Pangako kasi 'to sa akin ni daddy. Kapag nakakuha raw kasi ako ng scholarship, bibilhan niya ako - pero yung abot-kaya lang. =)
Matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng laptop. Elementary pa ako nun. Kung dati gusto ko ng laptop dahil cool, ngayon gusto ko ng laptop dahil sa convenience, at sa easy access sa private writing area ko. Nasabi ko na dati, na mas palagay akong mag-type kaysa magsulat gamit ang panulat. At, writer ako. O gusto kong maging isang magaling na writer. Alam kong hindi yun ang lohikal na dahilan para sa pangangailangan ko ng laptop, pero nakakatulong yun sa paghatak ng inspirasyon para sumulat (weird, alam ko).
Salamat naman sa Diyos at sa mga taong nagtitiwala sa akin, heto ako't may laptop na.
Packard Bell Easynote Fo336-v-089
Processor | Intel?Celeron?processor technology M440 1.86Ghz, 1MB L2 Cache, 533Mhz FSB |
Chipset | Intel 945GM |
OS | None |
Graphics | ATI Radeon Xpress 200M |
Graphics Memory | 256MB Hyper Memory |
Display Panel | 15.4" Diamond View |
Standard Memory | 512MB |
Hard Drive | 80GB |
Optical Drive | DVD±RW with Double Layer Support |
Networking/Wireless | High speed 56K modem, integrated 10/100 LAN, 802.11b/g WLAN |
Webcam | None |
Media card | None |
I/O Ports | USB 2.0 (3), VGA, RJ-11, RJ-45, headphone, microphone jack, Omni-directional microphones (2), AC adapter |
Battery | 6 cell Lithium Ion |
Approximate Weight* | Full featured systems - 2.6Kg (5.72lbs) |
Others | SoundBlaster Compatible |
Simple lang ang design, akma lang sa pangangailangan ko. Malaki kung tutuusin pero magaan naman kahit papaano. Wala gaanong specs na makalaglag-baba, pero wala sa akin yun. Mura lang ang pagkakabili namin, di tulad ng mga mas sikat na brands pagdating sa mga laptops/notebooks. Hindi ko pa nasusubukan sa wi-fi internet. Sanay na ako sa touchpad bilang isang mouse, pero pakiramdam ko kakalyuhin ako. One and a half hour lang ang battery, at wala pa akong adapter - humihiram ako sa kanila.
Pwede ko raw dalhin sa school kung kinakailangan. Haha...pero easy lang daw.
This is my first laptop. Wow. Pangarap ko lang 'to dati.
Sa ngayon, dito ko binabasa ang Twilight series/saga ni Stephenie Meyer.
0 ang nagmamahal:
Mag-post ng isang Komento