Nakalulungkot isipin na wala na nga ang pambato ng Pinas sa American Idol, pero sabihin na nating wala tayong magagawa kung talagang may mga mas magagaling kay Ramielle sa contest.
Hindi naman doon matatapos ang singing career ni Ramielle, puwede pa rin naman siyang sumikat kahit na hindi siya manalo sa Idol. Diskartehan na lang niya. =) Tutal sikat na siya sa Filipino population, baka matulad pa siya kay Jasmine Trias.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na American Idol Season 7. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na American Idol Season 7. Ipakita ang lahat ng mga post
Whatever is wrong with sparrows and Whitney Houston...
Abr 3, 2008 by rachel marra
Ayoko ng country music at hindi ako pamilyar sa mga kanta ni Dolly Parton (kilala ko lang siya dahil sa Celebrity Death Match ng MTV). Pero ok lang sa akin, lalo na yung Little Sparrow ni David Cook (wala itong halong pagka-bias ha!) at yung kinanta ni Carly Smithson. Sayang at hindi ko napanood ang performances nina David Archuleta at Michael Johns (Oha! Kabisado ko na halos ang mga pangalan ng mga contestants!).
Masuwerte lang si Kristy Lee Cook. 'Yun lang ang masasabi ko.
Ganoon din para kay Ramielle Malubay. Masuwerte rin siya.
Para sa akin, ang dapat matanggal ay si Kristy Lee Cook o si Ramielle Malubay (hindi talaga siya magaling e...).
Pero batay sa mga performances kahapon, sina Ramielle, Syesha Mercado, at Jason Castro ang delikado...
Hay, sino kayang matatanggal mamaya?
At napansin ko lang, na galit si Simon Cowell sa mga sparrows at kay Whitney Houston.
Masuwerte lang si Kristy Lee Cook. 'Yun lang ang masasabi ko.
Ganoon din para kay Ramielle Malubay. Masuwerte rin siya.
Para sa akin, ang dapat matanggal ay si Kristy Lee Cook o si Ramielle Malubay (hindi talaga siya magaling e...).
Pero batay sa mga performances kahapon, sina Ramielle, Syesha Mercado, at Jason Castro ang delikado...
Hay, sino kayang matatanggal mamaya?
At napansin ko lang, na galit si Simon Cowell sa mga sparrows at kay Whitney Houston.
BILLIE JEAN!!!
Mar 27, 2008 by rachel marra
Hindi ako fan ng American Idol, pero iba talaga kapag nadadala ka ng mga kasama mo sa bahay.
Well, buti bakasyon na, kasi ang tagal tagal ko nang gustong gumawa ng entry dito tungkol kay David Cook. (Waaah!!!! fangirl mode. fangirl mode. fangirl mode.)
Simula noong kinanta niya ang Hello, nabilib na ako sa taong 'to. Actually, so far, siya ang bet ko na mananalo sa katapusan. Grabe ang rockstar appeal! Shet. Idol ko 'to.
Lalo na noong kinanta niya yung Eleanor Rigby ng The Beatles. Ang ganda! Hindi ako admirer ng music ng Beatles, pero familiar ako sa iba nilang mga kanta (tulad nga ng Eleanor Rigby, Yellow Submarine, Twist and Shout, at iba pa na naririnig ko lang dito sa bahay) kaya naman sobra ang gulat ko nang iniba at lalong pinaganda ni David Cook ang Eleanor Rigby. Bow.
And then, kahapon. BILLIE JEAN!!! Isa ang kantang ito sa mga paborito ko mula kay Michael Jackson, pero pagkatapos kong mapanood ang performance ni David Cook, parang nag-evaporate si Michael Jackson at lalo akong naging isang fangirl ni David Cook!
Grabe, sa sobrang ganda, mangingilabot ka talaga. Talbog ang performance ni...sino yun? Yung kumanta ng We Will Rock You at We are the Champions? (Halatang wala ako gaanong pakialam sa ibang mga contestants) Umangat din naman siya sa performance niya. Actually, bow din ako dun. Pero mas matapang ang move ni David Cook.
Haha, simple ang get-up. May superstar aura. Ayos ang hairstyle. Hindi guwapo, hindi cute, pero may angas (positive). Punong-puno ng rockstar potential!
Inaasahan kong magiging maganda ang mga susunod niyang mga performance.
-ultimate fangirl
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
