Weekend Blog 6

Set 21, 2008


Sa Mcdo kasama ang ilan sa Bagwisan. Si Mike yung nasa tabi ko. Nakikinig na yata kami sa kuwentong blog blog ni Brandz dito. Ngayon ko lang napansin, mukha akong bangag diyan. Mapungay mga mata ko, inaantok. Tapos yung posture ko pa nakakuba.


HOME ALONE

Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Pumayag si daddy na hindi ako kasama ngayon sa Cavite para sa binyag ng pinsan kong si Kent. Paano naman kasi kailangan kong maglaba, at totoo namang napakarami kong dapat gawin.

May perang iniwan sa akin si mama pambili ng pagkain. Pero dahil tinatamad akong lumabas ng bahay, naghalungkat muna ako ng pwedeng makain sa kusina. Buti na lang may isa pang sachet ng Crab and Corn Soup na pakalat-kalat sa kusina - tsinek ko naman yung expiration date, sa isang taon pa naman. Isang gatang lang ang sinaing ko. Niluto ko yung soup. Bumili lang ako ng isang lata ng Argentina corned beef kina Mang Roman. E di solve.

Matapos maglaba, naghugas ng pinggan, nagpunas ng mesa, etc. etc...

Nagprint ng articles para sa Theo. Chat ng kaunti. Tapos eto na.

Inaantok ako. Gusto kong matulog pero ang sabi ko sa sarili ko gagawin ko na yung paper ko sa Histo. Damn.

Go Ateneo! One big fight!

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger