Grades: Second Sem
Abr 5, 2008 by rachel marra
2 units ang Wushu pero hindi naman counted sa QPI, so ok lang. Pero disappointed ako, kasi inaasahan kong A ako. :(
Intact2 = S
Perfect attendance!
En12 = B+ [3 units]
Buti naman at hindi -C+ ang grade ko dito. Nabawi ang C+ (advisory mark ko sa En12) dahil sa mga activities ko and siguro dahil na rin sa reflection paper ko.
Lit14 = B+ [3 units]
Well, medyo umasa ako ng A dito...pero B+ lang kasi ang final exam ko - na 20% ng grade ko.
Fil12 = B+ [3 units]
Nge, ibig sabihin B lang ako dahil sa one letter grade upgrade ni Sir Egay dahil sa participation ng block namin sa Sagala '08.
Ma11 = B [3 units]
Yehey! Ibig sabihin nakakuha ako ng 160 or more points over 200 sa final exam namin sa Ma11!
ES10 = B+ [3 units]
Yehey din! Kasi exempted na ako sa final exam dito...
ES12 = ? [1 unit]
Umaasa ako ng A dito...kaya lang wala pa yata ang mga grades namin sa aisis sa subject na ito.
second sem QPI: 3.19
Dapat 3.4 ito...dahil wala pa naman yung grade ko sa ES10 at dapat 15 units lang muna ang units taken up ko.
first year QPI: 3.31
Kung sakaling A ako sa ES10, magiging 3.45 ang 1st year QPI ko!
Ok. Good luck na lang sa akin. Sana dumating na bukas ang grade ko sa ES10.
Math Finals
Mar 25, 2008 by rachel marra
Salamat din naman at exempted ako sa ES10. Pangalawang beses ko na itong na-exempt sa Nat Sci final exams. Noong nakaraang sem, hindi ko na kinuha ang final exam ko sa Botany kasi optional na. Dahil dito, may isang sure B+ na ako sa class card. Ayokong magbakasakali na baka makakuha pa ako ng A kung kukunin ko pa yung final exam. Pumipili din naman ako ng tamang tyempo kung kailan ako susugod sa bangin. OK na yung B+, kailangan ko kasi talaga ng mga magagandang grades ngayon e.
Nakuha na nga rin pala namin nina Anna at Dino ang first draft namin sa Fil12. Hay, paano kaya namin i-eedit yun? Sana hindi kami masyadong gabihin mamaya sa pag-revise ng draft namin.
Ang dami naming mali sa paper: yung footnotes [ngayon ko lang narinig yung Turabian, o lumilipad ang isip ko noong nagtuturo si sir], italicized words, mga words na hindi italicized, wrong spelling [nakakahiya! palibhasa Tagalog sa tabi-tabi lang ang alam ko/namin], kawalan ng unity ng arguments, font size [may isang paragraph na na-OP kasi maliit ang font size], indentations [may isang buong paragraph na naka-indent], kawalan ng sources maliban sa common sense, etc...
Nakakuha kami ng C+ sa form at (B+) B sa content. (Binura ni Sir Egay yung B+ e, sayang!)
Muntik ko nang makalimutan, major revision din namin ang pagbabawas ng words. Siguro 2000 or more words ang kailangang tanggalin. Paano ba naman, kasalanan ko daw. Hehe, hindi ko naman akalaing sisipagin din silang gumawa. Di bale na, enjoy enjoy na lang.
FInals Week
Mar 24, 2008 by rachel marra
Huling activity ko na yung meeting ko wth Jer (sige na nga, wala ng kuya), ibibigay na lang daw kasi niya yung certificate ko as participant sa Guitar 101 ng amp, at sasagot daw ako ng evaluation form. Take note: sa MVP Figaro ang meeting namin, first time ko na pupunta doon.
Sana bumalik uli as org ang amp, yun pa man din ang isa sa mga pinakasikat na org dito sa Ateneo, at kahit sa labas ng campus. Marami kasing mga banda ang nanggaling na sa amp, at sumikat sa music industry ng Pinas. Ako? Mananatili lang ako bilang isang masugid na tagahanga.
Naalala ko, wala pa nga pala akong org. Paano naman kasi, wala namang home org ang creative writing. (Unless bumuo kami ng sarili namin.) O subukan ko kaya uling sumali sa Heights?
(flashback: Noong first sem, nag-apply ako under English Department [e sino ba naman kasi ang nagsabing sa English Department ako makipagsapalaran?]. At tulad ng inaasahan, hindi ako pinalad. Traumatizing yun. Simula noon hindi na muli ako lumapit sa office nila sa Gonzaga.)
Wala naman sigurong masama kung susubok uli ako, di ba? Pero ngayon, sigurado akong hindi ako sa English Department mag-a-apply.
It's the heat. the heat, the heat, the heat...
Mar 18, 2008 by rachel marra
So next week pa namin mari-revise ang Fil paper namin [na dapat ay ngayon namin ire-revise].
Kung kahapon ko nalaman na next week pa namin matatanggap ang mga draft namin sa Fil, e di sana nasa bahay ako ngayon at natutulog, at hindi pumapatay ng oras dito sa school sa pamamagitan ng pag-post ng isa na namang irrelevant blog entry.
At dahil mainit ang panahon, magkukuwento muna ako...[ha?]
Kahapon ng tanghali, naghihintay ako sa gilid ng dela Costa na matapos ang lunch break. Habang naghihintay ay nagpumilit akong magsagot ng mga Math problems para na rin review sa Math long test, nang may biglang lumapit na babae.
Mukha siyang foreigner, pero hindi mapagkakailang estudyante. Nanghingi siya ng papel sa akin. Syempre naman, binigyan ko. Ano bang gusto mong gawin ko? Wag kong bigyan? Parang papel lang naman e. Good deed ko na rin yun.
Hindi ko naman akalain na sa simpleng pagbibigay ng papel ay magkakaroon ako ng bagong kakilala sa Ateneo. Paano ba naman, pagkabigay ko sa kaniya ng papel, kinuwento na niya sa akin kung bakit niya kailangan ng papel. Napag-alaman kong En12 din siya tulad ko, at tulad ng karamihan ng mga estudyante ng En12, inirereklamo rin niya ang guro niya na nagbigay ng markang F sa walong estudyante kabilang siya.
Nakakatuwa siyang magkuwento, kasi mukha siyang foreigner tapos daig pa niya iyong mga iba kong nakilala sa Ateneo [na pawang mga purong Pilipino] na magsalita ng Tagalog. Bukod pa rito, ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Ang sa tingin ko, super light brown. Sabi naman ni Miggy, na kaklase pala ng bago kong kakilala, gray daw ang kulay ng mga mata niya.
Akala ko doon na matatapos ang conversation naming dalawa. As usual, hindi ko na naman naalalang itanong ang pangalan niya [tulad ng nangyari sa akin noong Gabay open mic night, nakalimutan kong tanungin ang pangalan nung emcee na siyang tanging kumausap sa akin noong gabing iyon], pero bumalik uli siya para humingi uli ng papel at tinanong niya ang pangalan ko.
Ang awkward talaga ng pakiramdam kapag nakikipagkilala, likas siguro akong mahiyain [kahit na minsan ay tinatamaan ng pagkakapal ng mukha]. At nalaman kong Drea ang pangalan niya. Nagkataon namang kaklase pala siya nina Miggy at Fourth sa En12. Haha, maliit talaga ang mundo.
At may bago na nga akong kilala sa school bukod sa mga blockmates ko! Yay!
March 9 Complaints
by rachel marra
March 9, 2008
11:03 pm
Well, here I am again, trying to do my part in the Ateneo’s ‘cramming varsity’.
Once again, I borrowed my brother’s laptop so that I could finish my hanging papers. Guess what, I have a reflection paper due tomorrow for lab and I have to pass to Kira at least three short stories for our term project in ES10. Also, I plan to pass my take home final exam in lab tomorrow so that I could get some bonus points (I rarely grab chances to get some bonus points, so I’ll try grabbing this one). Lastly, the self-scheduled deadline for our Fil12 outline was tomorrow, but we didn’t finish it this weekend because of certain circumstances - like one of us in the group broke his computer. I don’t have cellphone load so I didn’t have the chance to bug them in finishing the outline. My other group mate…wasn’t online tonight. But they should be…we were supposed to finish it this weekend. Actually, we were supposed to finish it last Friday. But, oh God, a lot of delays are happening right now.
At last, I’m finished with my note takings, yet I am not sure whether my classmate received it in her email - she was the one who volunteered to print our requirements for steps 6 and 7 of our paper. So, I have to print my own notes to be safe and sure.
While I was typing my notes, I realized that my notes alone consist of almost a thousand words excluding the footnotes. Wouldn’t that be too much for a 4000/5000-letter-paper? Just wondering, because if we have a lot of notes in our paper, there’s a big possibility that there may be no more room for our own words/ideas. However, I think it’s still a good thing because from what I learned in En12, one has to take as many notes as he can so that there will be a lot of back-up notes.
Let’s digress, what about the Calamansi plant? Nothing much, really. It’s still alive and green. No aphids or whatsoever. I’ll just have to reflect on it, which is not that hard. I’m just too lazy to do it, or too embarrassed to share my reflections and experiences.
My problem now is my part in our ES group’s term project. Kira’s expecting at least three short stories from each of us by tomorrow, and I haven’t done anything yet – which is quite untrue because I already wrote one short story last year. Here’s the catch – it’s my first ever short story and it’s crappy so I threw it away, never to be remembered or to be read by anybody again (yet desperate measures call for desperate actions, so I might end up passing it anyway).
I already have a new concept for a short story, but I don’t know how to start. I suck at writing fiction; when I lie, it’s too obvious.
As I was thinking if I should start finishing my reflection paper on my plant, I remembered that by Wednesday I should be able to make an arc for props in our adaptation of Much Ado About Nothing. And how am I gonna be able to do that along with these other requirements? Surely, there must be a way. I think…
I don’t want this sem to end, although I’m getting tired of these papers and due dates.
Compared to my first sem, the teachers in my second sem are a lot more interesting. Eccentricity comes with brilliance, and the more eccentric they are, the more fascinating they become. I love great teachers, and they inspire me, which makes me think of the possibility of being one of them in the future.
I’m so not in the mood to write those stories because I’m so in touch with reality right now, which is just so not like me. So, what now?
I’m thinking of finishing my reflection paper, and then I’ll go to sleep. I’ll just have to tell Kira that I’ll pass my stories on Tuesday. I hope she doesn’t get mad. Tomorrow, I’ll set a meeting with my Fil group mates to finish the outline so that we could pass it afterwards. And then I’ll finish my final exam in ES12 if I have the time, since it’s really due on Wednesday, it’s just the bonus points that I’m after (which I think I really don’t need).
I hope everything goes well.
Pinagkakaisahan ako ng mundo...
by rachel marra
Kanina, mga lima o sampung minuto na ang nakararaan, may naisulat na akong post. Kaya lang, dahil Internet Explorer ang web browser nitong computer na ito [nasa RSF ako ngayon], nagloko bigla ang computer at nabura ang isinusulat ko.
Tama ba yun? Nagsesentimyento pa man din ako tungkol sa pesteng Math12 na dapat kong i-summer kaya lang hindi namin afford kaya dapat maging Dean's Lister ako ngayong sem at sa unang semester ng aking 2nd year nang sa gayon ay ma-overload ko.
Kahit na may autosave function itong Blogger, ayoko nang ipagpatuloy iyong isinusulat ko kanina. Wala na e, lumipas na iyong mood. Lumipat kasi iyong pagka-irita ko sa computer na nasa harapan ko ngayon at sa katotohanang hindi lahat ng computers dito sa Ateneo ay Mozilla Fireox ang web browser.
Hay, kaya nga inclined ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining [at ngayon ay sa humanidades; masasabi ko ring inclined ako sa politika] ay dahil ayoko ng Math. Buti sana kung ang pinoproblema ko lang sa Math ngayon ay kung paano ako makakukuha ng mataas na marka sa final exam, e hindi e. Pinoproblema ko pa kung paano ko kukunin ang Math12.
Pwedeng mag-summer ako, pero mago-overload ako ng dalawa pang subject para hindi sayang ang oras ko sa school [at ang tuition]. Sana ganoon na lang, para naman hindi rin ako matigang ngayong bakasyon.
[Naaalala ko tuloy kung gaano ka-boring iyong bakasyon ko noong isang taon. Sa sobrang pagka-bore, nakagawa ako ng apat na magkakasunod na blog posts sa Friendster na uber sa pagka-walang kwenta.]
Footnotes and a lot more.
Mar 17, 2008 by rachel marra
###
Hindi gumana ang all-nighter ko noong Sabado ng gabi. Nasimulan ko, nunit hindi ko naman natapos ang part ko sa Fil paper namin. Hindi rin ako nakapag-aral sa Math kahit na nangako ako na gagalingan ko sa long test kasi may 30 points akong kailangang bawiin [10 points para sa hindi ginawang homework at 20 points para sa ibinagsak na quiz]. Kagabi din sana ay mago-all nighter ako, tutal hindi naman ako nag-iisa. Super all-nighter ang kuya ko na naghahapit ng group work para sa MIS project nila. Dahil sa sobrang pangangailangan sa internet connection, ngayon lang ako nakaranas na naubusan kami ng 100 pesos na internet card [dial-up lang kami, pero malapit na kaming magka-DSL!!!] na katumbas ng 20 hours sa loob lamang ng halos dalawang araw. Paano ba naman kasi, ym sa mga groupmates, email itong mga file, attach-attach, search, copy-paste, etc...
Minsan iniiisip ko na sana wala na lang teknolohiya, para walang mga teachers ang aasa na lahat ng estudyante ay may mga computers [malala kung may mga teachers na umaasang may laptop ang lahat ng kaniyang mga estudyante], na anytime ay may internet connection sila, para hindi na matatakot ang mama ko kapag hindi ko kilala ang ka-chat ko [na isang beses pa lang nangyari dahil sa mistaken identity] baka daw kasi manyakis o ano, para mabawasan ang expectations sa buhay.
Sa kabilang banda naman, kung walang teknolohiya, hindi rin ako paloloko sa mga networking sites tulad ng multiply at friendster na nagsisilbing main hobby ko na yata, walang mga blog: hindi dadami ang mga emo, ang pagsusulat ay magiging eksklusibo lamang sa mga manunulat, mahihirapan ang mga taong magmanman sa ibang tao [stalk...], wala itong blog na ito....
Buti na lang may teknolohiya...=)
###
At kamusta naman ang resulta ng pagkakapagod naming tatlo nina Anna at Dino sa huling parte ng semestre para sa Fil12? Ayun, nailimbag na kaninang madaling-araw [2:57 Am yata...]. Lumampas nga kami sa required number of words, pero talagang ganoon e.
To think na dati halos mahimatay kami [exaggerating] nang malaman naming 4000-5000 words ang kailangan naming maisulat, tapos ngayon, almost 7000 words ang nilalaman ng papel namin! [wala pa yata doon ang bibliography at footnotes]
Nakatutuwa...sana kaunti lang ang mga mali namin para hindi na kami mahirapan sa pag-eedit para sa final draft.
###
Noong Biyernes ng gabi lang uli ako nakaranas ng sobrang texting na walang kuwenta. Hindi naman walang kuwenta, pero walang point. Parang kamustahan lang, tanong dito, tanong doon. At noon ko lang uli napraktis ang aking text-typing skill, at paiklian ng salita para magkasya sa iisang text ang mga sasabihin ko. Prng gani2, haha, nakkhiya kcng mgtxt ng gani2 s mga taong ingles ang gngmit s pgtxt. haha.
###
Hindi ko dama ang bakasyon, maliban na lamang sa kalsada [konti na ang mga pasahero], at sa friendster [puro nagbbakasyon na sila!].
###
Pakiramdam ko uubuhin ako at magkaka-tonsilitis uli. Kung kailan mainit na ang panahon.
###
Naisip ko lang, nababawasan kaya ang oras ng buhay ko tuwing hindi ako natutulog sa gabi?
kung pwede lang utuin ang oras...
Mar 15, 2008 by rachel marra
Kaya balak kong mag-all nighter mamayang gabi. Linggo naman bukas kaya okay lang (sana!). At dapat matapos ko na yung part ko sa Fil paper namin, para bukas matapos na yung first draft namin.
Nawawala nga pala USB ko...hindi ko alam kung nasaan. Naiwan ko na naman kasi sa likod ng CPU, sana alam ni kuya kung nasaan.
