Biyernes.

Set 12, 2008


A, inggit naman ako. I need a hug. No, I need your hugs. I need you. I miss you. I want you. But you're not here. You're never here, and you never will be. You don't give a damn about me. You never did, and you never will. But the thing is, I learned from Theology to hope against hope. I also learned about kenosis, eros, and epithymia. In Fil14, I knew of amar. From you, I learned of sadness.

+++

Stream of consciousness, 'wag mo akong bibiguin.

Biyernes na naman, parang kahapon lang nung nagmerienda ako sa Mcdo kasama ang ilang mga ka-Bagwisan. Ang totoo, nung isang linggo pa yun.

Hindi ko masasabing maraming nangyari. Hindi, marami nga ang nangyari, pero hindi iyon matutumbasan ng kung gaano karami ang mangyayari pa.

Nariyan ang creative nonfiction ko na kailangan na sa Martes. Orals ng grupo ko sa Aesthetics sa Lunes. Sa Biyernes ang long test sa Aesthetics. Reflection paper sa History. Orals sa SocioAnthro sa Martes. Guidance Interview ko sa Huwebes, kasabay ng Kabalbalan Creative Talk ng Heights. Heights book launching sa Biyernes. Kailangang magsanay na kasama ng partner ko na si Jamie para sa orals sa Theology. Siguro ipapagawa na rin yung papel para sa nobelang Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan. Kailangang ayusin ko na rin ang mga sinulat ko para sa portfolio ko sa Creative Writing. Kailangan na rin palang simulan yung paper namin sa SocioAnthro.

Inaayos ko na yung service hours ko. Iniwan ko muna sa Comelec yung card ko para sa Lunes may pirma na nila. May isang oras pa ako sa Guidamce Interview ko. Sa susunod na semestre uli.

Sana naman maganda mga grades ko. Wala akong dapat ipangamba sa SocioAnthro (kaya 'to, sa tingin ko. ito yung subject na iniintindi, hindi kinakabisa), TaiChi (gusto ko na lang na ma-exempt sa finals para hindi hassle), at Fil14 (dahil sa Sagala, may upgrade na kami sa final grade namin plus may mga bonus pa ako kasi sumali ako sa dalawang timpalak ng Kagawaran para sa taong ito).

Natatakot naman ako sa Theology (natural, ang pangit ng mga grades ko sa quiz tapos hindi ko pa sigurado kung maganda ang grade namin sa final installment ng group paper namin), History (kahit na enjoy ang lectures dito, average lang ang mga test scores ko.), Aesthetics (late kasing nagpasa ng portfolio ang grupo namin at sa pagkakatanda ko automatic C na yun. bukod pa dun, talagang mahirap pag-aralan ang Aesthetics.), at Creative Writing (average naman siguro ang grade ko kung yung mga gawa ko ang pag-uusapan, pero panira kasi ang mga quiz ko).

May photo essay pa pala kaming dapat gawin para sa NSTP.

Inaantok na ako, pero 7:28 pa lang ng gabi. Paano naman kasi, inabot ako ng 1 ng umaga sa pagtapos sa theo paper namin. Actually, kaming tatlo nina Ybonne at Jong. Tapos akala ko di na ako dadalawin ng antok kaya tumambay ako sa kuwarto hanggang 2 ng umaga. Tapos natulog ako.

Nakuha ko na yung PE shirt ko, na nakakatakot suotin kasi sumisigaw ng "ATENEO!!!"

Hindi ako nagugutom pero gusto kong kumain ng matamis.

Hehe, naiinggit naman ako sa mga nakapasa sa Heights Annual Workshop. Kahit siguro nakapagpasa ako di pa rin ako matatanggap. Hay, sana makaranas naman ako nun.

May libreng screenwriting workshop bukas sa SM convention center, sa MOA. Sayang, kung hindi lang sana malayo, pupunta ako. Sakto pa kasi Drama na ang inaaral namin sa Creative Writing. Tsaka para na rin pampalubag-loob: na kung yung iba nasa Heights Annual Workshop, ako nandun. Haha, wish ko lang. Tapos biglang natupad, ano? Bangag.

Pupunta sina Mike at Walther doon bukas para sa book fair. Wala rin naman akong pera para ma-enjoy yung book fair kung sakali mang sasama ako. Ang hirap ng buhay, e.

Dito lang ako sa bahay. Mag-aaral. Sana makapagsulat.

+++

Underwear fashion show: bakit? hindi ko ma-gets!!! wala akong ma-gets!!! aahhhh!!!!

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger