Tama! Fuck Windows! Naiinis na ako...
Noong una, nag-update ako ng Windows Media Player, para naman hindi mahuli 'tong player ko sa laptop ko. Syempre, excited ako kasi unang laptop ko 'to. Dapat hindi naman nahuhuli kahit na ordinaryo lang ang laptop ko at XP lang ang OS at Office 2003 lang ang Office ko.
Sige sige naman ako sa pag-download. OK lang kahit matagal, worth it naman - yun ang akala ko. Kasi nung na-download ko na yung supposedly bago kong Windows Media Player, e hiniritan ba naman ako ng verification blah blah at sinabing hindi ko raw magagamit yung Media player ko kasi hindi genuine ang Windows ko. Aba naman, nawindang talaga ako. Anong uri ng computer ang walang media player? Kaya nag-download ako ng Winamp. Buti na lang may alam ang kuya ko sa mga bagay na yan, naibalik niya yung dati kong Windows Media Player.
Kaya lang level 1 pa lang pala yun.
Shetness naman kasi. Excited ako para sa reflection paper ko sa Western History. May required kaming panoorin na pelikula: Monster, starring Christina Ricci (Bless the Child, Sleepy Hollow) at Charlice Theron (Aeon Flux). Natuwa pa man din ako kasi pwede na akong mag-download ng kahit ano dito sa laptop ko dahil sa bittorrent at sa DSL naming 100 Mbps kuno. Harhar...sige, naghanap lang ako ng pwede kong i-download. Wala sa mininova, o mahirap maghanap sa mininova, kaya nag-google search ako. May isang site lang akong pinuntahan, tapos Antivir 2008 ang lumabas sa screen ko imbes na yung site tungkol sa Monster.
Ok. Meron daw mga virus at mga malisyosong programs sa computer ko. Pinagpawisan naman ako nun. Biruin mo na man kasing kay bago-bago nitong laptop ko, maiimpeksyon na agad ng virus. E di nag-scan mag-isa yung Antivir 2008. Inaaamin ko, hindi ako masyadong nagtitiwala sa antivirus kong McAfee...pero sana alam kong mas hindi mapagkakatiwalaan yung mga inaalok ng Windows.
44 FILES NA INFECTED DAW NG TROJAN HORSE. SINO BANG HINDI MAG-PA-PANIC NIYAN?
Eto ang catch. Kailangan ko munang mag-register para makakuha ako ng lisensyang makagamit ng Antivir 2008. Shet. E hindi ko rin naman magagamit yung Antivir na inaalok ng Windows kasi sisitahin na naman nila akong hindi genuine ang Windows ko. What a scheme. Ang nakakatakot dito ay baka sila ang nag-install ng virus sa laptop ko. Baka nga ngayon meron na, pero sabi naman ng McAfee wala (nag-scan ako uli gamit ang McAfee matapos malamang may 44 trojan infected files daw sa laptop ko).
I hate them. Making money out of freaks like me. And I don't even have money!!! They're making me paranoid. No wonder why I'm having doubts whether I should continue downloading files through bittorrent or get things the way I used to get them - which ends up me not getting them at all. I don't know if they're screaming 'wolf' just for fun - well, just for money - or if it's really true that my laptop's infected. Crap.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento