pilas

Peb 2, 2009

Tapos ko nang basahin ang Walong Diwata ng Pagkahulog ni Sir Egay at pucha mahigit isang-daang beses siguro akong napamura habang nagbabasa at matapos magbasa. Ang galing, shet. Parang ganito yung writing exercise namin nung fiction workshop kasama sina Sir Derain at Sir Yapan. Yung paglalaro ng oras, pagpapayaman ng sjuzet kahit na napakatipid ng fabula. Ang galing, ang galing. Magandang project 'to. Super good job kay Sir Egay. :)

At dahil dun nai-inspire at nai-inspire akong magsulat. Hehe, at least may motivation na ako ngayon matapos ang lahat ng ka-emohang pinagduldulan ko sa sarili nitong nakaraang linggo at maaaring pinagduduldulan ko pa rin sa sarili ko ngayon, at malamang na ipagduduldulan ko pa rin sa sarili ko sa mga susunod na araw o linggo o buwan o taon. Sinong makapagsasabi?

Anyway, nakahanap na rin kasi ako ng writing spot ko. Yung perfect spot kung saan mas malaya akong nakapagsusulat (ng fiction ha, ibang usapan na pag tula). At hindi, hindi sa RSF (Rizal Study Foyer) ilang oras bago ang pasahan ng short stories sa FA 106 kay Sir Yuson (bagaman oo, nakapagsusulat din ako run. yun nga lang crammed ang result at stressed ang isip ko). Eto: indian sit sa edge ng kama ko, kaharap ng laptop at katabi yung notebook at bolpen (kasi madalas pag pinagsusulat ako ng fiction, tula ang naisusulat ko at vice versa. minsan din nagdo-drowing ako sa kalagitnaan ng pagsusulat. siguro nangyayari yung kapag hindi ko nahahanap sa mga salita yung gusto kong "sabihin."). Sa ngayon nakapag-iisip/nakapagninilay lang ako kapag ang tumutugtog sa media player ko ay Up Dharma Down, o kung tumutugtog sila sa isipan ko.

(Biruin mo yun, ngayon lang ako nakahanap ng writing spot ko. Magaling na bata.)

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger