OK, 6 daddies and counting...
Recap lang:
1. That he-who-must-not-be-named. THEY are not allowed to speak/mutter/blabber/stutter that name. One who does receives a piercing glance from mom (me!), and of course, silence.
2. That guy. And I don't know why. This is Atsy Gel's fault, it's her own imagination. Creative Writers have this tendency to go way beyond their imagination, they somehow experience the metaphysical. And I think that occurred to her that moment.
3. He's daddy. He's okay for me, but the kids are scared of him. Especially Jamie. Fourth said that he'll only denounce daddy if I do the same thing (I denounced daddies 1 and 2).
4. Atsy Gel and Jamie's fault. They said I was making eyes with this guy, which is not true! I don't make eyes with guys! I don't flirt or give motives or whatsoever. I totally denounce him.
5. Hehe, I admit I have a crush on this guy - which is transcendent and is way beyond the physical level. So, a forever crush. Once again, a happy crush. Well, he's good and cute so no one has the conscience to denounce him.
6. Gusto ko naman talaga siya e. Pero sila ang may pakana na isama siya sa listahan na 'to. OK na sana nung umpisa ang problema mukha raw ostrich. Shet. Ganun ba ka-weird ang taste ko? Mukhang ostrich? Hell, hindi naman talaga e! Masyado lang malawak ang imahinasyon nila. Tsaka hindi lang naman yung itsura yung tinitingnan ko, yung kakayahan niya at ugali. Yun.
+++
Immersion namin kanina sa Payatas 13, Gawad Kalinga Village. Maaga naman akong nagising kanina, nakarating din naman ako sa Ateneo sa tamang oras. Pero muntik na akong maiwan kasi hindi ko alam kung saan ang meeting place.
"All you have to do is ask." - Pin
Well, I did actually. 'Etong si Pin hindi naman kinakausap, magbibitaw pa ng opinyon na nakakainsulto. As if wala akong kakayahang mag-isip para sa sarili ko. Anyway, bago ako umalis ng bahay nag-IM ako kay Ybonne. Online kasi siya kaya tinanong ko siya kung saan ang meeting place. Hindi naman siya nag-reply so nagtext ako kay Tekla. Hindi rin naman siya nagreply.
Pagdating sa Ateneo dumiretso ako sa Leong Hall at sinilip kung nasa cornfield sila. Hindi ko sila nakita kaya pumunta ako sa caf para magpa-load. Nag-miss call na si Miggy kaya alam kong malapit na silang umalis kung nasaan man sila. Tinawagan ko siya, pero hindi niya sinagot phone niya. Si Jamie naman ang tinawagan ko pero hindi ko siya makontak. Buti naman at nang tinawagan ko si Fourth, nasagot niya.
At ayun na nga, paalis na raw yung jeep kaya dalian ko na at baka iwan na ako.
At tumakbo ako.
Hingal na hingal ako pagdating sa jeep. Pawis pa, naka-jacket pa man din ako.
"I like your hair. What did you do?" - Kira
"Uhm...Tumakbo." - Ako
Ayos naman yung buong araw. Hehe. Kahit na hanggang ngayon feeling laid-back pa rin ako na parang wala akong dapat gawin. May culminating activity pa bukas. Gigising na naman ng maaga.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento