Binago ko ang layout nitong Blogspot ko dahil nalaman kong puwede pala. Oo, ganun kababaw. Buti na lang may alam ako kahit papaano sa html. Pero hindi ganun kadali ang maghanap ng layout na swak sa gusto ko. Maraming magaganda, kakaiba, at astig na layout ang nakita ko sa web, pero iilan lang ang nagustuhan ko.
Wala na ang can't think of a name, pinalitan ko na ng pangalan. Ang pangit naman kasi nang habambuhay (o hanggat nagbla-blog pa ako) ay stagnant ang takbo ng pag-iisip ko. Can't think of a name. Ilang buwan ko nang hawak 'tong blog tapos hindi pa rin ako makapag-isip ng pangalan? Pangit, di ba? At ang dating ay bobo ako, kasi parang pangalan lang ng blog ko, hindi ko pa mapag-isipan. Pero wala talaga akong balak palitan ang pangalan ng blog ko. Nangyari lang ang nangyari. Napalitan ang layout, hindi bagay ang pangalan sa layout, kaya may dapat palitan.
Going past the dead end.
Dead End sana, para bagay sa picture ng layout, kaya lang parang sinasabi ko ring nasa dead end ako. Hindi 'no. Pero dahil sa mga sinabi ng isang kaibigan sa akin sa pamamagitan ng YM medyo matagal na panahon na ang nakalilipas, lumabas sa aking isipan ang titulong going past the dead end.
Sabi niya, ako raw yung tipo ng tao na lumalabas ang potensyal dahil nilalagpasan ko ang mga limitasyon ko. So...ayun...going past the dead end. Lagpasan ang hindi kayang lagpasan.
Wala naman talagang pangangailangang ipaliwanag ko ang lahat ng ito e, sharing lang - in case you want to know. =)
Sana magkalaman yung chatbox ko...
Yay!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento