinownload ko isa-isa ang mga pahina (na nagmula pa sa Liwayway magazines) sa Atisan Novels na yun pala ay puwede hingin na naka-PDF format sa may-ari ng blog. Ayokong magkaroon ng asawang babaero, yun lang.
5. Nabasa ko ang Tagalog version ng The Little Prince (Ang Munting Prinsipe) ni Antoine de Saint Exupery. At nakita ang colored illustrations ng awtor. Black and white kasi yung nauna kong nakita. Ako ang alamid! Paamuhin mo ako, parang awa mo na!
6. Nabasa ko ang MacArthur ni Bob Ong. At natutunan ang mga salitang sabogaloids at abnormalites. Mabuhay ka, Bob Ong!
7. Nabasa ko ang Les Miserables ni Victor Hugo. Ibang-iba pala yung napanood kong film sa nobela. Wala kasi yung ibang characters at elements sa film, pero di naman ako nainis. Nandoon pa rin kasi yung pagiging miserable ng mga characters.
8. Naayos ko ang multiply site ko, at marami na rin akong mga contacts. Sa ngayon ay inaalam ko pa kung paano mag-import nang maayos ng blog entries mula rito sa Blogger ko. Kontento na rin ako sa layout ko.
9. Regular na ang journal writing ko. Bilingual ang pagsusulat ko. Kung ano ang trip kong gamitin: English o Tagalog. Mas seryoso di tulad ng dati. Batay 'to sa mga natutunan ko sa librong Creative Writing for Beginners na pinahiram sa akin ni Noh.
10. May studying/writing space na ako sa kwarto ko. Sa wakas! Hindi na ako matutuksong humiga habang nag-aaral/nagsusulat sa kama, kasi may mesa na ako sa loob ng kwarto ko.
11. Nagpagupit na ako. Ngayon, maghihintay na lang uli ako ng isang taon at ilan pang buwan para magpagupit uli.
12. Inayos ko na ang sked ko para sa 1st sem ko ngayong sophomore year ko. Hello to Aesthetics, Fil14, and Creative Writing (all with TBA profs), welcome back to Western History (Tirol), smile to Sociology and Anthropology (Marcia Medina) and pray to Theology (Rosar Crisistomo). Temporary pa 'to. I still have less than a week to change it - kung may makikita pa akong complications regarding sa oras (may complications pa kaya ang sked na may one hour/one and1/2 hour breaks after each subject?) at prof (maraming bad comments tungkol kay Crisostomo sa mga blogs at forums na nabasa ko, pero pakiramdam ko mahirap talaga ang Theo kahit na sino pa ang prof mo.)
Iyon lang...LANG! Kainis...Well, may less than a week pa ako to make a difference.
But we only got four minutes to save the world!
Haha...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 ang nagmamahal:
wow. dai mong nagawa! haha.
haha, ang konti pa nga e...=)
Mag-post ng isang Komento