Nalaman ko nga pala kahapon na opisyal akong mawawalan ng bakasyon ngayong 2008 dahil required akong kumuha ng Math12 sa summer. Sa lahat pa ng subjects, Math pa talaga! Tapos iisang subject lang yun...Ang hassle kasi kung io-overload ko ang Math12 sa 2nd sem ng 2nd year, kasi dapat Dean's Lister ako this sem, at sa 1st sem din ng 2nd year ko. Huhu...mahirap na, baka hindi swertehin. At naku...dagdag gastos pa ang summer classes. Scholarship. Kailangan.
Simulan na ang penitensya.
transport strike at mga wisdom teeth
Mar 11, 2008 by rachel marra
Tito: May pasok ba bukas?
Ace: Huh? Bakit wala po ba?
Tito: May transport strike daw e.
Ace: ANO?!? Hindi pwedeng mawalan ng pasok bukas! May final exam kami sa Wushu! Hindi pwede! May pasok bukas!
Tito: Ok, ok...
Kaninang umaga, mga 8:30...
Kuya: [tok, tok, tok...] Uy, may naghahanap sa 'yo sa telepono...
Ace: Huh? [bangon bigla] AMPUTSA!!! MAY FINAL AKO SA WUSHU!!! [iyak habang humahangos sa banyo]
###
Ang sama ng gising ko. Buti pang hindi na lang siguro ako natulog nang maaga, o dapat hindi na lang talaga ako natulog kagabi. Sa lahat-lahat pa ng araw na dumaan at darating, bakit ngayon pa? Bakit ngayon ito nangyari sa akin? Bakit?
Ang bigat talaga ng kalooban ko ngayon. Una, ay dahil nga sa lahat-lahat ng araw, ngayon ko pa hindi narinig ang alarm ko sa cellphone at hindi ako nakapasok sa klase ko sa Wushu na final exam pa man din namin. Iyak ako nang iyak kanina habang tinetext sina Migs at Pauline, napakasama kasi ng timing e...And considering the fact na maaga akong natulog at pinaghandaan ko pa talaga iyong mga props na dapat sana ay gagamitin namin ng partner ko para sa exam namin.
Pangalawa, ay dahil sa transport strike. Nagdalawang sakay kami ni kuya kanina papuntang Ateneo kasi puno lahat ng mga FX at pati na rin mga jeepney. Mahabang ruta pa iyong dinaanan namin kasi may mga nanghaharang sa mga shortcut. Ayokong-ayoko pa man din noong maraming beses kaming sasakay para pumunta sa isang lugar. Buti na lang sa Marikina ang daan namin at hindi sa Philcoa/Commonwealth - ayokong dumaan doon, sobrang hassle kasi dalawang beses pa kami sasakay.
Pangatlo ay dahil sa mga pesteng wisdom teeth ko. Sobrang sakit ng bagang ko kahapon dahil sa napakasamang timing ng pagtubo ng mga wisdom teeth ko na alam ko namang kaya kong mabuhay kahit na wala akong mga ganoon. Dahil sa palagay ko sobrang lakas ng connection ng nerves ng bagang ko sa mga nerves sa ulo/utak ko, nadamay na rin ang ulo ko. Damang-dama ko ang pagpintig ng mga ugat [ewan ko kung ugat nga ba iyong mga iyon, basta pumipintig] ko sa ulo. Pakiramdam ko lalagnatin ako kahapon, at dahil nabitin ang lagnat ko, malamang sa ibang araw na ako lalagnatin. Shet talaga kasi wala akong na-absorb sa mga tinuro noong ES lecture namin at Ma11, may long test pa man din kami sa ES bukas, at may quiz sa Ma11 sa Friday. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko ngayon. Sana makapag-isip ako nang maayos mamaya sa consultation namin para sa paper namin sa Fil12.
Pang-apat, ay dahil sa term project namin sa ES. Kailangang makapagsulat ako ng tatlong short stories o isang short story at isang long short story. Pinasasabak ako sa fiction nang di-oras [pangarap ko ang magsulat ng fiction, pero hindi ko pa kaya]...tungkol pa sa kapaligiran! Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nakapag-research na ako ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pinili kong concept ng mga stories ko, pero hanggang doon pa lang. At pati nga pala outline ng plot ng mga stories ko, meron na ako, pero hanggang doon pa lang din. Kailangang matapos ko na ang mga stories ko bukas, kasi kailangan din naming i-present ang mga output namin sa Biyernes.
Panglima, ay ang play namin sa Lit. Ito siguro ang pinakaunang play na hindi ko ikinatuwa ang pagiging propsman. Major play na kasi ito, at apat lang kami na propsman. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng arko at ang malala pa rito, paano ko dadalhin sa school iyong arkong gagawin ko? Marami pa akong ibang mga kailangang gawin bukod pa dito sa pag-aayos ng mga background at props ng play namin. Gusto ko rin sanang pagtuunan ng pansin ito, kaya lang nakalimutan ko na yatang mag-isip para sa mga bagay na tulad ng mga props at background setting. Matagal na akong hindi nagiging active sa ganiyan. Huli na siguro iyong Salubong sa school noong 4th year high school pa lang ako, at noon, buong section ang nagtulong-tulong at excused kami sa klase.
Pang-anim, ay dahil sa mga bagay-bagay na mahirap ipaliwanag. Tulad ng pagtitimbang kung patas nga ba ang isang bagay o hindi. Kung kasalanan ba ang hindi marinig ang alarm ng cellphone mo. Wala ka namang ginawang masama para hindi mo marinig ang alarm ng cp mo e. Kung kasalanan din ang hindi paggising sa isang taong hindi narinig ang alarm ng cellphone niya. Kung bakit ang mga taong dapat na nakakaintidi sa iyo ay mga taong hindi nakakaintindi sa iyo. Lahat ng tao problema ang mga iyan...tulad ng transport strike at mga wisdom teeth.
Some people die from stress, ya know...the second time around.
Mar 9, 2008 by rachel marra
Hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa ang part ko sa term project namin para sa ES. Iresponsable mode.
Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang outline namin para sa Fil12.
Hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag-usap ng mga kagrupo ko tungkol sa pagkukumpleto ng kulang-kulang na outline namin. Hindi sila nag-ol sa YM.
Hanggang ngayon...
Hanggang ngayon...
Hanggang ngayon.
Whatta Friday!!!
Mar 1, 2008 by rachel marra
Pagdating sa Ateneo, freecut sa English kaya binasa ko uli si Locke at ang kaniyang kalayaan.
Bago magES, nag-usap kami ni Anna tungkol sa kalayaan, at kung anong gagawin namin sa consultation.
Pagkatapos ng Math, pumunta ako sa de la Costa para makipagkita sa mga kagrupo ko sa Filipino. Halos kalahating oras din kaming nagdiskusyon tungkol sa kalayaan nina Locke, Mill, at Skinner.
Sa consultation. Natural, kalayaan pa rin ang topic, iyon ang konsepto namin para sa Filipino paper.
6:00 ng gabi. MVP Colayco Pavilion. Gabay. Liberasyon. Na naman...
Eto iyon. Iyong sinalihan kong paligsahan. Sa buong buhay ko, tatlong contest pa lang ang nasalihan ko sa pagsusulat. Iyong una, joke joke lang...wala pa akong alam sa pagsusulat noon. Iyong pangalawa, nagbakasakali lang. Hindi ko naman inaasahan na mananalo ako doon. Iyon sigurong pangyayaring iyon ang isa sa mga naging motivation ko sa pagpatol sa posibilidad na may lugar ako sa pagsusulat. At ang pangatlo, itong Lib ng Gabay. Nagbakasakali lang din. Buti na lang nakabingwit ng honorable mention, at na-publish ang inilahok ko sa booklet na Piglas ng Gabay.
Narito ang mga links sa scanned images ng libro: cover at first page.
Kamusta ang Open Mic Night? [shiver] Ayos lang naman. Alamin mo na lang kung anong ibig sabihin ng ayos lang naman ko. Nabulol ng konti. Pangit ang intro. Hindi ako palagay. All in all, ayos lang. At ampucha...nakalimutan kong magpasalamat! Wala na ako sa harapan ng mic nang maalala ko. Ang sama ko talaga.
Bago naman nag-umpisa ang pagbabasa ng mga kalahok, nagtanghal muna sina G. Jethro Tenorio at G. Diccion ng Kagawaran ng Filipino ng mga monologo. Ang galing nilang dalawa, para ka na ring nanood ng play ng Tanghalang Ateneo. (Alam ko na galing sa Entablado si G. Diccion, kaya lang sa mga napanood kong mga play (tatlo pa lang naman), TA ang may magandang performances.)
Habang nandoon ako at naghihintay maubos ang oras, naisip ko na ang hirap palang basahin ang sarili mong katha sa mga taong hindi mo kilala...Hindi lang dahil sa kaba at panginginig, kundi dahil sa posibilidad ng pagyayabang. Kasi naman, pupunta ka sa harapan nila. Ang 'magandang gabi sa inyong lahat' na pambungad ay tila katumbas ng 'maganda ang gabi kaya makinig kayo sa akin dahil may sasabihin ako sa inyo'. Mahirap...
Hindi ko pinatapos ang event. Lumalalim na kasi ang gabi. Ayoko sanang umalis, kaya lang nag-iisa lang naman ako doon kasi hindi naman ako nag-imbita. Sinubukan kong mag-imbita, pero lahat sila may gagawin, iyong iba uuwi. At saka ako lang yata ang walang kakilala sa event, lahat sila taga-Gabay, para lang akong naligaw. Iyong isang emcee ang tanging nakausap ko. Nakangitian ko lang siya, tapos tinanong niya ang pangalan ko. Ang tanga ko nga kasi hindi ko naman tinanong ang pangalan niya. Ang bait pa man din niya. Pagkatapos kong magbasa, binigyan niya ako ng complement. Malaking bagay na iyon para sa akin kasi sa inupuan ko kagabi, ako na lang mag-isa ang nasa row na iyon. Wala nga kasi akong kakilala sa Gabay.
Hinintay ko ang kuya ko sa may de la Costa, doon sa stone bench na nasa gilid ng Rainbow Rings ni Impy Pilapil. Masaya pa rin sa de la Costa kahit na gabi na at malamig at konti ang mga tao. Sa de la Costa, kahit na maraming tao, peaceful pa rin ang ambience, kaya masarap tumambay doon.
At tumakbo nga pala ako sa mga walkway sa Kostka at sa EDSA walkway...wala naman kasing ibang tao, at matagal na rin pala akong hindi tumatakbo. Ang sarap ng pakiramdam, para akong malaya.
Step 6 and 7, here we come!!!
Peb 29, 2008 by rachel marra
Kasalukuyang nasisiyahan dahil sa pag-usad ng kanilang mga gawain bilang grupo sa Fil12.
###
Matapos ang ilang linggong inubos sa paghahanap ng mga viable sources and secondary sources sa library at sa internet, heto kami ngayon at nakausad na sa step 6 at 7!!! Ang saya talaga kahit na pumalya ako sa mga sagot ko, haha...May tanong nga si sir na sinagot ko ng ngiti. Shete talaga, ganoon kasi ako kapag may tanong na hindi ko masagot agad o may tanong na ang dating sa akin ay rhetorical. Tsaka kinakabahan na ako noon e. Sa katunayan nga nanginig ang mga kamay ko, at talagang nanlamig ako.
Pero masaya naman kasi nakausad na kami. Ayos lang kahit na nagkalat kami, buhay pa rin naman kami. Nakakakaba lang naman kasi, lalo na at iba't ibang balita na tungkol sa mga consultations ang mga naririnig namin. Una, isang libro daw sa isang tao. Pangalawa, may mga pinapalabas na group member para ma-solo interrogate yung isang member. Pangatlo, madali lang naman daw. Pang-apat, may mga tanong na para kang binabaril. Ang labo, para lang mga mito o alamat iyong mga narinig kong balita tungkol sa mga consultations na nauna sa amin, kasi hindi mo alam kung totoo, maraming variations, at contradicting na rin. Buti na lang natapos na kami - kahit na muntik na kaming magback-out nang makita namin si sir at marinig iyong mga reactions ng naunang grupo sa amin at kahit na ayaw sana ng isa kong kagrupo kasi may kailangan siyang puntahan by 1:30 pm, at dahil na rin hindi kami gaano handa, at kahit na nag-set ako ng meeting after Math11 sa playground [iyong sa tabi ng de la Costa, iyong may mga nakakatuwang structures/stress relievers by Impy Pilapil; sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na babae pala si Impy Pilapil at hindi pala siya iyong lalaking kamukha ni Einstein na gumagala-gala sa Ateneo] para maglaro kasama nina Miggy, Fourth, Kira, at Jamie.
YES!!! <--- trademark shout ni Arnold Behr Lasic, kaklase ko noong high school. Wala lang, kasi nagkasabay kami kanina sa FX. Haha, buti naman ibang tao naman ang nakasabay ko, lagi na lang kasing si Patrick Jason Jorge e. [at talagang binanggit ang buo nilang mga pangalan!]
###
Status:
Kasalukuyang hindi alam ang gagawin para sa Open Mic Night ng Gabay. Ipagdasal niyo ako...Parang awa niyo na't habag.
Clueless/Walang kamalay-malay
Peb 22, 2008 by rachel marra
Biyernes na naman. Parang Lunes pa lang kahapon. At tila ba wala akong kamalay-malay na dapat ngayon pa lang ay busy na ako. Bakit? Nabanggit ko na ang mga ilang gawain na kailangan ko munang daanan bago pa man ako makaranas ng bakasyon.
Una sa listahan ang Filipino paper ng grupo ko, na 4000-5000 words/60 pages double-spaced, na kailangang tapusin sa loob ng humigit-kumulang tatlong linggo. Nagkita-kita kami kaninang magkakagrupo [tatlo lang naman kami] pagkatapos ng Intact namin. Napagdesisyunan na naming magbasa ng mga librong posibleng maging major sources namin nang makausad na kami. Siguro tatlong linggong naging stagnant ang grupo namin. Buti na lang reflection na lang kami sa English at natapos na ang pesteng argumentative research paper ko - na hihintayin ko na lang kung bibigyan na naman niya ako ng -C+ na grade, ng mas mataas [sana!], o ng mas mababa [wag naman sana...].
Pangalawa ay yung term project namin sa environmental science. Gagawa sana kami ng nobela/koleksiyon ng mga maiikling-kwento ukol sa kapaligiran [the four elements]. Kaya lang hanggang ngayon wala pa kaming nagagawa.
Pangatlo ay ang adaptasyon namin ng Much Ado About Nothing ni William Shakespeare para sa Lit14. Kanina, nagkaroon kami ng maikling pagpupulong para sa presentasyon namin ng nasabing dula. At para bang nakikinikinita ko na kailangan kong mag-aral na maggitara para sa gagawin naming dula. Wow. Sabi nga ni Jamie, "first musical debut" ko iyon. Sa bagay, may tatlong linggo pa ako para matuto. Teka, tatlong linggo? E mayroon din akong tatlong linggo para sa FIl12, at term project sa ES, at marami pang iba.
Pang-apat ay ang Wushu finals.
Happy-happy muna. Kaninang Intact kumanta sina Pin at Fourth. Nagbasa ng tula sa Chris tungkol sa block E. Siguro unang beses iyon na nabanggit ako sa isang tula bilang ako, at hindi bilang kabilang ng isang kolektib.
"...I gonna love Ace, for having three letters for a name..."
Hahaha...galing. Sobra.
###
Eto: Tell me your dreams.
Iyan: I dream of you, of stars that shine, of waves that crash, I dream of you...
Maagang pagplalano ng bakasyon
Peb 20, 2008 by rachel marra
Una ay yung creative writing activity na binigay sa akin ni Noh. Ang tagal na kasi sa akin no'n, hindi ko pa natatapos, o nasisimulan nang matino.
Pangalawa ay mga blog entry na may 'sense'.
Pangatlo ay magbasa ng mga libro at nobela na matagal nang nakapila sa ibabaw ng cabinet ko.
Pang-apat ay manood ng mga anime dvds.
...
Iyan pa lang, pero marami na iyan.
At bago ko pa nga pala maisasakatuparan ang mga nabanggit na gawain, kailangan munang lampasan ang term project sa Environmental Science, final exam sa Math11, play ng Much Ado About Nothing para sa Lit14, final exam sa Lit14, reflection paper para sa English12, group presentation para sa Wushu, final exam sa Wushu, 60-page/4000-5000 words na paper para sa Fil12 in more or less 3 weeks!!!!
Whew...si William Shakespeare ang dapat sisihin sa lahat. I dare do all that may become a man, who dares do more is none!!! I hate you, Shakespeare!!!
:p
I'm gonna get an effing F !!!
Peb 19, 2008 by rachel marra
I didn't have time to study during the weekend because I crammed on my Argumentative paper - which took enormous number of hours from my supposedly sleeping time. What else? We went to Cavite to visit my newborn cousin, Kent Eizen.
One thing that I learned from the weekends that I have spent in Cavite: I never finish any school work there (Sometimes, I don't even get the opportunity to start anything!).
[sigh]
"If you're looking for the guilty, you need only look into a mirror" - V (V for Vendetta)
Fine, fine...Even if I blame the whole world for me getting an F in Math, it'll still end up on me anyway because I was the one who took the exam, and because I was the one responsible for that exam.
There's a scarcity of seriousness in my life right now (Don't I seem serious enough?).
Focus man, focus...
And I guess I should bear with my panda eyes and more sleepless nights ahead, since finals are getting nearer, and nearer, and nearer...
and nearer...
and nearer.
I would love to have a laptop. Gimme gimme!
Peb 18, 2008 by rachel marra
>.< <--- two nights without sleep, feels so high, hates her attire right now, misses wearing slippers to school, has long tests in Environmental Science laboratory and Math11, still hasn't reviewed anything, needs a bantam copy of William Shakespeare's Much Ado About Nothing, is starting to hate William Shakespeare, loves being so random, is hungry, is hopeless...
alas-trese
Peb 7, 2008 by rachel marra
Nakakatakot iyong mouse sa computer na 'to. Paano ba naman, gumagalaw mag-isa iyong mouse pointer, nanginginig pa. Parang si Sadako. Pakiramdam ko din possessed iyong mouse kasi ang hirap kontrolin.
###
Pinanood namin sa English 12 iyong pelikulang "Malena." Maganda naman ang istorya, kaya lang may mga pang-adult na nilalaman. Pero siyempre, kailangan open-minded na ako sa mga ganiyang bagay. Buti na lang babae ako, kasi sa tingin ko mas mature ang paningin ng mga babae sa mga bagay ukol sa sex, o mas seryoso. Hindi ko lang alam, pero iyon kasi ang pananaw ko, kahit na minsan hindi ko pa ring maiwasan na hindi tumawa o mandiri.
Tulad na lang noong isang klase namin sa Environmental Science at pinag-aaralan namin ang pagkontrol sa paglago ng populasyon. Bilang sex education na rin sa amin, isinama sa lecture namin ang mga iba't-ibang paraan ng birth control methods. Pinag-aralan ko na iyan noong fourth year, iyon nga lang, kinabisado ko lang iyong mga methods at percentage ng effectivity nila. Sa pagtuturo sa amin ng guro namin, hindi maiiwasan ang pag-iisip ng marumi o malaswa - tao lang din naman ako, tulad ninyo. OK na sana, maayos naman at interesante ang lecture na medyo inspired ng theology education ng teacher namin, nang biglang nagtawanan ng malakas iyong ibang mga lalake. Tiningnan ko iyong powerpoint presentation. Ang sa isip ko: "Ah, diagram/picture ng parts ng male organ. Bakit pa kaya sila natatawa e araw-araw naman nilang nakikita iyon?" Tiningnan ko uli ng maigi iyong powerpoint presentation. At...
Vasectomy na ang pinag-aaralan namin noong panahong iyon. Sa screen, may pinakitang picture ng body part na inooperahan. Iyon na nga...
Aminado ako at hindi nagkunwari, na gulat na gulat ako. Hindi pa kasi ako handa...
Pero sige, for the sake of Science na lang...pero hindi na kinakailangang tingnan iyon.
Hindi lang naman tungkol sa sex ang mga bagay na natutuhan ko nang tanggapin kasi nariyan lang naman talaga iyan sa tabi-tabi. Pati na rin tungkol sa homosexuality, at lalong-lalo na sa bisexuality.
Open-mindedness. Lagi kong naririnig at nakikita itong salitang ito sa mga characteristics ng isang good researcher o scientist.
Masasabi kong open-minded ako noong pinanood ko ang "Malena" [ang direktor nito ay ang direktor din ng "Cinema Paradiso" at "The Legend of 1900"] At pati na rin ang "Death of Memory" ni Glen Mas.
Pero hindi pa sapat iyon.
###
Alas-trese. Bigla lang akong nagtaka kung bakit walang oras na alas-trese. Ang pangit siguro no'n, ano? Thirteen O'Clock.
Now Playing.....
Peb 5, 2008 by rachel marra
Good luck na lang siguro sa kaniya at sa bagong bokalista ng Rivermaya na si Jason.
Good luck din sa akin sa pagsagot ng math homework ko.
Good luck din sa patuloy kong pakikipagkaibigan kina John Locke at Immanuel Kant.
Good luck din sa paghihintay ko sa isang email.
Good luck din sa isa ko na namang pagbabakasakali.
Good luck din sa block E para sa Sagala '08.
Good luck kay Jose de Venecia.
Naalala ko tuloy iyong balita na napanood ko sa TV Patrol. Ang sabi daw ay mamalasin ng todo-todo ang mga ipinanganak sa year of the horse ngayong year of the rat. E, paano ba yan? Year of the horse ako, pati na rin mommy ko, at karamihan ng mga kaklase ko at kapwa freshmen...Tatanggap daw kami ng walong klaseng hagupit ng kamalasan, at makokontra lang iyon kapag bumili kami ng lucky charm...
Three words: I DON'T CARE.
Mas naniniwala ako sa Chinese planner na nabasa ko sa National Bookstore na hindi ko binili. At siyempre diskarte ko na yan, at ng kalibre kwarenta'y singko kong balat sa kaliwa kong kamay.
Good luck uli kay Jose de Venecia.
Now playing: ...'wag na init ulo, baby. Dinggin mo please payong ito. Inom tubig, nood ng t.v. Gaan bigla problema mo...
Paglaruan ang blog...
Peb 4, 2008 by rachel marra
###
Sa ngayon, kinakaibigan ko sina Immanuel Kant, John Locke, Karl Marx, at Machiavelli. Kaya lang ilag pa sila sa akin. Ayaw nilang ipaintindi sa akin ang mga pilosoppiya nila. Kailangan ko ang tulong ni Sophie Amundsen ng Sophie's World...
###
May pasok na naman bukas, Wushu lang naman at meeting ng block para sa Sagala '08 na sa Biyernes na gaganapin. Atsaka maghahanap pa ako ng ibang mga pilosopo o mga manunulat na puwedeng kaibiganin sa library. At may nakabitin pa nga pala akong math homework...
###
May hinihintay akong email, kaya lang malabo na yatang dumating iyon. 'Eto na naman akong nagbabakasakali. Ang buhay ko ay puno ng pagbabakasakali.
###
Pinag-iisipan ko pa kung tuluyan ko ng bibitawan ang friendster blog ko, para ito na lang 'can't think of a name' ang pagkakaabalahan ko. Priorities, man, priorities. [at kailan pa naging priority ang blog? matanong ko lang...]
###
Sa ngayon, mas naeengganyo akong mag-type, kaysa magsulat. Alam mo na, yung pagsusulat sa papel gamit ang kahit na anong panulat. Minsan, hindi kaya ng kamay ko ang pagdagsa ng mga salita...kahit na walang katuturan.
Isang Pangako
Peb 3, 2008 by rachel marra
Breathing Poetry and Drinking Songs
“One Night Only: A night of poetry, spectacle, and songs” was the first poetry reading that I ever witnessed. Of course this night was very different from the poetry readings done in my Lit14 class and Fil12 class (In Lit14, we read poems because it is required not because we like to, although sometimes I also like it. In Fil12, our teacher reads some Filipino poems for us as part of the prayer/introduction for the class.) Located at the MVP roof deck, a very natural, airy, and carefree atmosphere was created. Away from the usual background of college life, teachers, poets, and students were able to see things in a different angle, to see beauty in the form of words and rhythm, and to experience beauty in an elevated consciousness.
Managed by the English Department, the program showcased the talents of some of the members of the faculty. Even before the program started, I have already eyed some of the teachers whose faces were familiar because of Glenn Mas’ Death of Memory, which I have watched last year and I was unaware back then that there were members of the English Department in the cast. When Leo Locsin led the prayer with a wonderful song number with some people from the Glee Club, I thought, “What else do these teachers keep from us?” I mean, it’s nice to know that your teachers can do more than teaching, that they also have a life besides preparing for their lectures and computing for your grades.
When the poetry reading started, I could really feel the waves of seemingly infinite images splash against me. Really, there is a difference between reading a poem and listening to someone read it. When I read a poem, of course I read it from my own point of view. Unconsciously, I give it a new meaning based on how my mind interprets the words. I’m just too busy understanding it, unraveling its message, story or theme. I always find myself scrambling for definitions of unfamiliar words (in my case, I’ve already encountered a lot of unfamiliar words). I always forget something that is more important, though I really don’t know what THAT is. I think it’s the essence, or more like the soul of the poem. When I listen to someone read a poem, I hear more, I feel more, and I see more. I feel its soul. There’s nothing more significant than listening, then everything’s just going to follow. It seemed like going under hypnosis and I was forced to swim with the images that the reader kept on flowing through his/her voice.
Of all the poetry readings done, I would never forget Mr. Migoy Lizada and Miss Anina Abola’s poetry readings for making my heart throb with overwhelming emotions. Mr. Migoy Lizada’s “The Morning After” was a very good poem. He warned beforehand that the author is different from the persona, a general knowledge in poetry though it takes time to fully master its context. Personally, I think that his poem is in its best when being read, taking particular stress on the same lines being repeated all throughout the poem – which bear different meanings when interchanged with the other lines. While Miss Anina Abola’s sad poem and letter made me teary-eyed. Again, I have proved how sensitive I can be towards other people’s pains, wounds, and memories.
More poems were read and students from Korea, Japan, and Cambodia even shared a piece of their culture. As the Cambodian student read his poem by chanting/singing it, I realized that our very own “Pasyon” is not, after all, exceptional. As of how I understood the student, Cambodian poems are really interesting because you can read/sing/chant it along with any rhythm that you want, just like our “Pasyon.”
As a final presentation, a Lit class performed an abridged version of Grease. I could almost see Zac Efron of High School Musical in the lead actor, while I bet that the lead actress is even better than Vanessa Hudgens, also from HSM. This mini-play reminded me of my experience in producing an abridged version of Miss Saigon with my classmates back in high school. I didn’t play any of the major roles, but I did most of my part backstage. Putting up a play is a tedious activity, thus the power of teamwork and group effort becomes its heart.
As the Grease presentation ended, the time to end the one and only night of poetry, spectacle, and songs came. I never regret staying until the last minute - which was spent stacking monoblock chairs - for that was one of my most fascinating night. Hopefully, I am looking forward for another “one and only night.”
