Teresa of the Faint Smile

May 28, 2008



Katatapos ko lang panoorin ang Claymore - pahabol na panonood ng DVD bago magpasukan uli. Wow. Maganda kahit na bitin kasi hindi pa patay si Priscilla - yung pakay ng bida - at hindi pa nila nakakalaban si Easley. Ngayon, idinadagdag ko ito sa mga listahan ng mga anime na habambuhay kong magugustuhan kahit anong mangyari:

1. Ouran High School Host Club




2. Death Note





3. Fushigi Yuugi




4. Full Metal Alchemist




5. CLAYMORE

Ang konti ano...hehe.





Clare

Ang bida sa Claymore ay si Clare, rank 47 sa 47 na mga Claymores. Siya ang pinakamahina; one-fourth Yoma lang siya di tulad ng mga normal na Claymores na one-half Yoma, one-half human. Pero may secret siyang maluphet na may kinalaman kay Teresa of the Faint Smile...





Isang Yoma

Nga pala, Yoma ang tawag sa mga demons/monsters na salot sa lipunan dahil mga laman ng tao ang kinakain nila. Tulad ng mga totoong salot sa lipunan (mga kurakot for example), may levels din ang mga Yoma. May mga Yoma na madali lang patayin, mayroon din naman yung mga matatalino na kinukuha yung mga alaala ng isang tao para magpanggap na isa nang sa gayon ay maaari na silang makihalubilo sa mga tao nang hindi napapansin o pinagsususpetsahan. Pero hindi sila makakapagtago sa mga Claymores, sapagkat may kakayahan ang mga Claymores na makaramdam ng Yoki (power; kung nanonood ka ng Naruto, ito ang katumbas ng Chakra) na wala sa isang ordinaryong tao.





Mga emblems ng mga Claymores

May 47 areas daw sa lugar nila, at katumbas ng dami nga mga areas ay ang dami ng mga Claymores. Parang sa eskuwelahan na may Top 10, naka-rank din ang mga Claymores batay sa galing at lakas nila. Pawang mga babae ang mga Claymores, kasi sa mga babae lang naging successful ang paggawa ng isang bagong nilalang na kalahating Yoma at kalahating Yoma sa pamamagitan ng paglalagay ng laman at dugo ng isang Yoma sa loob ng mga katawan nila habang bata pa sila. Marami sa kanila ay nagkusang-loob na maging warriors para makapaghiganti sa mga Yoma dahil mga Yoma ang dahilan ng pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay (For example: Clare).





Teresa and Clare (don't know which is which)

So, ano nga ba ang kinalaman ni Clare kay Teresa of the Faint Smile? Si Teresa at si Clare ay ang twin goddesses of love, as depicted sa picture ng rebulto sa itaas nitong paragraph. Pero hindi twins sina Clare at Teresa of the Faint Smile (in a familial way), magkapangalan lang sila. Noong bata pa si Clare, alipin siya ng isang Yoma. Inabuso si Clare at ginamit na props para hindi siya paghinalaan ng mga tao na isa siyang halimaw. Isang araw ay dumating si Teresa sa lugar nina Clare, at pinatay ang mga Yoma, kabilang na ang Yoma na umallipin kay Clare. Noong panahong yun, Si Teresa of the Faint Smile ang pinakamagaling sa lahat ng mga Claymores; rank 1 siya. (At siya ang pinakapaborito kong Claymore!)

Sa kung anong dahilan ay sinundan nang sinundan ni Clare - na noon ay hindi nakakapagsalita - si Teresa. Noong una ay ayaw ni Teresa kay Clare, pero dahil na rin sa awa ay isinama niya ito sa paglalakbay niya. Dahil hindi makapagsalita, si Teresa ang nag-isip ng pangalan ni Clare. At Clare nga ang pinili niya dahil siya ang kakambal ni Teresa - ayon sa twin goddesses of love na sina Teresa at Clare. Nagkataon naman na totoong Clare ang pangalan ni Clare.

Iniwan niya sa isang barrio/town si Clare dahil sa palagay niya ay mas magiging madali at maginhawa ang buhay ng bata na kasama ang mga tao. Pero in-ambush ng mga bandido ang barrio. Bumalik si Teresa upang iligtas si Claire. Pinatay ni Teresa lahat ng mga bandido. Ligtas si Clare. Kaya lang ironclad rule sa organization ng Claymore na hindi maaaring pumatay ng tao ang mga Claymore. Nakahanda nang ma-execute si Teresa, kaya lang tinalikuran niya ang organisasyon at tinakasan ang pagkamatay niya dahil may rason na siya para mabuhay: si Clare.

Sa utos ng organisasyon, papatayin dapat nina rank 2 (Priscilla), rank 3 (Irene), rank 4 at rank 5 (Noel at Sophia). Si Priscilla na lang ang last-one-standing na nakikipaglaban kay Teresa. Number one si Teresa, at sobrang galing niya talaga! Hanggang sa umabot sa limit si Priscilla, at naging Awakened One siya. Ang mga Awakened Beings ay mga halimaw na dating mga Claymore na lumagpas na sa limit nila sa paggamit ng Yoki. Pinatay niya si Teresa nang patraydor...huhu...





See, see, see! Yung anino kay Teresa!!!

Nakita itong lahat ni Clare, at nang umalis na ang Awakened One na si Priscilla (matapos patayin sina Irene, Noel, at Sophia) ay kinuha niya ang ulo ni Teresa, hinanap yung mysterious man in black, at hiniling na ilagay ang laman at dugo ni Teresa sa katawan niya. Nagpasya siya na magiging warrior siya sa ilalim ng Claymore organization para ipaghiganti ang pagkamatay ni Teresa - ang tanging nilalang na minahal siya matapos kunin ng mga Yoma ang lahat ng mayroon siya.

Doon umikot ang istorya, ang paghihiganti ni Clare sa pagkamatay ni Teresa. At nga pala, sa batang si Raki na isinama niya sa kaniyang paglalakbay at napamahal na rin sa kanya - tulad ng ginawa sa kanya noon ni Teresa.





Meet the Slashers!!!

From left: Deneve, Miria, Clare, and Helen. Comrades till the end!!!


Girl power anime 'to...hindi pangbata. Haha...Kahit na bugbog na ang mga bida, o wasak-wasak na ang mga katawan nila, o naputulan na ng mga body parts, ok lang kasi kaya naman nilang mag-regenerate (parang starfish). Madalas ay kundi violet ay pula ang dominant color ng mga eksena (violet: kulay ng dugo ng mga Yoma; pula: dugo ng mga tao).

Kung sinuman ang gumawa ng anime na 'to, hindi siya nanghihinayang na pumatay ng characters ha (tulad na lang ni Windcutter Flora at Irene).

Nightmare ang kumanta ng isa sa mga kanta sa anime na 'to...

Yung drawing parang Death Note; hindi maarte sa buhok at sa mata, proportional ang mga katawan, at hindi rin maarte sa mga damit. Noong umpisa nga kamukha ni Melo ng Death Note.

Sana may karugtong pa 'to...baka hindi ko kasi mabasa yung full manga version. Hay, addict mode na naman ako.

Live as a human, die as a human.

=p

0 ang nagmamahal:

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger