culminating activity

Set 28, 2008

Practicing the TaiChi 24 step form with Maricris. Shot stolen by Diegs. Picture stolen from Diegs' album. ^^

Biruin n'yo, pumunta ako sa Ateneo ngayong Linggo para lang mag-perform ng 24 step TaiChi sa loob ng humigit kumulang dalawang minuto.

May kapalit naman e, hehe. (Exemption, exemption...)

Nanood na rin ako. Ano pa bang magagawa ko? Nag-demo ang Taekwondo, aerobics, social dances, ballroom, tap dance, wushu, muay thai, arnis, at syempre tai chi.

Nakakatuwa naman yung buong event, kanya-kanyang pakulo ang bawat PE class. Sa Taekwondo, para akong nakakita ng isang batalyon ng weapons of mass destruction. Sigaw pa lang nakakatakot na e. Astig yung mga huling nag-demo sa Taekwondo, lalo na yung dude na hindi nasipa yung mansanas sa unang subok. Naging puree yung mansanas sa pangalawang pagsipa niya! Tapos yung isang guy na nag-back flip (yun ba ang tawag dun?) para masipa yung board. Yung mga bata pa na gumawa ng super stunts. Yeah.

Hindi ko napanood yung sa aerobics kasi nagpa-practice kami nun para sa sarili naming demo, pero nandun sina Mina at Kat (ka-Bagwisang Filipino).

Sa social dance, ayun, sumayaw. XD

Napanood ko si Marcy sa tap dancing. (Sweet talkin' sugar coated candyman! Sweet talkin' suger coated candyman!) Hehe, pero 'wag kayo! Nanalo ang grupo nila as the best tap dancing group!

Ang hot ng performance ng ballroom. Bukod kasi dun sa unang pair na sumayaw (hindi ko lang alam kung students o teacher sila) na sobrang sensual, nandun sina Tekla (blockmate), Angelica (CW mate), Osan (english blockmate), Kid at Nathan (NSTP mates), at yung dalawang girl na naging kaklase ko rin sa Wushu na kasali sa CADS na hindi ko alam ang mga pangalan.

Ang cool ng demo ng Wushu. Sana yun talaga ang inaaral sa Wushu at hindi lang yung 64 steps. May dalawa akong kilala (by face) dun sa ateneo wushu team. Ang astig nila, grabe.

Nakita ko si Rai, kasali yata siya sa finals sa Arnis.

SI Diegs pakalat-kalat sa covcourts. Nagnanakaw ng shots!




0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger