Miyerkules na, at 'eto ako na nadidiskaril sa panahon dahil nawawala ang master ko: ang relos ko. Alam ko nasa bahay lang yun e, baka may gumalaw o something. Naaalala ko pa nga kung saan ko nilapag yun, at kung ano ang ginagawa ko habang nilalapag yung relos (multi-tasking!)
Maglilimang araw nang walang internet connection sa bahay. And it's a pain in the ass. OK sana kung bakasyon o kung sa panahong light lang ang schoolworks and shitloads, pero hindi e. Kasalukuyan naming ginagawa ang part 3 ng Theology paper namin, at talagang ang hassle kasi hindi ako makapag-online sa bahay para umalalay sa kanila. Tatawag pa sila sa bahay, kung talagang kailangan. Kung magte-text naman sila wala akong pang-reply.
Hanggang ngayon wala pa rin akong cp load. Paano naman kasi hindi maagang nagbubukas yung nagpapa-load sa J. Cruz. Dito naman sa school walang Eload sa caf, ewan ko kung bakit. Hindi ko tuloy ma-text sina EJ at Mike kung paano ako makakatulong sa pag-distribute/pag-post ng posters para sa call for contributions ng Kwentong Pambata ng Heights.
Bukod sa Theo paper, may group study sessions pa ako para sa Aesthetics. Kailangan kong gawan ng outline yung dalawang chapters sa librong Exploring Art, at ipa-photocopy yun para sa mga kasama ko sa group study. Supposedly, dapat buong linggo itong group study namin, kaya lang dahil na rin sa kakulangan sa komunikasyon, panahon, at...kusa, ayun. Kumpara sa mga ibang grupo, may kuwenta pa naman yung sa amin, hehe.
Bukas na kailangan yung mga outlines, sana magawa ko na yung mga yun. Marami pa namang kailangan bukas. Kailangan kong mag-review sa SA, long test bukas. Sana madali lang. At sana hindi ako late, kasi tuwing magbibigay siya ng quiz (so far, nakadalawang quiz na kami), late ako. Kailangan ding mag-review sa CW. Kahit na nabasa ko na yung readings para sa Drama, hindi ibig sabihin nun papasa na ako sa quiz. May homework pa sa Fil.
Masyado na siguro akong nadadala sa TaiChi. Hindi lang siguro ako malay na nagiging mantra na sa utak ko yung mga sinasabi ni Sir tuwing nagfo-form kami: relax, relax, bend your knees, push forward, use your hips, relax, use you waist, elbows align with the knee, relax, tiptoe tiptoe, relax, feet flat on the ground, smile, relax, make big circles, relax, take your time, relax.
Sana mapili akong mag-demo para sa culminating activity kahit na sa 24 step lang. Ayoko nang mag-finals e.
Relax, relax, relax.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento