Ampucha.
Noong nakaraang linggo, nawalan kami ng internet connection kasi naapektuhan daw ng kulog at kidlat yung linya namin tapos tinamad yung technician na ayusin kahit na tawag na nang tawag sa Digitel ang mama ko.
Ngayon, may internet na uli kami pero naiinis pa rin ako. Una kasi, para magkalinya uli kami kinailangang tanggalin yung router. So hindi na ako pwedeng mag-internet sa laptop ko. Agawan uli kami sa iisang PC, may deperensya pa kasi walang Yahoo Messenger dito. Ang gamit ko ngayon ay yung integreated chat sa YMail - na bad trip kasi yung contacts ko ay lahat ng nasa address book ko, bad trip kasi hindi pwedeng magphoto-sharing at file sharing, na bad trip kasi walang stealth settings, na bad trip kasi hindi ko mabago ang primary pic ko, na bad trip kasi di ko makita yung primary pic ng iba.
Tapos dahil nga isang linggo mahigit na hindi nakatikim ng internet connection ang laptop ko, hindi na updated ang anti-virus ko na McAffee. Nagpaalam ako kanina na i-connect ko muna sa laptop yung linya namin para mag-update ng anti-virus. E pucha nagsimula ako ng alas-tres, hanggang kaninang ala-sais nagda-download pa rin? Hindi lang yun, nagloko ang YM ko, hindi ako makapasok sa Yahoo Mail, pati sa Multiply hindi rin, sa Friendster wala, pati mga blogspot sites, pati Bittorrent hindi gumagana. Ang bagal talaga!
Kaya sumuko na ako, wala nang pag-asa kasi. Nasayang oras ko. Sayang na sayang talaga.
Bakit kasi hindi na pwede yung router? Huhu...Pahirap naman 'to.
Tuwing haharap ako dito sa computer, laging may sisita. May reputasyon pa man din ako sa kanila na adik sa internet (hindi naman ako adik, sobrang dependent lang siguro).
+++
Tuwing marami akong dapat gawin, bakit yun yung panahon na ginaganahan akong magsulat? Para bang pinapapili ako, tumula ka o magpaka-estudyante? Parang tinatanong ako: gusto mo bang pumasa sa orals sa Aesthetics o magsulat ng kuwento? So far, lagi kong pinipili yung magpaka-estudyante. Paano kaya kung wala akong pipiliin? Kung wala akong pipiliin, magiging lumpen ako. Ayoko.
Ayoko.
+++
Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako kasi hindi naman kami close. Tungkol saan? Actually wala naman talaga kaming dapat pag-usapan. Kuwentuhan sana, pero hindi nga kami close. Gusto ko lang siyang makilala. Yun. Yun lang. Ang problema ay kung gusto rin niya akong makilala. Kaya lang hindi kasi ako yung tipong unang lumalapit. Kahit ba contemporary na akong maituturing, may traditional values pa rin naman ako (care of my parents). Hindi pa rin maganda para sa akin na babae ang unang kumikilos. Nahihiya ako sa kanya. Pucha. Tsaka baka may gf na siya.
Oo nga.
Heto na naman ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento