Haha!
Heights Double Issue!!!
Set 15, 2008 by rachel marra
Heights: Kuwentong Pambata issue, Call for Contributions!
Set 8, 2008 by rachel marra
The children story that would be chosen will be turned into a picture book by Heights and will be distributed to some Ateneo socially-oriented organizations such as Kythe, ACIL, AtSCA, ACLC, MUSMOS, Tugon & Gabay, to be used in their respective areas!
All stories submitted will be considered as contributions to Heights! (Stories which are not selected to be turned into a picture book might be published still in the Heights folio if it passes through deliberations!)
+++
Kung may tanong at paglilinaw, mag-comment lang! =D
Get published! Heights wants YOUR short stories, poems, essays, artworks, ang photographs!
by rachel marra
HEIGHTS
Call For Contributions
WANTED: Short Stories, Poems, Artworks, Photographs
Art Gallery Theme: GRIM TALES
Deadline of Submissions: September 30, 2008
Submit your works at the Heights Room
located at the Publications Office MVP 201-202
Contributions may also be sent through email:
art.heights @ gmail.comDownload a contribution form here:
http://www.heights- ateneo.org/
+++
Para sa mga magpapadala gamit ang email, isama na ang inyong pangalan at contact details. Salamat!
Para sa mga Atenistang interesado. =)
Hul 23, 2008 by rachel marra
HEIGHTS
Call For Contributions
WANTED : Short Stories, Poems, Artworks
Art Gallery Theme : NOSTALGIA
Deadline for the 1st batch : August 15,2008
Submit your works at the Heights Room
located at the Publications Office G206
Download a contribution form here :
http://www.heights- ateneo.org/
Contributions may also be
sent through e-mail :-)
O pwedeng ibigay niyo sa akin tapos ako na ang magpapasa. Salamat!
Ito pala ang buhay Org
Hul 16, 2008 by rachel marra
AMP
Akala ko hindi ako papasa sa AMP bilang parte ng docs and pubs. Wala kasi akong alam sa mga music blogs, at medyo sabog ang pagsusulat ko pagdating sa mga reviews. Pero opisyal na nga akong manunulat ng AMP. Bukas nga ay may interview akong gagawin. Makakapanayam ko ang bandang Tonight We Sleep. First time 'to.
Bukod sa interview bukas, may mga event na hindi pwedeng hindi ako pupunta. Syempre, para makapagsulat ako tungkol sa event, dapat nandun ako. Duh. Obvious ba?
All in all, busy.
COMELEC
Day group lang naman ako. Aaminin ko, kaya ako sumali dito ay para sa service hours ko. Pero masaya rin naman, kasi makakakilala ako ng ibang mga tao. Nakakawala ng sobrang hiya, totoo yan. Lalo na nung nag-room to room announcement ako. Limang klase rin yun ng mga freshmen, at limang mga guro - dalawa ang kilala ko. Nagulat din ako sa tatas ng Ingles ko nun. Haha, scripted naman kasi. Hindi nga pala kasama sa service hours ko yung room to room announcement ko. Hindi ko pa matantiya kung gaano ka-busy ang sked ko sa Comelec.
HEIGHTS
Unang meeting ng bagwisang Filipino kanina. Doon, nakilala ko nang personal si Wyatt Ong, kasapi ng Heights sa English department. Starstrucked naman ako, may nabasa na kasi akong gawa niya. Tinanong niya ako, "Are you single?" Sabi ko, "Yes" - sabay ng isang matipid na ngiti. Tapos inangat niya ang isa niyang kamay para umapir sa akin, "Now's a great time to be single!"
Bilang isang aspirant, kailangang patunayan ko na karapatdapat akong maging miyembro sa pamamagitan ng pagpapatalas ng aking kakayahan sa pagaanalisa ng mga akda, partikular na sa paggamit ng pormalistikong pananaw. Bukod pa roon, kailangang maging active ako.
Super Mega Busy to the highest maximum level.
+++
Tinanong ako ni Brandz kung anong genre ko sa pagsusulat. Fiction ang isinagot ko, yun kasi ang pinili kong aralin sa susunod na semestre. Bale, yun yung una sa dalawang genre na bibigyan ko ng pokus. E bakit naman daw mga tula ang ipinasa ko?
Tinanong din ako ni Walther kung anong specialization ko sa pagsusulat. Dahil totoo naman na hindi ako sigurado, sabi ko sa kanya "di ako sure." Taglish pa. Nakakahiya.
Isang member, si Kat. CW din siya pero third year. Palagay ko naging prof din niya si Sir Brion.
Hectic and Confused
Hul 8, 2008 by rachel marra
- Second fucked-up test sa FA105, intro to lit and creative writing. Question: According to Klarer, what are the three types of point of view? At para sa aking hindi nagbasa, ang sagot ko ay 1st, 2nd, at 3rd point of view. Tae, iba pala. Damn you, Klarer!
- First fucked-up quiz sa Fil14. Ang dami kong blangko!!! Puro ba naman pangalan ng mga tauhan/mga bagay basta may pangalan sa Labaw Donggon. Buti na lang alam ko ang sagot sa dalawang bonus questions. 2 sure points!!!
- Napagod kakatawa dahil sa mga mababahong pangalan na makikita sa epikong Labaw Donggon.
- Sumakit ang puson ko kakatawa.
- Dapat talaga meron na ako ngayon e, kaya lang wala pa.
- The grasshopper and the Bell Cricket ni Yasunari Kawabata. Nakakalusaw ng puso.
- "Probably you will find a girl like a grasshopper whom you think is a bell cricket."
- Sana may isang lalaki na makikita ako bilang isang bell cricket at sana hindi siya magkamali.
- mga alaala sa puno ng aratiles
- nag-iisip ako kung tama bang fiction ang magiging specialization ko. baka dapat non-fiction.
- inaantok na ako
- amoy sigarilyo sa loob ng bahay
- nakasabay ko si Jorge sa paghihintay ng FX at pati sa biyahe.
- sabi ni Fourth, dumb daw yung philosophy ni Mike tungkol sa aso-lalaki analogy. ("that's the dumbest thing i ever heard.")
- our dog has poop on its butt and is sitting all over the place.
- guidance testing bukas.
- kailangang tapusin ang mga Faberge eggs at pati ang spiel.
- Full sked bukas dahil sa exhibit sa aesthetics
- reporting bukas sa tai chi
- exam sa tai chi
- bring the Bible for theo
- magsisi dahil hindi nagbabasa ng readings
- binasa nina Miggy at Fourth yung freewriting ko sa likod ng notebook ko, which was embarrassing.
- Gah. Disappointing literary works of my own.
Lame
Hul 7, 2008 by rachel marra
Pagdating ko sa school, marami akong naabutan na naka-blue t-shirt. Nahiya naman tuloy ako. Akala ko naman kasi tribute para sa pagkapanalo ng Ateneo basketball team sa laban kahapon (at hindi lang basta laban, versus La Salle!), nagpasalamat na lang ako kanina na hindi ako nag-green t-shirt. Yun naman pala may pictorial ek ek ang mga taga-Management. Inggit naman kaming Humanities. Joke.
Nakita ko si Sean. Hehe, actually siya ang nakakita sa akin. Para kasi akong lumulutang kanina sa dagat ng mga Atenistang naka-blue shirt, kaya hindi ko napansin na nandun pala siya. Buti naman at hindi niya ako katulad na mahiyain, at tinawag niya ako. Natuwa naman ako. Syempre, ilang tao lang ba na kilala ako dito sa Ateneo ang magtiyatiyagang tawagin ako para lang mag-hello? Tsaka matagal na kaming di nagkita e, noong June pa yata yun.
Nag-meeting naman ang ilang mga estudyante ng Aesthetics sa Macci (Mateo Ricci, duh?) para sa exhibit na gaganapin ngayong linggo. Dapat class meeting ito e, ang nangyari ay group representatives' meeting lang.
Medyo lame agn meeting, usual stuff na pwede na lang sanang sabihin sa yahoogroups o YM. Fine, mas maganda pa rin kung personal. Pero para rin naman akong YM ID na naka-invisible kanina. Hindi pumunta yung mga kaibigan ko. Hindi ko close yung mga nandun. Hello, kung close ako sa kanila e di sana di ako magtra-transform into an invisible YM ID.
Umalis na ako nung hindi ko na ma-take ang setting. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ng nao-OP di ba? At tutal, mas matagal pa ang oras na sinayang namin sa paghihintay ng mga tao kaysa dun sa mismong meeting.
Pumunta ako sa LS Bookstore para kunin ang sweldo ko. First timer ako, syempre bano pa ako sa kalakaran ng pagkuha ng sweldo at sa pagkuha ng pirma para sa service hours. Hay, nakakahiya naman ako. Magmumukha ka ngang tanga kung hindi ka magtatanong sa ibang tao kung wala ka talagang alam, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na magmumukhang tanga kung magtatanong ka sa iba.
Disappointed naman ako sa sweldo ko: 160 pesos. Nangangailangan pa man din ako ng pera para sa pagbili ng mga materyales na gagamitin ko sana sa paggawa ng mga Faberge eggs imitation para sa exhibit namin sa Aesthetics. Di bale, next sem, sa first batch ng orientation ako pupunta para hindi ako maubusan ng magandang schedule.
At eto, nanlulumo pa rin ako kasi wala nang pag-asa na mahahanap ko pa ang aking minamahal na USB. Wala raw. Pati yung guard, sabi wala raw. Peste kang estudyante ka na nakakuha ng USB ko. May araw ka rin.
At dahil wala akong USB, ginagamit ko ang yahoo! mail ko sa pagdadala ng files dito sa school. Pumapasok din sa aking isip na dalhin ang laptop ko, pero hindi pa naman ako ganun ka-desperada. Hassle din kaya kasi nagko-commute ako. Malaki ang laptop ko pero magaan. Magaan nga, pero malaki naman. Hassle, di ba?
Pagkatapos nito, pupunta ako sa OAA para kumuha ng pirma. Kaya lang lunch break yata nila ngayon. O di kaya ay tatmbay sa Caf. Teka, may balita akong narinig na bawal nang tumambay sa caf. Tapos kailangan mo nang magdala ng sarili mong kubyertos. WTH. Saving the earth can be a nuisance.
PIGLAS
Mar 2, 2008 by rachel marra
Aaminin ko, naging self-centered ako sa mga recent posts ko. Lagi na lang ako, ako, ako, at ako (kahit na iba-ibang ako naman ang tinutukoy ko).
Kaya ngayon, bilang pambawi sa aking pagiging self-centered, ito namang librong ito ang paggugugulan ko ng panahon: PIGLAS.
Mukha siyang "Ang Paboritong Libro ni Hudas" ni Bob Ong sa unang tingin o likuran ng Death Note (sana!!!), pero iyan talaga ang cover ng Piglas.
Tula
- Bandila ng Ating Pag-iinarte (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Jan Brandon Dollente
- Deyt sa Geytway - Gershom Chua
- Jackstones - Edgor Cole J. Tolledo
- Maraming Namamatay sa Maling Akala - Janine Motos
- Iadya Mo Kami sa Pagkatalo't Pagkahiya (Pasintabi sa mga Natamaan) - Keith R. Buenaventura
- Pagpapatunay sa Sarili - Alan Ortiz
- Tsuper - Jason Tabinas
- Nasaan ang Bayan ko sa Taong Milenyo - Joseph Rasco
- Lakad - Mary Herbel B. Santiago
- Panawagan sa Pagtugon (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Ma. Laurice P. Jamero
- The Other Side of the Glass - Hernando Gabriel Panique Betita III
- Lalaki (nagwagi ng Unang Gantimpala) - Marian Aniban
- Atenistas: Men and Women for Others - Marian Aniban
- Ang mga Anawin (Honorable Mention) - Rachel V. Marra
- More Than Just Marching On (Honorable Mention) - Karla Eunice T. Mesina
- Sanaysay-Argumento ukol sa Overseas Working - Rita Ritz S. Cristobal
- Laban ng Lahat - Kristine Haizell S. Anore
- Lansangan, Lantaran, Linlangan (maikling kwento)- Mark Angelo E. Guab
- Nakakahalina sa Sala (maikling kwento)- Lean Sze
- Ideyalismo - A play in one-act by COA
Ayan...bumabalik na naman ang aking pagiging self-centered.

