Medyo masama ang loob ko ngayon. Una ay dahil sinabi na agad sa radyo kung sino ang nanalo sa American Idol. Spoiler talaga...Pero masaya ako kasi si Cook ang nanalo. Haha! Siya na talaga ang bet ko, simula pa lang nung kinanta niya yung Hello. Ang galing ko talaga...=) Hay, ito ang napapala ng isang taong sa QTV lang umaasa sa panonood ng Idol. FU, radio DJ. Sana hindi na lang ako nakinig sa radyo para may thrill.
Pangalawa ay dahil ako lang, LANG, ang hindi sumama sa overnight swimming para sa birthday ng isa kong high school classmate. Nakakasama ng loob, pucha. Swimming kasi, e delikado raw sabi ni mommy. Tapos overnight pa. Sabi ni mommy, kahit na pumayag pa ang daddy ko hindi pa rin ako puwedeng sumama. Kumpleto ang Rizal, ako lang ang kulang. Pakiramdam ko tuloy outsider ako. Huhuhu, napapamura ako sa isip ko sa sobrang sama ng loob. Baka isipin nila ayokong makisama. Baka isipin nila na nagmamalaki ako. Nakakainis!
Sabi ni Maripi, may mga susunod pa naman, mga 20 years from now. Oo, sure na yun. Pucha, 20 years from now...haha. Baka naman asawa ko ang magsabi sa akin na delikado ang swimming at hindi komportable ang overnight na may kasamang mga lalaki. (Sa mga ganitong pagkakataon, iniisip kong mas maigi pang hindi ako babae.)
Pangatlo ay dahil may nang-isnab sa akin sa ym. Available naman yung status niya, kaya ayun kinamusta ko naman. Biruin mo ba namang hindi man lang mag-reply? Sana nag-invisible na lang siya...Letse. Kung likas na masama lang ako, e minura ko na siya. Sasabihin ko sa kaniya, "Kung ayaw mong makipag-chat, wag kang mag-ol!!! FU!!! LOLz!!!" Nakakainis...
Pang-apat...
Grrr!!!!
Kapag hindi ako nakapagpigil buburahin ko na lahat ng accounts ko sa internet, lalong-lalo na sa Friendster at Multiply. Lulunurin ko yung sim card ko sa asido para hindi ko na magamit nang makapag-iba na ako ng cp number, kahit na Smart uli ang network ko. Mura na naman ang mga sim card ngayon.
Pero hindi. Hindi pa naman ganun kalaki ang galit na namumuo sa aking kalooban ngayon para hayaan kong mawala na nang tuluyan ang aking katinuan.
Hay, ang hirap ng konti lang ang mga kaibigan, tapos malayo pa sila sa yo. Ang hirap ng wala kang mapagsabihan ng mga sama ng loob mo. Ang hirap...Marami nga akong friends sa Friendster, pero mga kaibigan ko nga ba silang lahat? Yung mga contacts ko sa Multiply, may pakialam kaya sila sa akin, kung nalulungkot ako, kung kamusta na ang buhay ko, kung masaya ba ako...Yung mga kaibigan ko kaya dati, kaibigan ko pa rin kaya sila hanggang ngayon?
Minsan kasi parang ako lang ang nag-iisip na kaibigan ko ang isang tao, na malapit ako sa kaniya. Yun pala hindi.
Minsan ka-chat ko sila sa YM, pero kapag magkaharapan na kami, ni hindi kami nagngingitian.
Yung taong pinaka-malapit sa akin dati, isa na siya sa mga pinakamalayo sa puso ko. Kahit kaharap ko na siya at kinakausap, parang milya-milya pa rin ang layo ko sa kaniya.
Habambuhay na lang ba akong magiging isang alamid, na magpapaamo sa isang munting prinsipe o prinsesa at iiyak kapag oras na ng paglisan niya?
Ito ang buhay ko. Sa ngayon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento