Ipinapakita ang mga post na may etiketa na self-inflicted emotional damage. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na self-inflicted emotional damage. Ipakita ang lahat ng mga post

Tumingin ako sa salamin

Hul 15, 2008

At ano ang aking nakita?

Isang tao. At marami pang iba.

+++

Hiningan nila ako ng titik para sa isang kanta. Wala akong naibigay.

Ilan na ba ang naisulat ko? Higit pa rito, ilan ang maganda sa mga naisulat ko na?

16/20 lang ang reflection paper ko sa History.

Hindi ko matapos-tapos ang sinimulan kong maikling kwento/novella.

Tumingin ako sa salamin, tinitigan ang sarili, sabay nagtanong, "Creative Writing student ka ba?"

+++

Sinubok kong magsulat ng tula tungkol sa pag-ibig. Ang alam ko, nangako ako na hinding-hindi na ako susulat pang muli ng mga tulang tungkol sa mga bagay na hindi ko labis na naiintindihan. Partikular na ang pag-ibig. Pero, haha, ginawa ko pa rin:

[walang pamagat, pero sige na nga...]

hindi ako emo [aba, pinag-isipan ko yan nang mabuti ha]

Pagkagising sa umaga
Ikaw ang naaalala
Sa pagdilat mo kaya'y
Ako ang nasok sa isipan?

Humihiyaw ang puso kong ito
Sinisigaw ang di masambit sa iyo.

Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.

Ang sama ng reaksyon sa mukha ni Fourth nang mabasa niya ito. Haha, ang baduy, shet. Pero gusto ko yung dalawang huling stanza. Cliche nga lang yung pangalawang stanza. Yung pangatlong stanza, sa palagay ko ay may KONTING pagpapasaring sa mga emo at posero. Lahat naman kasi ng tao ay nakararamdam ng lungkot. Hindi lang limitado sa mga taong saklaw ng genre na emo ang pagiging malungkot at suicidal. Pwede ba, natural lang yun sa mga tao. At dahil tao rin ako, at madalas ay inaalipin ng sariling puso't damdamin, inaalay ko ito kay happy crush:

Hindi ako emo
Hindi ako posero
Ngunit anong lungkot ang nadarama
dahil imposibleng tayo.

Dilemma

Hul 7, 2008

Oo, ang dami kong problema ngayon. Pero wala naman akong ginagawang solusyon.

  1. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng spiel para sa presentation ko ng Faberge Eggs.
  2. Hindi ko alam kung paano gumawa ng miniature/imitation ng Faberge Eggs.
  3. Nawawala ang USB ko, kaya hindi ko alam kung paano ako maghahapit ng spiel.
  4. Tinatamad akong pumasok ngayon.
  5. May kailangan pa akong ipasa na article sa AMP (pero pasok na ako as writer sa DP ng AMP).
  6. Tinatamad talaga akong pumasok.
  7. Wala akong pera.
  8. Nababagabag ako kasi may isang bagay na hindi ko naman talaga dapat iniisip pero iniisip at iniisip ko pa rin -
- parang wala akong pagpipilian kundi isipin at isipin yun. Mabigat ang problemang ito dahil naaapektuhan na ang mga pangaraw-araw kong gawain. Kung tutuusin hindi naman ito ganun kahalaga. Pero matapos ang talk kahapon sa The Feast na tumukoy sa paggawa ng mga moments sa buhay, at matapos mabasa ang isang article sa Kerygma na tungkol sa pagsisising maaari mong maramdaman buong buhay mo kung meron kang tanong na kailanman ay di mo tinanong sa isang tao...nagkakaroon ng dahilan ang puso kong manalo laban sa isip ko.

Naguguluhan na ako. Kailangan ko ng makakausap tungkol dito. Yung kilala ako, tsaka hindi magsisinungaling sa akin. Yun bang walang bias sa mga advice. Yung hindi rin kilala yung mga taong involved maliban sa akin. Yun bang tao na hindi lang basta puso ang pinaiiral, kundi pati isip.

Pero hindi ako normal na tao. Kaya baka hindi applicable sa akin yung mga cliche na love can move mountains, love will find a way, you and me against the world...isipin ko pa nga lang yung posibilidad na in-love ako e nandidiri na ako.

Ewww...kadiri talaga.

Kaya lang nakakasawa na rin yung puro happy crush na lang:

False hopes, empty dreams, self-inflicted emotional damage, pa-emo effect...shetness.

Ang boring talaga ng buhay ko. I'm a dork. =|

kamakailan lamang

maaari kang bumalik, kung gusto mo.

Powered By Blogger