Anong weekend? Walang weekend-weekend.

Hun 27, 2008

Detailed Brainstorming:


+ Para ring ewan ang mga tao, ano? Noong kasagsagan ng pananamantala ng bagyong Frank, lumubog ang barkong MV Princess of the Stars. Marami ang mga namatay, nawawala pa rin, at naghihinagpis. Galit ang mga mag-anak ng mga PiIipinong nadamay sa pangyayari, sinisisi nila ang Sulpicio lines dahil lumarga sila sa dagat kahit na may bagyo. Sa kabilang banda, maraming mga Pilipino ang nagalit, nainis, at nabanas dahil kinansela ang mga flight nila dahil sa bagyo. Kung bumagsak kaya ang mga eroplanong sinakyan nila kung sakaling hindi kinansela ang mga biyahe noon, ano kaya ang gagawin ng mga kamag-anak nila? Shetness indicator needed.

+ Yehey! May kopya na ako ng pelikulang Monster (Charlize Theron at Christina Ricci) c/o my tito. Ang bagal kasi ng bittorrent ko, kaya sa office nila ako nagpa-download. Sana magawa ko na maski first draft lang ng paper ko sa Western History tungkol sa pelikulang 'to.

+ Masaya yung pangalawang quiz namin sa FA101 Intro to Aesthetics. Just decide whether the picture shown is an art or not. Hindi madali dahil nagtatalo ang konsepto mo ng kung ano ang art at yung art na batay lang sa depinisyon na dapat may formal elements ito tulad ng lines, color, texture, etc.

+ Kahit papaano matutupad yung dati kong pangarap na mag-aral ng Fine Arts sa UP. Kahit papaano lang, kasi sa susunod na linggo may bibisita sa aming Fine Arts teacher galing sa UP para sa FA 101. Wow naman! Excited na nga ako e. Bago naman ako nagdesisyong tahakin ang pagsusulat ay Fine Arts sa UP ang course na talagang pangarap ko. Pero mahal ko na ang CW!!!

+ Bowen Best, di kita malilimutan. Pati na rin yung sinulat mong short story na pinamagatang Who Inspired Me?.

+ Emmanuel Lacaba, henyo ka. Pero ayoko kitang maging kaklase, sobrang talino mo, at ang galing-galing mong magsulat. Kung buhay ka pa rin ngayon, marahil ay guro ka rin sa Ateneo, o di kaya ay sa UP. O sumusulat ka pa rin para sa bayan.

+ Arthur Rimbaud, sa pagkakaalala ko, lalaki rin yung pinakamatagal mong nakarelasyon. At hindi lang yun, may asawa pa siya.

+ Kasama ng buhay kolehiyo ang orgs. Umaasa akong makakapasa ako sa mga panayam sa akin ng dalawang samahan/org ngayong darating na linggo.

+ Gusto ko rin sanang sumali sa CAPES, kaya lang baka hindi kayanin ng oras ko. Bukod sa org activities kasi, kailangan ko pa ring magtrabaho sa OAA at maglaan din ng oras para sa pahinga ko.

+ Gusto ko rin sanang sumali sa Toujin, pero di ko na yata kaya yun. Hindi naman ako ganun ka-otaku. O kaya sa FAS/ Freelance Art Society, kaya lang gusto ko sanang magpokus sa pagsusulat ngayon.

+ Yung litsoc/literary society ok sana, kaya lang puro English works lang yata ang saklaw nila. At ang oras. Kung nabibili man ang oras, kukulangin pa rin ako nito.

+ Nagkaroon ng send-off mass kanina sa Church of Gesu. Ayos yung mga bells na tumutunog kanina noong palabas na kami ng simbahan, nakakaaliw. Kaya lang sabi ng isa kong kaibigan - na bigla na lang nawala pagkatapos naming ihulog yung attendance slip namin sa dropbox - nakakatakot daw yun lalo na kapag gabi tumunog at nag-iisa ka lang na naglalakad. Oo nga naman, spooky. Pang-horror movie ang effect.

+ Magtratrabaho ako sa Comelec sa darating na Sanggu election para makadagdag sa service hours ko - at syempre kasama na doon yung pagsisilbi. Kabilang ako sa day group. Sana sapat na yun para mapunan ang mga oras na kailangan kong magtrabaho.

+ Transcendence: Nose-bleed. Rahnan. Zoren and Kier Legazpi. Lost. Mystery. Questions. Unanswered. Human Person. Infinte Knowledge. Infinite Love. Infinite Life. The Island. The Vast Ocean. The Horizon. Where is God?

+ Theo group project. Naha-hassle na ang utak ko kakaisip kahit na hindi kailangang lubusin ang pag-iisip. Naprapraning lang talaga ako.

+ "Grow up, Ace!" - regarding my immaturity in sex education.

+ Argh. Wala na kaming weekend. Wala na akong weekend.

+ Aristotle. Ang pinakasikat na estudyante. Nabanggit na yata sa lahat ng klase ko ang terminong MIMESIS - maliban na lang sa PE132 Tai Chi.

+ "Betch..."

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger